Chapter 33

53 1 0
                                    




Xandra's POV

Pagkalabas ko  ay naestatwa ako sa kinatatayuan ko nang biglang huminto ang familiar na sasakyan at pumarada sa tabi ng kalsada sa likod ng Montero ni Levi.

Nanlaki ang mga mata ko nang lumabas mula sa driver's seat si Flynn at diretsong nakatingin sa akin habang nakangiti. Kasunod ay si Zen na lumabas sa front seat na nakangiti din sa akin at ang nagkukusot ng mga mata na si Marco na galing naman sa backseat.

"Hi Xandra." Bati ni Zen sa akin habang sabay silang naglalakad ni Flynn patungo sa kinatatayuan ko. Nasa likod nila si Marco na mukhang bagong gising na nakatingin at nakangiti na rin sa akin.

"Kayo pala yan?" Takhang tanong ko.

"Bakit may ine-expect ka pa bang iba?" Tanong ni Flynn at tumaas ang isang kilay.

At dahil sa tanong nya ay bumilis ang tibok ng puso ko. Umiling ako bilang sagot. Ayokong magsalita dahil alam kong mauutal lamang ako dahil sa kaba na nararamdaman ko. Nakita ko pa ang ngisi ni Flynn bago dumiretso ng lakad. Sinundan ko sya ng tingin at lumapit sya kina Levi at Chase na nag uusap dahil sa nangyare sa gulong ng sasakyan namin. Naramdaman ko naman na tumigil si Zen at Marco sa kinatatayuan ko. Lumabas si Fritzel na hawak ang kaliwang pisngi at nagbatian sila nila Flynn.

Hindi matigil sa pagtawa sila Marco nang marinig ang kwento ni Fritz dahil sa nangyari kanina. Mangiyak-ngiyak si Fritz habang sila din ay halos maiyak na sa katatawa. Nang hindi maawat sa pagtawa yung tatlo ay nagbanta na si Fritz na uupakan nya sila kaya ayun kahit hirap sila sa pagpigil ng tawa ay pinilit nila.

Mabuti nalang at may spare na gulong itong sila Zen at marunong silang boys sa pag kalas at pagbalik ng gulong kaya hindi masyadong naging problema. Nang maayos na ang lahat at muli kaming nagpatuloy sa byahe. Halos isang oras din ang delayed namin dahil sa nangyari. Sa halip na alas-sais ang dating namin doon ay magiging alas-sieta pa ng gabi o baka higit pa.

"By, pano yan? Yung gulong mo edi sa Manila pa natin mapapa-vulcanize yan?" Tanong ni Fritz.

"I'm sure meron naman tayong madadaanan dyan mamaya o pag dating na natin ng San Marcelino." Sagot nya na natuon sa daan ang tingin. Tumango naman si Fritz.

Mag a-alas singko na ng hapon at kulay kahel na ang langit. Mamaya ay paniguradong unti-unti nang didilim.

Isang oras pa ang nakalipas at tumigil na si Fritz sa kakakuha ng picture sa mga nadaraanan namin na magagandang view ng bundok, puno at bulaklak. Naririnig ko ang medyo malalim na hininga nya indikasyon na nakatulog na sya. Tahimik rin si Chase na nasa tabi ko at hindi na ako lumingon pa upang tingnan kung tulog sya dahil baka mamaya ay hindi at makita nyang tumitingin ako sa kanya. Sinandal ko ng maayos ang katawan at ulo ko sa upuan ng sasakyan at pinagmasdan ang paligid. Umakyat ang sasakyan sa bundok at namangha ako sa tanawin sa ibaba. Kahit bahagyang kinakaen na ng dilim ang paligid ay kitang-kita parin mula dito sa taas ang napakagandang kulay asul na dagat at mga bubong ng mga bahayan. Mukhang maliit na baranggay ito o hindi kaya ay ito na ang bayan ng San Marcelino?

Nagising ako nang may tumatapik sa balikat ko. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Marahan kong idinilat ang mga mata ko at tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Chase. Nanlaki ang mga mata ko at bahagyang tumalikod ako sa kanya dahil inayos ko ang mukha ko. Baka mamaya ay may muta ako o laway na tuyo. Naka bukas pa naman ang ilaw ng sasakyan ni Levi dito sa loob.

"Besty, we're here." Maligayang wika ni Fritz at napabaling ako sa kanya. Nasa labas na sya ng sasakyan habang nakapantay ang mukha sa bintana ko at nakangiti.

"Tara na." Masayang aya nya at nagsimulang maglakad patungo sa may swing malapit dito sa sasakyan.

"Uhm.. Let's go." Wika ko kay Chase nang hindi sya tinitingnan at ska ko mabilis na dinampot ang backpack ko at lumabas ng sasakyan.

Isinabit ko ang bag sa kanang balikat ko at nagsimulang maglakad para sundan si Fritz. Tumabi ako sa isa pang bakanteng swing sa tabi nya. Nasa parking kami at kalapit nito ang parang maliit na garden.

Abala naman sila Levi sa pagbaba ng mga gamit namin habang habang ganoon din ang ginagawa nila Flynn. Naka park sa tabi ng sasakyan ni Levi ang Fortuner nya.  May dalawang porter doon na may dalawa ding luggage cart. Ang isa ay nakila Levi at ang isa pa ay tumutulong din kina Flynn sa paghahakot.

Tatayo sana ako para tumulong nang matigil ako dahil nagsalita si Fritz.

"Grabe besty. Ang ganda dito, no? Akalain mo kahit medyo may pagka-liblib ito ay may nag e-exist na ganito ka-ganda at kalawak na resort." Aniya habang sa paligid nakatanaw. Tama sya. Hindi mo aakalain na may ganitong lugar dito. Tumango ako bilang pag sang-ayon sa sinabi nya.

Maraming bilog na kulay dilaw at puti na ilaw ang mga nagkalat na nakasabit sa mga puno at mga poste. Ito ang nagbibigay ng ilaw sa madilim na paligid. Tumingala ako pinagmasdan ang maliwanag din na buwan at punong-puno ng mga stars ang langit. Masarap mag star gazing ngayon.

"Besty ano oras na?" Tanong ko kay Fritz.

Tumingin sya sa wrist watch nya bago tumingin sa akin. "7:30." Sagot nya na tinanguan ko lang. Tama ang tantsa ko sa oras ng pag dating namin dito.

Matapos maghakot ay inaya nila kami pumasok sa isang malaking nipa hut. Nang makapasok ko kami sa loob ay doon ko napagtanto na ito pala ang kanilang reception area at may dalawang babaeng receptionist ang naroon. Yung isa ay busy at may kausap na habang yung isa ay bakante. Malaki ang ngiti nya habang pinagmamasdan kaming papalapit. Correction, sa mga kasamahang lalaki lang namin sya nakatingin at kita kong gumagala ang tingin nya sa bawat isa sa kanila. Pansin ko din ang pamumula ng pisngi nya. Well hindi ko sya masisisi, kung sa syudad nga ay talagang tinitilian at halos nagpapatayan ang mga babae sa kanila. Dito pa kaya?

Imbes na doon ituon ang atensyon ko ay iginala ko na lamang ang mga mata ko sa medyo malawak na kubo. Halatang gawa sa matitigas na kahoy ang ding-ding nito ganoon din ang bubong. Kung sa labas ay mukhang pawid lamang, makikita sa loob na may matibay ito na kisame. Mukha itong modern type na kubo.

Sa bawat ding-ding ay may mga nag gagandahang paintings na abstract. Napabaling ako sa isang gilid kung saan naroon ang nag iisang painting na may view. Hindi ito nakasabit katulad ng ibang paintings. Mukhang espesyal ang isang ito at mukhang inilaan ang isang space doon para lamang i-display ang painting na ito. Dagat iyon at may malaking rock formation na may gumamela sa ibabaw at hindi mo mawari kung nakatago o nakasilip doon ang papalubog o papasikat na araw habang kulay kahel na ang langit. Sa painting na iyon ay mahirap hulaan kung ano ba talaga ang ipinapakita.

Ang mga furnitures at display na naroon ay puro gawa sa kahoy. Mayaman siguro sa kahoy ang may ari nito.

May mga dream catchers din ang nakasabit sa bawat open window ng kubo. Naagaw ng atensyon ko ang dream catcher na magkadikit. Kulay blue ang isa at ang isa ay kulay pink. Ang cute. Nilapitan ko ito at hinawakan. Habang pinagmamasdan ko ito ay halos mapalundag ako nang biglang may mga kamay na pumulupot sa bewang ko mula sa likod. Nang lingunin ko kung sino ito ay halos manlaki ang mga mata ko.

"D-Drake?"

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon