Chapter 22

60 2 0
                                    

Xandra's POV

"Gumising ka!" nagising ako mula sa isang galit na sigaw. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at iginala ang paningin ko sa paligid. Wala akong makita kahit isang tao na naroon. Hindi ko alam kung nasaan ako pero mukha itong bodega. Hindi ko rin alam kung paano ba ako napunta dito. Babangon na sana ako ngunit hindi ko maigalaw ang katawan ko. Nakatali ang mga kamay at paa ko.

"Sa wakas ay gising kana!" Nag angat ako nang tingin at nakita ang isang pamilyar na lalake na mala-demonyong nakangiti sa akin. Nakatitig lamang sya at tila natutuwa sa itsura ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino sya. Siya iyong lalake na may planong masama sa akin. Agad na nagpumiglas ako at gusto kong makalas ang mga tali sa mga paa at kamay ko. Hindi ako makapaniwalang natanggal ko na iyon. Ngunit unti-untin ay naramdaman ko ang pananakit ng buong katawan ko pati mukha ko ay pakiramdam ko ay sobrang hapdi at sakit. Nakatayo lamang sya sa harapan ko at tila ba natutuwang panuorin akong nahihirapan at hinang-hina. Para bang alam nya sa sarili nya na wala akong takas sa kanya kahit na anong gawin ko. Buong lakas na pinilit kong tumayo at tumakbo palayo sa kanya. Nang lingunin ko sya ay parang hindi lamang ako nakakalayo sa kanya. Tumawa sya at umalingangaw ang maladimonyo nyang tinig sa buong lugar. Kinilabutan ako doon. Sobrang lakas nang halakhak nyang iyon at nakakatakot. Nagsimula syang humakbang patungo sa akin. Mabagal na paglakad ang ginawa nya. Balewala sa kanya ang pagtakbo ko. Inalis ko ang paningin ko sa kanya at humarap sa dinaraanan ko. Mabilis ang pagtakbong ginagawa ko kahit na pakiramdam ko ay hinang-hina at pagod na pagod na ako.

Nang muli ko syang lingunin ay nawala na sya sa likuran ko. Nagpatuloy ako sa pagtakbo habang nakatingin parin sa likuran. Nasaan na kaya sya nagpunta?

Bigla akong natigil nang pakiramdam ko ay nabangga ako sa isang pader. Halos tumilapon ako sa lakas nang pagkakabangga ko. Napasalampak ako sa sahig. Lalong sumakit ang buong katawan ko. Nang mag angat ako nang tingin at tingnan kung saan ako nabangga ay hindi ko mapigilan ang panlalaki ng mga mata ko at hindi ko narin nakontrol ang mga luha dala nang sobrang takot.

Nasa harapan ko na sya agad. Paano nangyari iyon?

"Wala kang kawala!" aniya at kinilabutan ako sa ngising ipinakita nya.

"Kahit saan ka pumunta, hinding-hindi ka makakatakas." Kasabay ang muling paghalakhak nya na para syang isang demonyo na nasisiyahan na nakakakita nang nahihirapan na tao.

Lalo akong napahagulgol. Unti-unti ay lumapit sya sa akin na may ganoon parin ngisi. Sobra-sobra na ang paglakas ng tibok ng puso ko. "Tulong!!!!!" sigaw ko habang umiiyak.

Muling umalingawngaw tawa nya sa buong lugar. Para bang nag e-echo pa iyo.

"Sige sigaw pa!" aniya sabang patuloy sa pagtawa. "Kahit anong sigaw pa ang gawin mo! Walang tutulong sayo dito." At tuluyan na syang nakalapit sa akin.

Hindi na ako makagalaw kahit anong gawin ko. Bahagyang bumaba sya para malapitan ako. Iniangat nya ang kamay nya at umilag ako sa gagawin nya sanang paghawak sa mukha ko. Nag iba ang ekspersyon ng mukha nya at nagging mukhang galit na ito.

Marahas nyang hinawakan ang mukha ko at iniharap sa kanya. Ngumisi sya at wala akong ibang nagawa kundi ay mapaiyak muli. Nag iba muli ang ekspresyon ng mukha nya at malagkit ang mga mata nyang nakatingin sa akin. Matinding pangingilabot na naman ang muli kong naramdaman. Dahan-dahan nyang hinaplos ang mukha ko. At dahil sa ginawa nyang iyon, lalo akong napaluha.

"Ang kinis!" aniya na parang manyak.

"M-mwaawa ka p-please." Halos nauutal kong sabi dahil hindi ko na mapigilan ang paghikbi.

"Maawa?" aniya at tila ba parang inaamo ako. "Kawawa ka nga..." ska pinag masdan muli ang kabuoan ng mukha ko. "Kaawa ka... Kasi walang tutulong sayo!" kasabay nang huling sinabi nya ang pagpapalit muli ng ekspresyon sa mukha nya. Lalo akong natakot sa kanya dahil para na talaga syang isang demonyo dahil sa panlilisik ng mga tingin nya at pag ngisi nya. Mabilis nyang pinunit ang mga damit ko at inilapit nya ang mukha nya sa akin.

Fritzel's POV

"Waaaaag!!!!!!!!!!!!!!"

"Please h'wagggggggg!"

Mabilis kaming napatayo dahil sa sigaw ni Xandra. Nandito kami ni Levi nakaupo sa isang sofa sa sala kalapit ng kamang hinihigaan nya sa loob ng kwarto ni Drake.

"Hey! I'm here! Baby, I'm here!" Ani Drake sa kanya at mahigpit na niyakap ito upang kumalma.

Kanina pa namin hinihintay na magising si Xandra. Mula sa kinauupuan namin ni Levi ay pinapanuod lang namin si Drake na nakaupo sa isang upuan sa tabi mismo ng kama at hindi inaalis ang tingin kay Xandra. Hawak-hawak lamang nya ang kamay nito at hindi binibitawan. Kapag nakita naming bumabagsak na ang mga mata nya at makakatulog sya ay sinasabi namin na kami na muna ang bahala kay Xandra at magpahinga na lang muna sya. Ngunit patuloy lang ang pagtangggi nya.

Mabilis na lumapit kami ni Levi sa kanila.

"Besty! I'm here!" wika ko at hinaplos ang likod ni Xandra. Yakap-yakap parin sya ni Drake at hindi binibitawan. Patuloy sa pag-iyak si Xandra. Halos manlumo ako sa nakikitang kalagayan ng kabigan ko. Napakarami talagang masamang tao sa mundo. At kung sino pa yung mabubuti, sila pa ang nabibiktima. Humanda yang bwisit na Karl na yan.

"Don't worry! I'm here. I will never leave you. You're going to be okay." Malumanay na sabi nya at bakas ang pag aalala sa boses ni Drake. Hindi ko lubos maisip na makikita ko syang ganito. It's very rare and unusual. Kahit sabihin na hindi ko naman ganon kakilala at hindi ko alam ang tunay na ugali nya para i-judge sya, never in my wildest dream that I'm going to witness such a scenario like this sa kanya at sa best friend ko pa.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon