Chapter 47

20 1 0
                                    

Fritzel POV

Mabilis ako nag exit sa twitter app. Kasabay rin noon ang pagtayo ni Xandra sa kinauupuan n'ya. Dahil sa lakas nang pag atras n'ya ng upuan ấy tumunog ito at napatingin sa kanya ang mga kasama namin sa table pati na rin sa kabilang table. Tila wala itong pakielam at mabilis ang mga ginagawang hakbang palabas. Nadudurog ang puso ko dahil alam ko kung ano ang nararamdaman n'ya ngayon. Tatayo na sana ako ngunit nauna nang tumayo si Chase. Nakita ko rin na umamba ng tayo si Dylan ngunit hindi na rin nag tuloy. Bakas ang pagtatakha sa mga mukha nila maliban kay Dylan na hindi mo mawari kung siya ba ay galit o ano. Kalmado ang kanyang mukha ngunit bakas ang tila matatalim na tingin sa kanyang mga mata.

"Fritz, anyare?" Tanong ni Marco na bakas sa mukha ang pagtatakha.

Nagkibit balikat lang ako.

"Sabihin mo, by. Imposibleng bigla na lang aasal si Xandra ng walang dahilan." Pagpipilit ng pinakamamahal kong jowa.

Bumuntong hininga ako.

"Yung---" bigla akong naputol nang biglang may sumabat.

"Your friend." Madiin na wika n'ya. "He's hopeless." Dugtong n'ya sa huli at umalis.

"Dylan!" Tawag ni Ivan at tumayo saka humabol sa paalis.

He knew.

Litong lito ang mga expression na mababakas sa kanila.

Nilingon ko si Levi na kumakalabit sa akin. Nagtatanong ang mga mata n'ya. Ayaw ko naman sabihin sa harapan.

Ivan's POV

"Bro?" Habol ko kay Dylan. Nasa labas na kami ng resto. I don't know what is happening right now. Hindi ako maka-relate. Sinasabayan ko ang kanyang paglalakad.

Isang mabigat na buntong hininga ang pinakawalan n'ya.

"Ask your friend." Seryosong wika n'ya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin at dire-diretso lamang sa paglalakad.

Naiwan ako doon sa gitna ng daan. Is this about Gee? Wala akong choice at bumalik sa resto para kausapin si Eason.

Papalapit pa lamang ako ay ring ko na ang atungal ni Aiden.

"See? I am right, right? That bastard!" Maktol n'ya doon sa table at isinusuntok suntok ang kanang kamay sa kaliwang palad. Tila naghahanda para sa away.

Ano ba ang nangyayari? Binilisan ko ang mga hakbang na ginagawa ko palapit sa kanila. Ang iba ay sa cellphone nakatuon ang tingin.

"Let's talk to him first." Rinig kong seryosong sagot ni Eason.

"Dude?" Tawag ko kay Eason. Kinunot ko ang noo ko para malaman n'yang naghahanap ako ng sagot. I'm really confused right now.

I sat beside him. Doon sa pwesto ko lang din kanina. He handed me his phone. Nilapag n'ya iyon sa ibabaw sa tapat ko.

I picked the phone up. Shock and anger were probably written all over my face. This asshole!

"Don't tell me you also believe on that photo more than you trust your friend." Eason said with a serious tone.

"What's not to believe?' Iritadong wika ni Aiden. Mas lalo akong naguluhan.

Fritzel POV

Napa desisyonan namin na mag kani-kaniya muna. Humingi ng dispensa si Eason para kay Drake. Tumango lamang ako. Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na okay lang dahil hindi iyon okay. Nasasaktan ang kaibigan ko dahil sa kaibigan nila.

Naglalakad kaming lima patungo sa ibang resto. Umalis din ang mga kaibigan ni Drake at hindi ko alam kung saan sila pupunta.

Hindi ko rin alam kung nasaan si Xandra at Chase ngayon. Naka-off ang phone ni Xandra at nag riring lang ang kay Chase nang subukan namin silang tawagan kanina.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon