Chapter 2

505 13 12
                                    

Xandra's POV

Si jacket guy nasa harapan ko at seryosong nakatingin sakin.

Pano sya napunta dito sa labas e nasa loob lang sya kanina. Napatingin ako sa right side ko at nakita kong may pinto. Teka! Dito sya galing sa pintong to? Wag nyang sabihin na simula dun sa pwesto ko kanina na pinanonooran hanggang dito e isang kwarto lang?
Kung ganon ang lawak pala nyang kwarto na yan.

"What the hell are you doing here?" He said in a serious tone.

Naputol ang pag iisip ko at ibinalik ko ang tingin ko sa taong nagsalita na nasa harapan ko.

Gulp! O_O

"Ah.. eh... I- I'm looking for the comfort room kasi and I think I'm kinda lost!" sabi ko habang napapakamot ako ng ulo. Nakakatakot sya.

Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa, alam mo yung parang kinikilatis ka niya.

Yung tingin nya parang nakakapang liit.

"You're new here, right?" He crosses his arms.

"Ahm yes!" Napayuko ako. Putek! Nanginginig na ko sa nerbyos. Mali ata ang pumasok ako dito sa building na to.

"HAHAHAHAHAHA!" Nagulat ako kaya iniangat ko agad ang ulo ko at tumingin sa kanya.

Bakit tumatawa to?

Parang nakakaloko to ah!

"You should've seen your face! Nakakatakot ba talaga ako?" Then he wink. Sheeet! Ang gwapo.

Pinulot nya ang cellphone ko at inabot sakin. Inilagay ko naman yun sa bag ko.

"Thank-...."Hindi palang ako tapos magpa-thank you ng hilahin nya ang kaliwang braso ko.

Napasunod naman ako sa kanya.

Kumanan kami then we turn left and turn right. Ito-tour nya ba ko?

"Ahm.. San tayo pupunta?"

Tapos bigla kaming huminto. Nabangga ako sa likod nya. Ang tigas!

Nasa tapat kami ngayon ng...... CR! Kulang nalang kumislap yung mga mata ko ng makita ko to.

Humarap ako sa kanya at nag thank you. Pumasok agad ako sa CR. Inilagay ko yung bag ko sa sink. Grabe ihing-ihi na talaga ako sobra. Lalabas na! Binuksan ko yung isang cubicle at ska agad inilabas ang kanina ko pang pinipigilan.

Grabe! Ang tagal matapos, baka naman abutin ako ng uwian dito.

Matapos kong umihi ay nag wash at nag ayos ako bago lumabas ng CR.

Laking gulat ko nang makita ko si white jacket guy na nakasandal sa right side wall sa labas ng CR.

Anong ginagawa nya dito? Bakit di pa sya umaalis? Don't tell me hinihintay nya ko? Wag kang feeler Xandra.

"Ahm! Why are you still here?" I asked shyly. Di naman ako tunog feeler noh?

Tumingin sya sakin.

"Nag soundtrip. Ang ganda na nga e. Psssssssshhhh, pssssst, pssss, pssss!" Tapos tawa sya ng tawa.

Feeling ko namumula ako. Sheeet! Narinig nya?

"Joke lang eto naman! Isn't obvious? Hinintay kita baka maligaw ka pa. Tara na!" At nauna na syang mag lakad. Sumunod naman ako at sinabayan sya sa paglalakad.

"Thank you ulit ha."

"3 days mo bang pinigilan nyan? Ang tagal kasi e." Hindi ako makasagot. Oh please earth swallow me now. This is so embarrassing. Napayuko nalang ako.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon