Chapter 15

229 7 1
                                    

Xandra's POV

"Saan tayo pupunta? Akala ko ba ihahatid mo ko samin? Alam mo ba talaga yung address na sinabi ko ha? Hindi dito yung daan." Naiinis na sabi ko kay Drake na abala sa pagd-drive at hindi ako iniimikan.

Sabay dapat kaming uuwi ni Fritz e kaso hindi daw ibabalik nitong lalaki na to ang cellphone ko pag di ako pumayag magpahatid. Kaya ayan, wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Pag sinabi pa naman nya ginagawa nya.

"Hoy lalake!" Nilakasan ko na ang boses ko dahil hindi nya ko pinapansin ska ko sya niyugyog ng bahagya at doon palang sya lumingon sakin with matching nakataas pa ang kilay at ska ibinalik agad ang tingin sa harapan.

"Saan tayo pupunta?" Galit na tanong ko sa kanya.

"Kaen tayo, nagugutom ako e." Walang kagana-ganang sagot nya.

"Hindi ako gutom at ska kelangan ko pang magpahinga." Inis na sabi ko.

Kelangan kong mag pahinga dahil may trabaho pa ko mamaya.

"Saan ka ba nagtatrabaho? Ihatid kita at ska sunduin na din kita." Sabi nya habang titig na titig parin sa daan.

"Pano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ko.

"Nabasa ko sa cellphone mo. Nagtext ang Nanay mo."

"Pakielamero ka. Akin na nga yang phone ko." At ska ko sya hinampas sa braso.

"Ouch! That's hurt. Ang liit ng kamay mo pero ang lakas mo. Kaya basagulera ka e." Inis na sabi nya at hinimas ang kanang braso nya na hinampas ko gamit ang kaliwang kamay nya at ang kanan naman ay nakahawak parin sa manibela.

"Akin na nga kasi." Sabi ko habang nakatitig sa kanya.

"I will give it to you later. San kaba kasi nagta-trabaho?" This time malumanay na naman ang pagsasalita nya.

Ang bilis talaga magpalit ng mood nitong lalaking to. Parang mabait na naman sya ngayon. Bipolar lang?

"Wag na. Abala pa yon sayo." Nahihiyang sabi ko. Nakakahiya naman kasi talaga. Hindi ako sanay mang-abala ng tao. Ska ako umayos ng upo at tumingin nalang sa bintana sa side ko.

"Kasama yon sa responsibilidad ko. Hayaan mo lang ako. Ska ayoko naman na umuwi ka mag isa." Biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Bakit ba sa tuwing magsasalita sya ng mga ganyan parang nag iiba yung pakiramdam ko? Ano bang nangyayari sakin?

"Hindi ako umuuwi mag isa." Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya. Parang umiinit ang pisngi ko. Ano ba tong nararamdaman ko?

Inihinto nya ang kotse sa gilid ng kalsada kaya nagtatakang napalingon ako sa kanya.

Matapos nyang i-handbreak ang sasakyan ay kunot noong tumingin sya sakin.

Anong problema nito?

"Bakit?" Tanong ko.

"Sinong kasabay mo?" Hindi parin nawawala ang kunot sa noo nya.

"Sila Zen, Marco at Flynn."

"Boys? Yan yung mga nasa contacts mo ah." Naiinis nyang sabi.

"Pati yon pinakielaman mo?" Sigaw ko sa kanya.

"Oo. Ayokong kasama mo silang uuwi." Maawtoridad nyang sabi.

"Ano bang problema mo?" Galit na tanong ko. Nakakainis sya. Akala nya dapat laging masunod ang gusto nya.

"Bakit lalaki ang mga kasama mo?" Inis na tanong naman nya.

"Hoy mababait sila noh!" Alam ko ang tumatakbo sa utak ng lalaking to.

"Kahit na. From now on ako na ang maghahatid sundo sayo." Madiin nyang sabi.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon