Chapter 41

47 1 0
                                    

Tatlong islands pa ang pinuntahan namin bago kami tuluyang bumalik sa resort.

Nakatingin ako sa reflection ko sa isang malaking salamin sa ibabaw ng table dito sa kwarto namin ni Fritz. Nilalagyan ko ng soothing gel ang aking mukha dahil sobrang namumula ito ngayon gawa ng pagbabad namin sa initan kanina noong mag swimming kami sa huling island na pinuntahan namin.

"Xandra?" Tawag ni Fritz mula sa labas ng kwarto.

"Oh?" Malakas na sagot ko.

"Nasa porch lang kami ni Levi." Sagot nya.

"Okay." Tugon ko. Matapos mag lagay sa balat ng aloe ver gel ay naisipan ko nang magpalit. Nakasuot lang ako ng robe. Katatapos kong maligo. Tumingin ako sa orasan at mag ala-sais na ng gabi. Hinihintay nila ako at sabay-sabay na kaming pupunta sa resto para sa dinner. Doon na lamang din ako hihintayin ni Drake. Sinabi ko sa kanya na huwag nya na akong puntahan dito.

Kinuha ko sa loob ng closet ang  aztec print na maxi dress na may scoop neck at sinuot. Tiningnan ko ang sarili sa salamin, hindi naman gaanong mababa ito, hindi pa naman kita masyado ang dibdib ko. Tingin ko ay ayos lamang ito. Bodycon itong dress kaya kitang-kita ang hubog ng katawan ko rito. Buti na lamang kahit malakas akong kumaen ay hindi ako gaanong tumataba.

Tiningnan ko pang mabuti ang sarili ko sa salamin at parang may kulang. Bigla kong naisip ang backpack ko at kinuha roon ang kwintas kong matagal na nawala na nahanap ni Fritz kahapon lang. Iniisip ko kung isusuot ko ito o hindi. Muli ay ibinalik ko na lang ito sa bag. Hindi ko muna ito susuotin kahit na bagay ito sa kahit anong suot ko. Isa pa baka kung ano na na naman isipin ni Drake pag nakita ito. Lalo at hindi ito initial ng pangalan ko. Sabi nga ni Fritz ay baka wala na silang ibang pendant na nabili kaya eto na lamang. Naalala ko pa na naiyak si Nanay at Tatay nang ibigay nila ito sa akin. Sabi nila, eto daw ang susi sa magandang kinabukasan ko. Paano? Dahil pwede ko itong isanla pag nagipit ako? Dibaleng mag trabaho ako mag hapon-mag damag, hindi ko iyon gagawin. Hindi ko rin maintidihan ang ibig nila sabihin kaya hindi ko na lang rin ito inintindi.

Noong makita ko nga ito ay nagdalawang isip ako kung tatanggapin ko ito. Nagu-guilty ako dahil sa palagay ko ay malaking pera ang nawaldas nila sa pag bili nito. Alam kong hindi mumurahin ang kwintas base sa ganda at pino ng yari nito at kakaiba. Ngunit ayoko naman sabihin nila Nanay na hindi ko na-appreciate ang pinagpaguran nila.

Nang makuntento ako sa suot ko ay nag ayos lang ako ng kaunti sa mukha. Bahagya kong sinuklay ang kulot kong buhok. Sinuot ko ang sandals at isinabit sa balikat ang sling bag ko ska lumabas ng kwarto.

Saktong pag labas ko ay sya ring labas ni Chase sa kwarto nila ni Levi.. Nagkatinginan kami, bahagya syang numiti ngunit agad din nyang binawin ang tingin nya. Sinara nya ang pinto at ska lumakad na patungo sa pintuan.


Bago nya pa mahawakan ang doorknob ay tinawag ko sya. Bahagya pa syang nagulat. Takhang nilingon nya ako. Sinara ko ang pintuan ng kwarto namin ni Fritz ska lumapit sa kanya. Nakatingin lamang sya sa akin, naghihintay sa sasabihin ko.


"Galit ka ba sakin?" Medyo naiilang na tanong ko. Halos hindi ako makatingin sa kanya. Nakatingin ako sa mga paa namin.

Hindi sya agad sumagot kaya tumingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo nito na parang nagtatakha o naguguluhan.

"Chase?"

"Kaya ko bang magalit sayo?" He said then left.

Gusto ko pa syang kausapin kaso hindi na ako nakapagsalita pa.

He answered me with a question too.

Parang may naramdaman akong kakaiba sa dibdib ko. Bakit parang kinabahan ako?

"Wala pa si Xandra?" Narinig ko pang tanong ni Fritz sa labas sa kanya nang lumabas sya. Ngunit hindi ko narinig na sumagot sya.

Agad na rin akong lumabas. Ayoko naman magpa-importante.

Paglabas ko ay wala roon si Chase. Saan sya pumunta? Ang naroon lamang ay ang dalawa na nakaupo sa bench na kahoy habang nagkukulitan.

Nang mapansin nila ako ay tumayo na agad si Fritz at lumapit sa akin na nakangiti. Sumunod naman si Levi. Ngumiti rin ako pabalik.

"Sexy mo." Ani Fritz sabay tapik sa balikat ko. Natawa naman ako.

"May maglalaway na naman mamaya for sure. Let's go." Ska nya inangkla ang braso nya sa braso ko.

Nauuna kaming maglakad ni Fritz haba si Levi ay nasa likod at parang may tinatawagan.

Gusto kong tanungin sa kanila kung nasaan ba si Chase kaso baka mag isip sila ng kung ano. Hindi na lang siguro ako magtatanong. Baka nauna na sya sa resto.

Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Levi sa likuran. Lumingon sa kanya si Fritz.

"Bakit, B?" Tanong ni Fritz habang patuloy kami sa paglakad kahit sa likuran sya nakatingin.

"Hindi sumasagot si Chase." Sagot nito.

"Hayaan mo na muna sya. Baka nag ikot lang yun kasama sila Flynn." Sagot ni Fritz at nagkibit balikat na lamang si Levi.

Nang makarating kami sa resto ay naroon na si Drake sa table na kung saan kami madalas kumakaen. Kasama nya si Eason at nag uusap sila. Tumingin pa ako sa paligid at nakitang nasa may bar counter sina Aiden at Ivan habang may mga juice sa harap nila at tingin ko ay nakikipag kwentuhan sa bartender. Hindi naman mahanap ng mata ko kung nasaan si Dylan at si Cess.


Malapit na kami sa table nang mapansin ako ni Eason at nginuso ako kay Drake ska ngumisi. Nilingon ako ni Drake. Bahagya pang nanlaki ang mga mata nito na parang nagulat at unti-unti rin nagsalubong ang kilay. Ayan na naman ang topak nya.

Nakalapit ako sa kanya na hindi inaalis ang masamang tingin sa akin. Hindi ko alam kung ano na naman bang nakaen nito. Naupo ako sa tabi nya kung saan ako naupo kaninang umaga noong breakfast. Nagbatian sina Eason at Fritz habang nag high five naman sila ni Levi bago naupo.

"Hi Xandra." Bati rin ni Eason sa akin na hindi nawawala ang ngisi at nagpapalipat-lipat ang tingin sa akin at kay Drake.

Ngumiti ako sa kanya at agad na nilingon sya ni Drake. Biglang humalakhak si Eason at tinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko. Ibinalik ni Drake ang tingin nya sa akin. Nakasimagot pa rin sya at salubong ang mga kilay.

Tatanungin ko na sana kung anong problema ngunit nagulat nang damputin nya ang table napkin at itinali sa leeg ko na parang bib at ska sya nag walkout.

Sabay-sabay kong narinig ang hagalpak ng tatlo. Saglit pa akong natulala doon bago nakapag react. Sinimangutan ko silang lahat at kinalas ang nakatali sa leeg ko. Tinapunan ko sila ng masamang tingin ska ko sila iniwan doon na hindi pa rin tumitigil sa kakatawa. Saktan kayo ng tiyan dyan.

Mabilis akong naglalakad para maabutan ko si Drake na nakalayo na. Hindi dapat sya mawala sa paningin ko dahil hindi ko sya kayang hanapin kagaya nang ginagawa nyang paghahanap sa akin. Kahit nasaan ako, madali para sa kanya na hanapin ako ngunit hindi ko iyon kayang gawin sa kanya.

Palabas na ako ng resto nang masalubong si Dylan. Bumagal ako sa paglalakad nang biglang tumingin sya sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang ang bigat ng tingin nyang ibinibigay sa akin. Bumaba ang tingin nya sa kwintas ko at nag iwas sya ng tingin. Nang makalampas na kami sa isa't-isa ay muli kong binilisan ang lakad ko ngunit nawala na sa paningin ko si Drake dahil kay Dylan.

Paglabas ko ng resto ay agad na nagtungo ako doon sa swing namin kagabi ngunit bigo ako nang hindi ko sya matagpuan doon. Umikot pa ako sa ibang parte ng resort at halos isa-isahin ko ang mukha ng mga taong nakaupo sa bawat benches at swing ngunit walang mukha ni Drake akong nakita. Masakit na rin ang mga paa ko kaya naisipan kong maupo sa isang bench sa dulo. Nakayuko at nakatingin sa mga paa kong nananakit. Bahagyang minasahe ko ito dahil parang naninigas na sa tagal kong paglalakad. Ngunit natigil ako nang may ibang pares ng paa ang lumapit.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon