Chapter 27

46 1 0
                                    

Halos lakad-takbo na ang ginagawa ko patungo sa cr na itinuro ni Kuyang Waiter na nakasalubong ko kanina. Napakalawak ng hall kaya halos naligaw na ako. Nang matagpuan ko na sa wakas ang banyo ay madali akong pumasok at naghanap ng bakanteng cubicle. At dahil maswerte yata ako ngayong araw ay walang ibang tao sa cr kundi ako lamang. Grabe kanina pa kong ihing-ihi.

Nang matapos ako sa dapat kong gawin ay agad narin akong lumabas ng cubicle at nag hugas ng kamay. Narinig kong bumukas ang pinto ngunit hindi ako nag abalang lumingon para tingnan kung sino ang pumasok. Kita ko sa gilid ng mata ko na tumayo sya malapit sa akin at hindi na gumalaw. Weird. Naagaw nya ang buong atensyon ko nang makaramdam ako ng pagka-ilang dahil sa pakiramdam na may nanunuod sa akin. Tumingin ako sa harap at nakitang nakatingin nga sya sa akin mula sa salamin.

Nagtama ang mga tingin namin at hindi ko maintindihan ngunit may umusbong na inis sa akin. Tumaas ang kilay nya at mataray akong tiningnan.

Ano bang problema nito?

"You know what? Just a piece of advice." Aniya ska humalukipkip bago nagpatuloy sa pag sasalita."You better know your place." Dugtong nya na medyo nagpasakit sa aking dibdib ngunit hindi ko ito ipinakita. Ayokong malaman nya na naapektuhan ako sa sinabi nya. Pinutol ko ang pagtititigan namin at kunwari ay binalewala ang sinabi nya. Nagpatuloy ako sa paghugas ng kamay.

"Gee is very famous and rich that's why a lot of girls are chasing after him. They are so desperate just to make Gee notice them. Mga walang breeding. And I hate those bitches." Bakas ang irita sa bawat salita na binibigkas nya.

"And you're one them, right?" Dugtong nya at tila umakyat ang dugo ko sa mukha.

"You're one of those girls who throw theirselves at Gee. Para ano? Sa fame? Sa pera?"

Agad ko syang binalingan.

"What? Totoo naman diba?" Mataray na wika nya. Naikuyom ko ang mga palad ko dahil baka masampal o mahila ko ang buhok nya.

Tumingin sya sa mga kamay kong nakakuyom at muling ibinalik ang tingin sa mukha ko at itinaas ang isang kilay.

"You want to hurt me? Go ahead." Pang hahamon nya. "Ganyan naman talaga ang mga babaeng walang modo, makarinig lang ng katotohanan sila pa ang galit." Aniya at ngumisi.

This bitch is really getting into my nerves.

"Ano bang problema mo?" I asked in a gritted teeth.

"You. I don't like you." Aniya na para akong pagkaen na nakakadiri.

Bigla akong natawa dahil sa sinabi nya na sya namang ikinainis nya. Ang kaninang nakangisi ay napalitan ng simangot.

"Don't worry. The feeling is mutual." I said then smirked. Kita ko ang paglukot lalo ng mukha nya.

Hindi ko na sya pinansin at tinapos na ang paghuhugas sa kamay ko upang makaalis na. Baka kasi pag nagtagal pa ako ay hindi na ako makapagtimpi.

Nagsimula na akong maglakad at nilampasan sya ngunit bigla nya akong hinawakan sa braso dahilan para matigilan ako.

Tumingin ako sa kanya at bakas ang tila nag aalab na galit sa mga mata nya.

"Hindi ko alam kung saang impyerno o basura ka napulot ni Gee. At hindi ko alam kung anong ginawa mong pang aakit sa kanya." Gilgil na wika nya habang dumidiin ang paghawak sa braso ko. Unti-unting bumabaon ang mga kuko nya.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon