Chapter 39

44 2 0
                                    

Matapos ang trenta minutong byahe na walang imikan ay kulang na lang na mapanis ang laway ko. Hinayaan ko syang mag mura sa lahat ng bagay na nakikita nya kung iyon ang makapagpapaligaya sa kanya. Pumasok kami sa isang malaking berdeng gate na sa tingin ko ay isang resort.

Rinig ko ang buntong hininga nya nang iparada nya ito sa katabing mga sasakyan na agad ko namang nakilala. Mga sasakyan ito nina Levi at Flynn. Hindi ko lang alam kung kanino ang iba pang mga katabi nito ngunit ito rin iyong mga naka-park sa resort katabi ng sasakyan ni Drake.

Kumunot ang noo ko dahil sa pag iisip na nauna kaming nakaalis sa kanila ngunit naunahan nila kami makarating dito.

Naputol ang pag iisip ko nang biglang sumara ang driver's seat. Nakababa na pala roon si Drake na hindi man lang ako inaaya. Binuksan ko na rin ang pintuan ng sa akin at saktong bumungad sya sa harapan ko na akmang bubuksan sana ang pinto ko ngunit naunahan ko lamang sya. Umismid sya sa akin at ska tumalikod. Inabot nya ang kamay para alalayan ako sa pagbaba na hindi lumilingon.

Hindi ko tinanggap iyon at kusa akong bumaba. Mabilis syang lumingon nang marinig ang pagsara ko ng pinto ng sasakyan.

"Tss." Aniya ska muling umismid. Ni-locked nya ang sasakyan at nag lakad na hindi man lang ako inaaya.

Hindi ko alam kung anong sakit ng topak na naman nya ang umatake sa kanya.

Naiwan ako sa likod nya ngunit hindi naman ganoon kalayo. Mabagal pa rin ang paglalakad na ginagawa nya na animo'y hinihintay ako at hindi sya lumalayo. That's the best thing about him. Kahit galit sya ay hindi ka nya pababayaan. Pero hindi ko rin alam kung ano ba talagang dahilan kung bakit sya nagkakaganyan.

Sinusundan ko lamang syang naglalakad habang pinagmamasdan ko ang paligid ng resort. Halos katulad lang rin lamang ito ng resort na tinutuluyan namin. Pareho ng landscape design, mga cottage, ngunit magkaiba lang ng kulay ng pintura at mas moderno itong tingnan. Wala itong porch. Puro kulay puti ang pintura rito na may kaunting itim at abo na kahalo. Ang bintana at pintuan ay parehong salamin. May fountain rin ito na wala sa kabila.

Nakita ko ang isang kubo na naroon mismo sa tabing dagat, dalampasigan. Maliit lang ito at mukhang bar counter dahil sa mga stools sa paligid. Nakaupo roon sila Dylan, Eason at Cess habang tumatawang nakatanaw kina Aiden at Ivan na naglalaro sa tubig kasama si Marco. Hinanap ko sila Fritz at nakitang nakapose. Nakatalikod sila sa dagat ni Levi habang nakangiti at nagpapapicture kay Zen at Chase. Si Flynn naman ay medyo malayo sa kanila. Nakatayo sya at nakahalukipkip habang nakatanaw sa dagat na tila malalim ang iniisip.

Hindi ko alam kung hinihintay ba nila kami kaya hindi pa sila sumasakay sa bangka o wala pa yung bangka na sasakyan namin.

Nang namalayan na may paparating ay mabilis na lumingon si Cess at agad na hinanap agad si Drake. Tumayo sya sa kinauupuan at sinalubong si Drake.

"What took you so long?" Hindi ko alam kung ganyan talaga syang magsalita o sadyang maarte lang talaga sya. Nilampasan lamang sya ni Drake at hindi pinansin. Bumaling sa akin si Cess at tumingin ng masama at ska umismid bago sumunod kay Drake.

Agad na lumingon sina Dylan at Eason sa amin nang marinig si Cess. Pilyong ngiti ang ipinakita ni Eason kay Drake. Habang ang nakatawang mukha ni Dylan kanina dahil sa pagtawa kila Ivan ay biglang nawala at napalitan ng hindi ko mawari na reaksyon nang nilingon kami. Kita ko ang mabilis na paghanap ng mata nya sa akin. Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa na akala mo ay ineeksamin ako. Bigla akong nailang dahil sa tingin nya. Hindi ko alam kung sya ba ay galit dahil bigla syang naging seryoso.

Nang mukhang matapos na sya sa pag tingin sa akin ay binawi nya ang mata nya at muling bumaling sa harapan at tumayo.

"Let's go." Seryosong wika nya at ska lumakad papalapit sa dagat. Doon ko napagtanto na kami lang talaga ang hinihintay nila. Maglalakad o magkakayak ang pwede naming gawin para makalapit sa bangka. Hindi kasi pwedeng dumaong sa malapit dahil sa mababaw pa ang tubig nito. Dahil sa tuwang-tuwa ang lahat sa tubig ng dagat ay mas pinili na naming ang maglakad patungo sa bangka. Hindi rin naman ito kalayuan.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon