Xandra's POV
"Where did you get that necklace?"
Hindi ako nakasagot dahil kinabahan ako sa pagiging seryoso ni Dylan.
Ilang sandali ay biglang umangat ang kanyang labi at gumuhit dito ang ngiti.
Bahagya syang natawa. "Hey!" Aniya at nanatili parin na nakangiti. He's back from his usual self. Anyare? Tinakot lang nya ko ganern?
"Are you okay?" Kunot noong tanong nya nang hindi parin ako makapagsalita. Kumurap-kurap bago ako tumango.
"Natakot ba kita?" At ngayon natatawa na naman sya. Ako naman kumunot ang noo dahil sa pabago-bago ng ugali nya. May topak din ata to e. Sabagay kaya nga sila nagkakasundo nila Drake e kasi pare-pareho sila. Bird with the same feathers flock together ika nga.
Hindi ako sumagot at muli parin syang nagsalita.
"I'm sorry." Mukhang sincere naman sya sa paghingi ng tawad. Tumango nalang ako bilang sagot.
"Ngayon lang kasi kita nakitang may suot na necklace." Wika nya. "D-did Drake give that to you?" Tanong nya pa na medyo nautal nung una. Weird ni Dylan ngayon ha.
"Ahmm-"
"Niloloko mo ba ko?"
Naputol ang sasabihin ko dahil sa nagsalita mula sa likuran. Agad na napalingon ako sa may likod ni Dylan at nakita sa di kalayuan si Ivan kung saan ang pwesto ni Dylan kanina. May hawak pa itong malaking supot nang sa tingin ko ay marshmallows. Hindi ko makita kung sino ang kausap nya dahil natatakpan ito ng shelf ng mga chichirya at si Ivan lang ang nasa bungad kaya sya lang ang nakikita ko.
"Andyan nga sya kanina." Sagot ng kausap nya. Familiar din ang boses. Maya-maya ay lumapit ito kay Ivan.
"He's standing here the last time I saw him." Dagdag pa ni Aiden habang tinuturo ang pwestong kinatatayuan nila ni Ivan ngayon.
May lumapit pang isa sa kanila habang may tulak-tulak itong cart na may gabundok na kung anu-anong laman.
"You two. Will you minimize your voice? Stop making a scene." Iritang wika naman ni Eason ska hinawakan ang bridge ng kanyang ilong at napapikit. Mukha syang tatay na nakukunsume sa pag aaway ng kanyang mga anak. Si Ivan ay nakasimangot kay Aiden habang si Aiden naman ay paulit-ulit mina-mouth ang "WHATEVER" habang naka-W din ang daliri sa harap ni Eason. Nang dumilat si Eason ay biglang umayos ng tayo si Aiden at itinigil agad ang ginagawa. Tiningnan nalang nya ang laman ng cart at kunwari ay sinusuri ang mga binili. Tiningnan lang sya ni Eason ng masama bago ito muling lumakad habang tinutulak ang cart. Sumabay na rin sa kanya si Ivan.
Nakakadalawang hakbang pa lamang sila nang mapatigil sila dahil kay Aiden.
"Hey." sigaw bigla ni Aiden kaya napatigil sina Eason at Ivan sa paglalakad. Napatingin narin ang ibang mga tao sa kanila. Napapikit ng mariin si Eason. Bakas ang matinding iritasyon sa mukha nya ngayon.
"Bakit hawak mo yang marshmallow?" Nakakunot noong tanong ni Aiden habang nakatingin sa marshmallow na hawak ni Ivan at tiningnan si Ivan ng masama. Tiningnan din ni Ivan ang hawak nya at muling tumingin kay Aiden.
"So?" Iritang sagot naman ng isa ska itinaas ang isang kilay.
"Ako ang nakakita nyan." Magkasalubong ang mga kilay ni Aiden at lumapit kay Ivan at akmang aagawin ang malaking supot ng marshmallow nang iiwas nya ito dahilan para lalong magsalubong ang kilay ni Aiden.

BINABASA MO ANG
Playing Casanova (Completed)
Ficción GeneralMeet Alexandra Ysabel Ramirez Cruz, the breadwinner of the family. A girl who has nothing but her big dream. And that dream is to give her family a better life. Meet Drake, the only son and the heir of one of the most influential and powerful famili...