Matapos kumaen ay humiwalay na kami kila Fritz dahil nasa kabilang parking ang sasakyan nila. Ang mga kaibigan ni Drake ay bumalik pa ng kani-kanilang cottage para kunin ang kanilang mga gamit. Isang bagay na naman ang sumagi sa isip ko, saan kaya si Cess natutulog? Pinilig ko ang aking ulo para maiwaksi iyon sa utak ko.
Tinatahak namin ang daan patungong parking kung nasaan ang sasakyan nya. Nag pumilit s'ya na sa kanya ako sasabay.
Binalingan ko si Drake na diretso lang ang lakad habang hawak ang kamay ko. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko pero gusto ko ang init ng kanyang palad.
Sa mga nakahilerang mga sasakyan ay litaw at sumisigaw ng karangyaan ang mga naroon ngunit hindi ko alam kung alin ba doon ang kanya. Naagaw ng atensyon ko ang isang tumunog at umilaw na sasakyan. Lumapit kami sa kanyang Range Rover na kulay puti, binuksan nya ang passenger seat. Labag man sa kalooban ko ay kelangan namin mag bitaw, pumasok ako roon.
Isinara nya ang pinto at umikot patungo sa driver's seat.
Kulay berde ang paligid ng daan. Hindi rin mainit dahil sa mga puno na nakahanay sa gilid ng kalsada. Napakasaya at payapang mamuhay sa probinsya. Namimiss ko tuloy sa amin. Namimiss ko tuloy sila Nanay.
Halos mapatalon ako nang may humawak sa kamay ko. Nilingon ko sya.
"What are you thinking?" Tanong nyang sa daan nakatuon ang tingin.
"Nothing." Iling ko.
"If nothing is a person, he'd probably dead by now." Seryosong wika nya na ikinakunot ng noo ko.
Inihinto nya ang sasakyan nang may makita kaming isang malaking grocery store. Walang parking ito kaya nasa tabing kalsada lang nya ipinarada ang sasakyan. Wala rin namang gaanong mga sasakyan kaya hindi ito magiging sanhi ng traffic.
"Wait here." Aniya at mabilis na lumabas ng sasakyan. Sa liblib na lugar na ito ay hindi mo aakalain na may malaking tindahan dito.
Nakita kong lumapit sya sa store na binuksan naman ng guard ang salamin na pintuan sabay yumuko ng bahagya sa kanya para bumati.
Ano kayang bibilhin nya at hindi nya ako inaya na sumama sa kanya?
Nabaling ang tingin ko sa mga lalakeng walang suot na pang taas na abala sa pagbubuhat ng mga karga ng dalawang truck at nagtutungo sa likod ng groceryhan.
Naagaw ang atensyon ko sa isang mabilis na truck na paparating. Hindi naman ito kalakihan katulad noong dalawang ten wheeler. Pumarada ito sa harap ng sasakyan namin sa unahan. Bumaba ang isang matipuno na lalake mula sa driver' seat. Kita ko kung paano bumaling ang tingin ng lahat sa kanya. Lalo na ang mga kababaihan. Kahit sa suot nya lamang na sleeveless shirt na itim at ripped jeans habang may puting towel na nakatali sa ulo na madalas makita sa mga driver, sumisigaw ang kanyang kakaibang aura. Akala mo ay minomodel lang nya ang damit. Kung siguro ay hindi ko nakilala si Drake baka isa rin ako sa mga babaeng tumitili sa kanya. Kung titingnan ay nasa mid 20s na ito. Di hamak na may edad sa amin. Iba ang dating na kahit sino ay mapapansin ang pinagpalang nilalang na ito. Hindi sya bagay na driver ng truck dahil sa itsura nya. Mas bagay syang maging model na katulad roon sa mga nakikita sa mga magazine.
Lumapit sya sa isang lakaki na mukhang may edad na. Siguro ay ito ang amo nya base sa magandang pananamit nito. Eto kasi yung mukhang nag s-supervise sa mga nagbubuhat.
Kumunot ang noo ko nang biglang nag bow ang matanda sa lalaki.
"Damn it!"
Halos mapabalikwas ako sa kinauupuan ko sa gulat dahil sa sobrang lakas ng mura at pagkalabog ng pinto ng sasakyan dahil sa pagsara.
Agad na nilingon ko ang kasama kong hindi ko namalayan na nakabalik na pala. Umismid sya sa akin bago inilagay sa likod ang hawak na dalawang malalaking supot sa magkabilang kamay saka muling nag drive paalis doon. Muli ay nilingon ko ang lalaking matipuno na katawanan ang matanda ngayon. Ang ganda ng mga ngiti nya----
Isang malakas na kalabog na naman ang narinig ko dahilan para matigil ulit ako sa pagtingin sa lalake. Muli kong nilingon si Drake na masama ang tingin sa daan. Hinampas n'ya ang manibela at kumalabog muli ito.
"Shit!" Malutong nyang mura.
"Ano bang problema mo?" Takhang tanong ko habang nakakunot ang noo sa kanya.
Hindi niya sinagot ang tanong ko at lahat ata nang madadaanan namin ay minumura nya.
"Fuck trees." Muling narinig ko.
May saltik talaga ang isang to.
"Damn that stone." He murmured.
What the hell?
Hindi ko na siya pinansin at sinandal ko ang aking katawan sa upuan at bumaling nalang sa labas ng bintana ko.
BINABASA MO ANG
Playing Casanova (Completed)
General FictionMeet Alexandra Ysabel Ramirez Cruz, the breadwinner of the family. A girl who has nothing but her big dream. And that dream is to give her family a better life. Meet Drake, the only son and the heir of one of the most influential and powerful famili...