Chapter 20

180 2 1
                                    

Xandra's POV

Katatapos lang ng klase ngayong hapon at uwian na. Naglalakad ako papuntang gate pero nandito palang ako sa tapat ng parking lot. Ang lawak kasi dito napapagod na ko. Dalawang linggo na ang nakakalipas. Mabuti nalang din at okay na ang paa ko.

Halos walang katao-tao dito sa part ng school na to pano ba naman kasi yung mga estudyante nakatambay lahat sa garden o kaya cafeteria o kaya classroom o di kaya naman library kunwari nagaaral.

Chismisan muna bago mag hiwalay. Sina Fritz at Levi kasi maaga pareho natapos ang klase kaya lumabas na sila. Nasa mall sila ngayon at pinapasunod ako dun. Si Drake naman nasa private library nila. Kakatext lang nya pero hindi k na nireplyan.

Habang naglalakad ako may nakita akong tatlong lalaking estudyante na papalapit sakin na galing sa parking lot.

"Hi Miss." Sabi ng isang mukhang manyak nang makalapit sila. Nakasuot din sila ng uniform gaya ko. Naka-side ang kanyang buhok at may bangs na bahagyang tumtakip sa kanyang mukha. Napahinto ako ng bahagya dahil pumalibot sila sakin.

Hindi ko pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglakad.

"Teka!" Sabi ng isa pang mukhang manyak sabay hawak sa braso ko dahilan para napahinto ako. Mohawk ang buhok nya at may hikaw sa gitna ng kanyang lower lip. Mabilis na binawi ko ang aking braso.

"Wag kang isnabera. Gusto lang namin makipagkilala." Sabi ng isa pa nilang kasama na tadtad din ng hikaw ang tenga. Kinilabutan ako nang bigla itong ngumisi.

Yung mga tingin nila para ka nilang hinuhubaran.

"Sorry! Pero may pupuntahan pa ko." Inis na sabi ko ska ko sila binangga at dumaan sa pagitan ng lalake na may bangs at maraming hikaw.

Hindi pa man ako nakakalayo ay mabilis silang naglakad at humarang sa dadaanan ko.

"Suplada ka ha! Kung sabagay may thrill!" sabi ng may bangs at ska sumenyas sa mga kasama nya. Kinabahan ako.

Lumapit sakin yung dalawang lalaki na kasama nya at ska hinawakan ng lalakeng may hikaw sa baba ng labi ang dalawa kong kamay at inilagay sa likod ko habang ang isa pa ay hinawakan ang mya binti ko at ska binuhat nila ako ng nakapahiga. Tumatawa lang na parang demonyo ang lalakeng nag utos na gawin sakin ito.

"Tulong!" Sigaw ko.

"Kahit sumigaw ka! Walang makakarinig sayo dito." At ska sabay-sabay silang tumawa na parang mga demonyo.

Nagpumiglas ako pero hindi ako makawala sa higpit ng hawak nila sakin.

"Wag kang malikot." Inis na sabi ni nang nakahawak sa mga kamay ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak ako.

Idinala nila ako sa parking lot at ska lumapit sa isang sasakyan at binuksan nila ang likod nito. Malawak ang loob nito at ipinasok ako doon.

Nakahiga ako sa ng sahig ng sasakyan habang tinatalian nila ang mga kamay at paa ko.

Pinilit ko parin magpumilas pero hindi ko kaya ang lakas nila. Ngunit hindi ako sumusuko at nakabitaw ang mga kamay ko sa lalaking naka-mohawk ang buhok habang tinatalian nya yon. Umangat ako sa pagkakahiga pero hindi ako makatayo dahil hawak hawak ng isa ang mga paa ko. Nakaupo ako at pinaghahampas ko si ang lalaking maraming hikaw.

"Aray! Pigilan mo nga yan Rob." Sigaw nya sa kasama

Agad hinakawan noong Rob, this time mas mahigpit na.

"Bwist ka! Pakawalan nyo ko!" Sigaw ko dun sa manyak na Rob.

"Tulong! Please tulungan nyo ko!" Malakas na sigaw ko. Nagbabakasakali na may makarinig sakin.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon