Chapter 37

42 1 0
                                    


Naghihilik na si Fritz samantalang ako ay hindi makatulog. Nakakailang ikot na ako sa kama. Alas dos na ng madaling araw. Ilang oras nalang at magigising na ang lahat at maghahanda para sa island hopping na gagawin.

Ibinaliktad ko na ang unan, nag bilang na ako ng mga tupa at isama mo pa lahat ng hayop sa zoo. Ano bang nangyayare sa akin? I really can't sleep. Hindi ako dinadalaw ng antok. Baka mag mukha akong zombie mamaya sa mga pictures.

Nang hinatid ako ni Drake kaninang alas nuebe ay wala pa sila Fritz dito. Maaga nya akong hinatid para makapagpahinga na raw ako dahil sa layo ng byahe. Tulog nga lang ako kanina sa sasakyan kaya hindi lang ako gaanong pagod. Gusto nya pa na doon ako matulog sa room nya o kaya sya daw ang matutulog dito pero hindi pwede! Masyado na syang nasasanay at ganon din ako. Ayoko na masanay kami na hindi makasama ang isa't-isa. Mahirap iyon.

Kinapa ko ang cellphone sa bedside table sa tabi ng lampshade at kinuha iyon. Binuksan at hininaan ang brightness. Binasa ko ang huling text nya kanina.

MOY

I miss you already baby. :( I really wanna be with you right now. Looking forward to sleep with you every night. One day. Good night, baby. I love you so much.

Inexit ko ang message ni Drake at tiningnan ang text ko kay Nanay. Hindi kasi sya sumasagot sa tawag ko kanina kaya tinext ko na lamang na nakarating na kami dito. Alam nyang pupunta kami dito ni Fritz sa San Marcelino dahil sya mismo ang nagpaalam kay Nanay para sa akin kagabi. Aniya ay pumayag daw si Nanay at sinabi pa nito na kumbinsihin daw akong sumama dito, isinumbong siguro ako ni Fritz na puro trabaho. Ayoko kasing nahihirapan pa sila ni Tatay doon. Gusto kong bumawi sa kanila.

Nagising ako nang may marahas na nagtanggal ng kumot dahilan para mamaluktot ako dahil sa lamig na bumalot sa akin.

"Besty, ano ba. Bumangon kana dyan 6:30 na. 8:00 am dapat andon na tayo sa daungan. Mag b-breakfast pa tayo." Talak nya.

Pikit ang mga matang bumangon ako at bahagyang binuklat ang mga mata para makita ang daan na nilalakaran. Nakita ko syang nakasuot ng robe, may tuwalya sa ulo at nakaupo sa harap ng vanity mirror.

Kinuha ko ang towel na nakatiklop sa ibabaw ng isang drawer sa tabi ng cr.

Mabilis na ligo lamang ang ginawa ko dahil paniguradong magbabasa rin naman kami doon. Pag labas ko ay nakasuot na si Fritz ng maikling board short. Pinag halong pink at black ang kulay nito at may tatak na Roxy habang ang pang taas ay puting see-through na off shoulder. Sa ilalim nito ay aztec na bikini top.

Nakaayos na s'ya at nagsusuklay nalang ng buhok.

Sumulyap sya sa aking ng bahagya bago muling tumingin sa salamin sa kanyang harap. "Nandyan na sa kama ang isusuot mo." Aniya. Gusto ko mang tumutol nang makita ang bikini na naroon ngunit ayokong maging KJ.

Naka-robe din ako at kinuha ang mga damit. Pumasok ako sa cr at isinabit ang mga damit sa towel holder. Isinuot ko ang two piece na pinaghalong dilaw at pula ang kulay at may nakalagay naman na logo ng Volcom. Pinag masdan ko ang itsura ko sa full length mirror dito sa loob. Damn it. Naiilang ako, hindi kaya masyado na itong revealing?

Hindi bale matatakpan naman ito ng short at sleeveless shirt. Kinuha ko ang dilaw na board short na Roxy at puting sleeveless shirt na may nakasulat na Billabong sa harap nito.


Nang lumabas na ako ng cr ay wala na roon si Fritz. Nag blower ako ng buhok at suklay. Hindi na ako nag abala pang maglagay ng kahit anong pampaganda. Matatanggal rin naman. Kinuha ko sa bulsa ng bag ko yung waterproof pouch ko at inilagay roon ang cellphone. Inilabas ko rin ang kulay itim ko rin ang maliit kong ocean pack at inilagay doon ang wallet at sunblock.

Paglabas ko ng kwarto ay wala na roon sila Fritz. Nagulat pa ako nang tanging si Drake na nakaupo sa sofa, naka-dekwatro at may hawak ng remote ng tv habang nanunuod ang nadatnan ko. Nilingon nya ako at biglang sumimangot.

"That's too short." Iritadong wika nya.

Napairap nalang ako at lumakad palabas ng pinto.

"Hey." Aniya at narinig kong nawala na ang ingay ng tv. Marahil ay ni-off na nya ito. Nang tuluyan na akong makalabas ay nilingon ko syang naglalakad na rin patungo sa akin. May ocean pack din syang dala na kulay itim at mas malaki ng konti sa dala ko. Nakasuot sya ng sandals kulay itim. Bagay na bagay talaga sa paa nyang maputi na namumula at makinis. Suot dark blue na boardshorts na may logo ng quiksilver at naka-puting sleeveless shirt. He's so freaking hot!

Nagtakha ako nang sya na ang nag lock ng pinto ng aming cottage. Hinarap nya ako at tinanggal sa akin ang dala kong ocean pack at sya ang nagsuot nito.

"Iniwan sayo ni Fritz?" Tanong ko nang magsimula na kaming maglakad.

Bored na sinulyapan nya lang ako at ibinalik sa daan ang tingin. Imbes na sagutin ang tanong ko ay bigla nyang hinawakan ang kamay ko. Bahagya pa akong nagulat sa ginawa nyang iyon. Mabilis na bumaba ang tingin ko sa mga kamay naming pinagsalikop nya. Tiningnan ko sya at seryoso lang ang mukha nya habang patuloy lang sa paglakad.

Nang makarating kami sa resto ay agad natagpuan ko sila Fritz at kasama nila ang mga kaibigan din ni Drake ska si Cess. Nasa isang malaking round table sila na pang maramihan.

Mabilis na naglingunan sila sa amin at sa mga kamay namin na magkahawak nagtagal ang kanilang mga tingin.

Kita ko ang hindi mapigil na ngisi ni Ivan at Eason. Ganon din sila Zen, Marco at Flynn. Para bang nag aasar sila. Ngiting-ngiti naman si Fritz ska si Levi na akala mo ay kinikilig. Si Chase naman ay umiwas ng tingin matapos ang ilang segundong paninitig doon. Si Aiden ay nakabusangot habang si Dylan ay blangko. Hindi nakaligtas sa mata ko ang pag irap ni Cess nang makita ang mga kamay namin ni Drake.

Naupo kami sa natitirang bakante na upuan sa gitna nina Fritz at Ivan.

Nasa kaliwa ko si Fritz at katabi ko si Drake sa kanan ko habang si Ivan ang katabi nya.

Kausap ko si Fritz at sinasabi nyang naka-order na sila ng pagkaen. Naririnig kong may sinasabi si Ivan tungkol sa pagpunta ng Daungan.

"Are you going to bring your car? O sasabay ka sakin papuntang port?" Rining kong tanong ni Ivan.

"I'll bring my car. Xandra is going with me."

"How about me?" Sabay-sabay kaming napalingon sa maarte at disappointed na tanong ni Cess. Para bang ganoon sya ka importante na hindi sya dapat kung saan lang sasabay o sasakay.

"You can go with Aiden." Kaswal na sagot lang ni Drake. Para bang ganoon lang iyon ka-simple. Napaisip tuloy ako kung sila ba ang magkasama sa sasakyan nang patungo sila rito. Sumikip ang dibdib ko dahil hindi malabong totoo iyon.

"What?" Angal ng isa.

Lahat ay lumingon kay Aiden na nakangiwi.

"I wanna go with you Gee." Maktol ni Cess.

"Kila Fritz ako sasabay." Singit ko. Agad silang naglingunan sakin lahat.

"What?" Kunot noong tanong ni Drake tila tutol sa sinabi ko.

"Yon naman pala, e. Let her be with her friends, Gee." Maarte paring wika nito.

"Hell NO!" Malakas at mariin ang pagkakasabi ng huling salita. "My girl is going with me." He said with finality.

Binalingan nya si Cess. "Kung ayaw mong sumakay kay Aiden then you're free to commute." Aniya na parang wala lang nang sinabi nya iyon. Umawang ang bibig ni Cess, gulat at hindi makapaniwalang sinabi iyon ni Drake sa kanya.

Damn! Why are you so insensitive?!

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon