Chapter 45

41 1 0
                                    


Bago pa kami tuluyang makaalis sa kinauupuan ay hinila ko si Drake paupo. Ayokong mag mukha s'yang walang modo dahil sa akin.


"Sorry po." Hingi ko ng tawad sa daddy n'ya.

"You don't need to apoligize----" Natigil s'ya sa pagsasalita ng sikuhin ko s'ya ng pasimple.


"She's right, Ija. You don't have to apologize. Kami dapat ang humingi ng tawad sa'yo. Anang daddy ni Drake. "Right, Mathilda?" Dugtong pa niya sabay lingon niya dito na halatang inis dahil para s'yang pinagtulungan ng mag ama.


"Will you answer my question?" Aniya saka muling tumaas ang plakadong plakadong kilay n'ya sa kanan. "What your parents do?" She's looking at me with her fiery eyes. Para bang pag hindi n'ya nagustuhan ang sagot ko ay bigla na lang ako masusunog dahil sa nagliliyab n'yang mga mata.

"Mathilda!"

"Tita! Will you stop it?" Parehong Naka-high pitch na ang mag ama.

Napatingin ako sa paligid at napansin na ang ibang mga taong naroon lalo sa kalapit table namin ay nakatingin na rin sa amin. Naaagaw ang atensyon nila dahil sa eksenang nangyayari dito. Mukha naman walang pakielam ang mga kasama ko dahil parang hindi sila nabobother kung pag usapan sila at pagtinginan. Pakiramdam ko ay ako lamang ang bukod-tanging nacoconcious. Ang mga tao naman sa mesa ay naghihintay ng isasagot ko. Ang mga business partners nila ay nakatingin sa akin at inaabangan ang sasabihin ko. Si Fritz ay nakangiti lamang at Levi, si Chase ay sa pagkaen nakatuon ang tingin ngunit magkasalubong ang mga kilay. Si Aiden ay parang bata na gustong magwala pero walang magawa dahil sa tingin ko ay pinagsabihan siya ni Eason na huwag makisali. Knowing Aiden, para siyang isip bata na dapat bantayan at laging dapat pagsabihan. Si Eason at Ivan ay parang nahihiya sa inaasal ng Tita ni Drake at hindi sila makatingin sa akin. Bakas sa seryososng mukha ng tatlo kong mga ka-banda na hindi nila gusto ang nangyayari. Kilala ko na sila dahil sa tagal na rin namin magkakasama sa trabaho. Bihira sila mag seryoso dahil madalas ay puro kalokohan ang alam nila. Ang mommy ni Dylan ang bakas ang lungkot sa mga matang nakatingin sa akin habang ang daddy n'ya ay kinakikitaan ko rin ng simpatya sa kaniyang mga mata. Ayoko ng pakiramdam na kinaaawaan ako. Pakiramdam ko ay nanliliit ako. Tumingin ako kay Dylan, walang emosyon akong nakita sa kanya habang sa cellphone lang nakatuon ang tingin. Maybe he didn't want me to feel embarrassed. 

Well, hindi ako mahihiya. Bakit ako mahihiya? Ito ang bumuhay sa akin at ang dahilan kung bakit ako narito ngayon at kaharap ang mga taong ito. Hindi ako papayag na basta na lamang maliitin ng mga taong hindi naman ako kilala.

Buong tapang at pagmamalaki akong sumagot. "Nangingisda ho ang tatay ko. Si nanay naman ho ang nagbibilad nito para gawing daing." Ska ako ngumiti. Hindi ko nakitaan nang pang mamaliit na tingin ang mga tao doon maliban sa dalawa. Sa tita n'ya at kay Cess. Para bang lalo silang nandiri sa mga tingin nila sa akin. Well, the hell I care?

"Well, excuse me." Saka padabog na umalis at sinundan naman ni Cess.


Natahimik ang mesa namin panandali at saka unti-unti rin nagkaroon ulit ng imikan nang nagsalita ang mommy ni Dylan.

"I guess, she didn't change after all, George." Disappointed na wika nito.

"Hon." Narinig kong saway ni Tito Davin sa asawa.

"What? Did I say anything wrong?" There's a sarcasm in her tone.

"No, you're right, Beatrice. She's still the Mathilda we all knew." Sagot naman ni Tito George.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon