Chapter 18

249 4 1
                                    

Fritzel's POV

Nagising ako sa malakas na mga kalampag na nanggagaling sa labas ng bintana. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at mula sa kama ay  kitang-kita sa malaking glass window ko ang maliliit na patak ng ulan at ang mga sanga ng puno na naghahamapasam. May ipo-ipo ba?

Gisingin ko nga muna si Xandra. Agad na bumangon ako at ska naglakad papunta sa kwarto nya. Binuksan ko ang pinto ng kwarto nya at lumapit sa nakatalukbong na si Xandra. Bakit parang lumaki at lumapad itong si Xandra? Akala mo dalawang tao ang nakahiga.

"Xandra!" Tawag ko at ska bahagya syang niyugyog. Mantika talaga matulog tong babaeng to.

"Xandra?" At ska muli ko syang niyugyog at this time medyo nilakasan ko na para magising sya.

"Hmmm." Ungol nya pero bakit parang lalaki ang dating ng boses nya? Ahh baka sa kakakanta nya namaga ang lalamunan nya.

"Xandra?" Sabi ko muli at ska inangat ang kumot na nakabalot sa kanya.

Halos malaglag ang buong ngala-ngala ko dahil sa tumambad sa harapan ko?

Hindi kaya nananaginip parin ako? Yun bang akala mo totoo pero panaginip ka lang pala. Ang adik naman ng panaginip ko at ska ko nasampal ang mukha ko.

"Aray!" Teka bakit parang totoo naman?
Muli kong sinampal ang mukha ko.

"Aray! Masakita talaga."

Bakit naging si Drake si Xandra? Kumurap-kurao ako baka sakaling namamalikmata lamang ako. Pero hindi e, hindi nagbabago ang itsura.

Biglang gumalaw ang nasa parteng kaliwa ni Drake kaya nalipat ang tingin ko dito. Maya-maya at nagtanggal sya ng kumot na nakatalukbong sa kanya at nakita kong si Xandra iyon. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Oh no! Ibigsabihin sila na talaga at nag ano na sila agad?

Hindi ko na napigilan ang sarili ko kaya napasigaw ako.

Xandra's POV

"Aaaaaaaaaaaaaahhhhh!" Napabalikwas ako dahil sa isang malakas na sigaw. Si Fritzel ay nandito sa kwarto ko ngayon.

"Fritz ano bang problema mo?" Naiinis na tanong ko habang pupungas-pungas pa.

"Anong problema ko? Ayan!" Histeryang turo nya sa tabi ko at nagulat ako nang maalala ko na dito nga pala sya natulog. Hindi rin mawari ang itsura ni Drake dahil sya mukhang gulat din. "Anong ginagawa nyan dito?" Galit na sigaw nya. Shit! I'm dead!

"Aahhhmmm.." Pano ko ba ipapaliwanag.

"Xandra, akala ko ba uunahin mo muna ang pamilya mo bago sarili mo? Hindi sa pinagbabawalan kitang magboyfriend pero bakit naman ganito? Bakit nakipag ano kana agad? At sa babaero pa?" Wika nyang gulung-gulo, hindi makapaniwala at parang pinag bagsakan ng langit at lupa.

"Ano?/What?" Magkasabay na sabi namin ni Drake.

"Hindi kami nag ano./Hindi ako babaero." Muling sabay na sabi namin at ska napatingin kami sa isa't-isa.

Talagang pagiging babaero ang idineny? At hindi yung iniisip ni Fritz na ginawa namin? Inirapan ko sya sa sobrang inis.

"Kayong dalawa, sumunod kayo sa baba. Ngayon na!" Maawtoridad na sabi nya at ska tumalikod na at malakas na isinarado ang pinto paglabas nya.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon