Chapter 48

22 1 0
                                    

Ivan's POV

Nasa kabilang bayan kami. Pinuntahan na namin si Gee ngunit nadatnan namin siyang lasing na lasing.

"Tito ano po ang nangyari?" Tanong ko kay Tito George. Awang awa n'yang tinitingnan ang kanyang anak na tulog dahil sa kalasingan. Nandito kami resort na pag mamay-ari ng mga Sandoval, magiging business partner nila Tito.

Nandito kami sa isang malaking suite. Nandito rin si Cess na nakaupo sa kama sa tabi ni Gee. Hindi ito tama.

"You can leave now Cess. Kami na ang bahala sa kaibigan namin." Nagulat ako sa biglaang pag imik ni Eason. Seryoso siya at utos iyon, hindi pakiusap. Hindi rin siguro n'ya matiis ang nakikita.

Aangal sana si Cess nang sundan ito ni Tito George.

"He's right, Cess. Baka malaman ni Xandra ito at mag away sila." Maawtoridad na wila ni Tito George at padabog na umalis doon si Cess sa kama at lumabas ng kwarto.

"What happened?" Malungkot ang mga matang nilingon kami ni Tito George. Nagkatinginan naman kaming tatlo nila Aiden. Wala si Dylan. Hindi namin siya makita.

Naguluhan kami sa tanong ni Tito George.

Ibinalik namin ang tingin kay Tito na naghihintay ng sagot mula sa amin.

"Xandra." Mabilis kami napalingon kay Gee na binabanggit ang pangalan ni Xandra ng paulit uit habang tulog. Kasunod ang pag hikbi niya. Muli ay nagkatinginan kami at agad din ibinalik kay Gee.

"Don't leave... me..." Halos bulong na sabi n'ya na muling humimbing ang tulog.

"Actually, Tito. Hindi namin alam kung ano ang nangyari kay Gee pero si Xandra..." Naputol si Eason sa pagsasalita. Siguro ay iniisip kung paano maipapaliwanag ng maayos kay Tito yung nakita namin. Masugid na naghihintay si Tito nang karugtong

"She's in pain Tito. Xandra is very heart broken right now because of him." Madiin na wika ni Aiden na tinuro pa si Gee. Siya ang tumapos sa sasabihin ni Eason. Nilingon namin siya agad at pinandilatan. Hindi n'ya kami tiningnan na kunwari ay hindi n'ya nakita ang pag suway namin sa kanya.

Matabil talaga ang dila ng isang ito. Nakabusangot siya sa harap ni Tito George.

Muli kaming humarap kay Tito. Naguguluhan siya. Iniisip ang mga sinabi ni Aiden na tila hindi n'ya iyon maintindihan.

"What do you mean?" Bakas pa rin ang pagkalito kay Tito.

"You're son is an asshole!" Walang habas na sinabi ni Aiden na ikinagulat namin. Alam ni Tito George na madalas nangbabangayan ang dalawa pero alam niyang hindi ito sisirain ni Aiden.

"Stop it, Aiden." Malakas at madiin na banta ni Eason.

Nilingon n'ya si Aiden na pinandidilataan at nagbabanta. Walang pakielam si Aiden doon. Umirap pa siya kay Eason.

"Aiden, can you please tell me everything." Malumanay na wika ni Tito.

"Xandra saw a posted picture of Gee and Cess kissing on twitter. And she looks really heart broken when she left the table." Inis na salaysay n'ya na hindi tumitingin sa amin. Gusto n'ya si Xandra pero hindi kami sigurado kung pag hanga or may iba pa dahil hindi naman siya nakikipag kompitensya kay Gee sa feelings n'ya kay Xandra. Aiden's personality is very possessive like Gee kaya madalas hindi sila magkasundo. If he wants something, he'll definitely get it.

Sa kabila nang pagiging childish at self-centered n'ya ay mapagparaya siya pag dating sa kaibigan.

Nanlumo si Tito sa narinig.

"I hope they can fix this. I'll talk to him pag gising n'ya. You should go to your room. Ako na ang bahala sa kanya." Wika ni Tito George at lumabas na rin kami ng kwarto ni Gee.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon