Chapter 49

21 1 0
                                    

Ivan's POV

Party... party! "Sigaw ni Aiden sa dance floor at ipinapaligo na ang alak. Natatawa naman ako habang vini-videohan siya. Good thing kami lang ang nandito dahil binooked na ni Eason ito nang pumasok kami nila Gee sa bar dito sa loob ng tinutuluyan namin. Ni-suggest ni Eason na lumipat na lang sana kami ng resort ngunit ayaw ni Gee. Pinaalis na rin ang ibang mga customers dito kaya kami lang ang mga tao.

Natigil lamang ako nang may sumipa sa paa ako. Inis na tumingin ako sa gilid at nakitang nakakunot ang noo ni Eason sa akin. Umayos ako ng upo ko at humarap sa kanila. Nasa isang round table kami.

"What?" Nakataas na kilay na tanong ko kay Eason nang makaharap na ako sa kanila.

"Instead of taking videos of Aiden while he is fuckin' drunk over there, why not stop him and drag him over here! " He stated using a commanding tone and with a hint of annoyance. Malamang naiirita na yan sa pagmumukha at ginagawa ni Aiden ngayon.

"Hayaan mo siya. Minsan lang naman." Sagot ko.

"But—"

"Let him." Singit ni Dylan dahilan para maputol ang sasabihin ni Eason. Nandito si Dylan at ipinaliwanag ni Eason sa kanya ang totoong nangyari. Mabuti na lamang at muli namin nakuha ang loob niya. Ngayon lamang si Dylan umalma sa ginagawa ni Gee. Hindi bago ang ganitong gawain n'ya pag dating sa babae ngunit ito ang kauna unahang nagalit si Dylan sa kanya dahil doon.

"Hayaan nalang natin siya. Ivan's right, minsan lang naman 'yan. Ska kung nandito s'ya mas lalo ka lang maiinis." He continued.

Tama si Dylan, mas lalo lamang maiinis si Eason kay Aiden kung nandito siya sa table. Actually baka kaming lahat ay mainis lamang dahil panigurado hindi nya titigilan banatan tong si Gee na ngayon ay nagpapakalango sa alak.

"Gee. Tama na yan." Eason said.

"No!" Sagot nya habang umiiling at ska muling tinungga ang bote ng Jim Beam. "Let's celebrate." Aniya habang nakangiti. He can't hide the bitterness from it.

"He chose that ugly bastard over me." He laughed. It's a dry laugh, actually. Then suddenly, it turns into cry.

"I don't get it. Ginawa ko naman lahat para sa kanya. I did everything to make her believe that I really love her and to prove my good intentions, but I guess it wasn't enough. Hindi ko na alam kung ano pa bang dapat kong gawin. I know to myself that I did what I had to do para wala akong pagsisihan sa huli." He said between his sobs.

"Just don't give her up easily." Dylan said while tapping Gee's back. Pinapakalma nya ito. Nilingon sya ni Gee.

"How? She ended it." Aniya at muling bumaling sa bote ng alak sa harapan nya. "How can I fight for someone who already gave up? How can I fight for someone who's not even fighting for our love?" Aniya at ska humikbi. "TELL ME! HOW?" sigaw nya sabay tinungga ang bote ng alak na hawak nya. Dahan-dahan nyang inilapag ito sa mesa at tahimik na tumutulo ang luha sa mukha nya.

"Tell me please. I don't know what to do. I don't know anymore. Please! I'm begging you. Tell me." Aniya habang umiiyak pa rin. Kita ko sa mukha ng dalawa ang awa kay Gee. Ako rin sobrang naaawa sa mukha ng kaibigan namin. We've never seen him like this before. Iba talaga ang epekto ng pag-ibig sa tao.

Tumayo siya at muntik matumba. Mabilis kaming tumayo para maalalayan siya. Naituon n'ya ang bote ng alak sa mesa. Itinaas n'ya ang isang kamay para sabihin na kaya niya. Nasa kanang kamay pa rin ang bote ng Jim Beam.

"Gee." Malumanay na tawag ni Eason. Awang awa sa kaibigan.

Hindi namin alam kung paano namin siya tutulungan sa problema niya. Hindi pa namin nararanasan ang ganyan. Tinungga n'ya ang alak at naubos. Inilapag n'ya ang bote sa ibabaw ng mesa.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon