Chapter 25

96 2 1
                                    


Walang tigil ang kalabog ng puso ko habang pababa ako ng hagdan. Isang nude floor-length gown na spaghetti strap ang suot ko ngayon na may cinch at ruche detail sa waist na dahilan para makita ang hubog ng katawan. Medyo revealing ang gown na ito dahil kitang-kita ang likod ko at medyo mababa ang harap. Kelangan ba talaga ay ganito ang isusuot? Hindi pa naman ako sanay pero kelangan madala ko ng maayos ang damit na ito.

Nang malapit ko nang matanaw ang sala sa baba ay inayos ko na ang sarili ko at confident na humakbang ako pababa ng hagdan. Nang matanaw ako ni Drake ay mabilis na napatayo sya at halos makita ko na ang ngala-ngala nya dahil sa pagkakalaglag ng panga nya. Gusto rin malaglag ng panga ko dahil sa sobrang gwapo nya sa suot nyang kulay gray na tuxedo. Well, gwapo naman sya talaga sa kahit anong suotin nya. Nakapagpadagdag pa lalo sa kagwapuhan nya ang suot nyang diamond earing sa kaliwang tenga. Kakarating lang nya at kaya ko nalaman na nandito na sya ay dahil tinawagan pa ako ni Fritz sa cellphone ko. Nasa kwarto lang kasi ako at ayaw ako pababain ni Fritz hangga't wala si Drake.

Dapat nga ay dito ko na sa sala hihintayin si Drake dahil kanina pa naman ako naka-ayos pero itong si Fritz kasi ay may pa-suspense pang nalalaman. Napatingin ako kay Fritz na prenteng nakaupo sa sofa na may malaking ngisi at naglilipat ng tingin mula sa akin at kay Drake. Gustuhin ko man syang irapan ay binalewala ko nalang ang pang-aasar nya. Alam kong natatawa sya sa naging reaction ni Drake nang makita ako. Medyo itinaas din nya ang buhok ko pero bahagyang nakalaylay ang kulot na dulo. Magaling talagang mag-ayos si Fritz, kahit itong make up ay sya din ang naglagay sa akin. Light lang ang nilagay pati sa lipstick ay nude din ngunit pagdating sa mata ay smoky. Sabi nya para magmukha daw akong inosente na hindi. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Fritz.

Nang muli kong tingnan si Drake, ang kaninang pagkakalaglag ng panga nya dahil sa pagkakamangha? Marahil, hindi ko alam. Ay napalitan ng pangungunot ng noo at pagsasalubong ng dalawang kilay.

"I really should've check the gown before I gave it to you. Didn't know that it's too seductive and revealing." Hindi maitago ang irita sa boses nya.

"Hindi ba ikaw ang pumili nito?" Takhang tanong ko.

"No!" Mabilis na sagot nya. "Kung ako ang pumili, sisiguraduhin kong balot na balot ka. Kung pwede lang sana na balutin ka sa kumot at pasuotin ka pa ng hooded jacket." Masungit na sabi nya habang umiiling. Napangiwi naman ako dahil doon. Siraulo talaga to.

"I shouldn't trust her on this. Tss!" Hindi parin sya matigil sa reklamo nya dahil sa gown na suot ko. Pero wait! She? Sino kaya?

"Sino ba ang inutusan mo bumili?" Inosenteng tanong ko para hindi ako magtunong interesado kung sino mang babae ang inutusan nya.

"Dad's secretary." Inis na sagot nya sabay simangot.

"Ahhhh!" Sagot ko ska tumango-tango. Nakahinga ako ng maluwag. Pero curious ako kung bata pa ba yung secretary o hindi. Teka? Ano ba tong iniisip ko. Bakit masyado yata akong nagiging interesado pagdating sa kanya ultimo sa mga taong nakapalibot sa kanya ay suddenly gusto ko nang alamin. This is wrong. Very wrong!

"Why?" Aniya sabay kunot noong tiningnan ako.

"Anong why?" Takhang tanong ko sa kanya.

"Why did you ask?" Aniya na nakakunot parin ang noo. Hindi kaya ay nakahalata sya sa tanong ko? Shet!

"Wala. Okay naman ah. Maganda nga ang taste e." Sagot ko para maibsan ang namumuong kung ano sa isip nya at mahulaan ang naisip ko kanina.

"It's not okay! Okay? Maybe I should fire her." Inis na inis parin sya.

"Tama na. Wag nang umabot sa ganon. Next time ako na ang pipili ng damit." Ska ko hinawakan ang braso nya. Mabilis naman na napatingin sya sa braso nyang hawak ko.

Malakas na napabuntong hininga sya.

"Okay. In one condition." Aniya habang nakatitig parin doon sa kamay kong nakahawak sa braso nya.

"Wear my coat."

"What?" Kunong noong tanong ko at hindi makapaniwalang tiningnan sya. Ang OA talaga. "Let's go." Wika ko at hinila na sya. Wala narin akong narining pang angal sa kanya. "Bye, Fritz." Paalam ko na hindi na lumingon pa at diri-diretso akong lumabas ng bahay habang hila-hila si Drake.

"Enjoy, guys." Aniya at narinig ko pa ang mahinang hagikhik nya.

"Ano bang meron ngayon?" Tanong ko sa kanya habang tinatahak namin ang daan patungo sa kanila.

"Dad's birthday." Aniya habang sa daan parin nakatingin.

"What?" Gulat na tanong ko.

"What?" Aniya na walang gana nang lumingon sakin at mabilis na ibinalik ang tingin sa daan.

"Bakit di mo sinabi agad?" Inis na sabi ko.

"So?"

Bwisit talaga to.

"Di man lang ako nakabili ng kahit simpleng regalo." Wika ko ska bumuntong hininga.

"It's okay. Don't worry about it. Your presence is enough." Prenteng sagot nya. Ano ko espesyal at presensya ko lamang ay ayos na?

Hindi na ko sumagot at sumandal sa upuan ng sasakyan. Tinanaw ko nalang ang kalsada sa labas ng bintana.

"Hey!" Aniya ska maharang kinurot ang pisngi ko. Hindi ko sya pinansin.

"What's the prob? So, what if you don't have a gift for him? You can't give what dad's want anyway."

Aray ha! Mabilis na napalingon ako sa kanya. Serysoso lang syang nakatingin sa daan at sa pagmamaneho nya. Napansin ko ang pamumula ng mukha nya dahil sa ilaw na tumatama sa kanya mula sa mga streetlights na nadaraanan namin ngayon pero binalewala ko ito.

Nakakainis sya. Napaka-insensitive talaga. Oo na mayaman kayo at alam kong hindi ko kayang bilhin kung ano man ang gusto ng daddy mo letse ka! Gusto kong isigaw yan sa pagmumukha nya.

Lumingon sya sakin nang mapansin na nakatitig ako sa kanya. At mabilis na ibinalik ulit ang tingin sa daan.

"I mean, hindi mo pa kaya sa ngayon." Aniya at tila mas lalo pa atang namula. Ano bang nangyayari sa kanya? Pero binalewala kong muli dahil parin sa inis ko. Sus! Binabawi ang una nyang sinabi. Ano binabawi mo porke nakita mong masama ang titig ko sayo o dahil na-realized mong masyadong matabil yang bibig mo. Kainis!

"Hindi ko pa kaya sa ngayon kasi working student lang ako at hindi pa ako successful, ganon ba?" Inis na sabi ko at ska ko sya inirapan kahit hindi nya nakita.

Ibinalik ko nalang ang tingin ko sa bintana at tinanaw ang daan.

"No! That's not what I meant." Magpapalusot pa to.

"Sus. Palusot pa." Iritang sabi ko na hindi parin tumitingin sa kanya.

Biglang itinigil nya ang sasakyan sa gitna ng kalsada. Nilingon ko sya na nakakunoot ang noo. Eksena talaga ang lalakeng to. Mabuti nalang at wala kaming kasunod na pwedeng magreklamo. Sabagay, walang pakielam ang isang to kahit pa may magreklamo. Abnormal kasi to e.

"If I tell you what present dad's wants from you, ibibigay mo ba?" At para syang sinilihan dahil lalo pa syang namula. Hindi ko alam kung dahil ba sa kulay orange na ilaw ng streetlights na pumapasok sa loob ng sasakyan at nagb-blend in sa kulay nyang maputi na mamula-mula kaya sya parang namumula o talagang namumula sya? Kung ganon, bakit naman?

"So ano nga? Siguro naman mapag iipunan yon. Masyado ka naman mapanghamak." Inis na sabi ko sabay irap.

"Grandchildren." Mabilis na sagot nya at parang bumalik yung eyeballs ko sa pinag-ikutan nya nang umirap ako. Laglag ang panga ko sa sinabi nya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hindi rin sya makatingin sa akin ng diretso kaya ibinalik nya ang tingin sa daan.

"Dad wants grandchildren from us." Malumanay na wika nya na lalong nakapagpalglag ng panga ko.

Hindi ko pa nga kaya.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon