Xandra's POVAkmang kukunin ko ang cellphone ko sa bag nang biglang may malakas na tunog na sumabog at narinig ko pa ang malakas na sigaw ni Fritz bago muntik masubsob ako sa likuran ng upuan nya at tatama na sana ang pagmumukha ko nang may maramdaman akong mga kamay na pumulupot sa katawan ko. At dahil doon ay hindi naman ako gaanong nasaktan.
"You okay baby?" Rinig ko tanong ni Levi na bakas ang matinding pag aalala.
"Y-yeah." Nauutal at mahinang sagot ni Fritz.
Mabilis na minulat ko ang mga mata ko nang maramdaman na tumigil ang sasakyan. Napagtanto kong yakap ako ni Chase. Nakahawak ang kamay nya sa ulo ko at nakasubsob ako sa dibdib nya. Habang ang isa pang kamay ay mahigpit na nakahawak sa likod ko. Rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso nya habang binabalot ang ilong ko sa mabangong amoy nya. Malakas rin ang buntong hininga nya.
"Kayo guys, okay lang kayo?"
Mabilis akong kumalas nang bumaling sa amin si Levi. Lumayo ako kay Chase at umayos ng upo ska tumango kay Levi. Hindi ako makatingin kay Chase. Bumaling ako sa harapan at kita parin ang shock na reaction sa mukha ni Levi habang nakahawak parin ang dalawang kamay sa manibela. Shock at tulala din si Fritz habang nakahawak ang kanang kamay sa taas na hawakan sa may taas ng bintana nya at ang kaliwa ay nakahawak sa likod ng upuan nya. Siguro ay kumapit sya doon para hindi masubsob.
Nakahinto kami sa gitna nang kalsada at nakabalandra ang sasakyam doon sa gitna.
"What happened, Levi?" Nag aalalang tanong ko.
Huminga sya ng malalim bago sumagot. "I think pumutok ang gulong." Aniya at lumabas ng sasakyan. Sumunod naman si Chase sa kanya. Nag uusap sila habang sinusuri ang mga gulong ng sasakyan.
"Okay ka lang besty?" Tanong ko kay Fritz na nasa harapan parin at tulala.
Narinig kong bumuga sya ng hangin at dinampot ang bote ng tubig ng mineral water sa harap nya at mabilis na ininom ang natitirang kalahati doon.
Huminga sya ng malalim nang matapos sya sa pag inom at ibinalik ang bote sa cup holder sa harap nya.
Nagulat ako nang bigla syang tumili. Mabilis naman na pumasok sa driver's seat si Levi na nagpapanic. Nakasilip si Chase sa bukas na pintuan ng driver's seat na pinasukan ni Levi. Gulat na nakatingin sya kay Fritz.
Hinawakan nya ang magkabilang braso Fritz at hinarap sa kanya. "Baby! Why? Tell me!" Natataratang tanong ni Levi sa kanyang girlfriend. Tumitili pa rin si Fritz. Bumaling sa akin si Levi. "Xandra, what happened?" Aniya na hindi na maitsurahan dahil sa pagpapanic.
"Hindi ko alam. Basta bigla nalang syang sumigaw." Paliwanag ko na medyo shock dahil sa pagtili ni Fritz.
Muling ibinalik nya ang tingin kay Fritz at parang hindi sya mapakali dahil may gusto syang gawin ngunit parang may pumipigil sa kanya. Mas lumakas pa ang tili ni Fritz na akala mo ay nanunuod ng horror movie o nakakita ng nakakatakot.
Nanlaki ang mga mata ko nang biglang sampalin ni Levi si Fritz dahilan para matigil ito sa pagtili at pumihit ang mukha paharap doon sa may windshield ng sasakyan. Siguro ito ang gusto nyang gawin kanina pa. Nanlaki din ang mga mata nya at lalong nagpanic nang mapagtanto ang ginawa nya sa girlfriend nya. Hindi ako makagalaw sa upuan ko dahil sobrang na-shocked din ako sa ginawa nya. Napatingin ako kay Chase na tulala at pareho ko na gulat din na nanlalaki ang mga mata na nakatingin sa dalawa na nasa harap. Dahan-dahang ibinalik ni Fritz ang ulo nya paharap kay Levi habang laglag ang panga. Pulang-pulang ang kaliwang pisngi nya at bakat doon ang kamay ni Levi. Kahit hindi ako ang sinampal ay parang dama ko ang hapdi at sakit noon.
Dahan-dahang napahawak si Fritz sa kaliwang pisngi nya habang ganoon pa rin ang reaction. Tulala din si Levi na nakatingin sa kanya.
Nang dumampi ang daliri ni Fritz sa mukha nya ay mabilis nyang inilayo ang mukha nya dito. Marahil ay nasaktan sya nang hawakan nya ito.
"B-baby, I-Im s-sorry-"
Nagulat ako nang mabilis na lumipad ang kamay ni Fritz sa ere at bumagsak ito sa kaliwang pisngi ni Levi. Dahil sa sobrang lakas ay napaharap ang mukha nya sa pwesto ko.
Saglit na napatulala at nanlalaki ang mga mata ni Levi. Napangiwi sya sa sakit at marahang hinimas ang kaliwang pisngi nya at humarap kay Fritz na hinihimas din ang kaliwang pisngi.
"Sorry talaga, by." Malungkot na Levi habang patuloy sa paghawak ng pisngi. "Sorry din. Kaw kasi sinampal mo ko." Parang batang nagmamaktol na wika naman ni Fritz habang hinihimas na din ang mukha.
"Hindi ko kasi alam kung pano ka pakakalmahin e." Nagmamakaawang paliwanag nung isa.
"Hayaan mo na, by."
"I love you." Ani Levi sa malambing na boses. Halos mapangiwi ako roon. Ugh.
"I love you too." Parang batang naglalambing din na sagot ni Fritz sabay yakap ni Levi sa kanya. And they live happily ever after. Umikot ang mata ko. Para akong nanunuod ng baduy na love story. Imbes na hintayin sila kung kelan sila matatapos sa pagyayakapan ay bumaba na rin ako para tingnan ang gulong na pumutok.
Ivan's POV
Ibinalik ko ang phone sa tenga ko at narinig ang nagpapanic pa rin na si Gee.
"Ivan! Ivan! Are you still there?!"
"Oo. Ano ba yon?" Nagtatakang tanong ko.
"XANDRA IS NOT ANSWERING MY FUCKING CALLS!" Galit na sigaw nya kaya nailayo ko ng kaunti ang cellphone sa tenga ko. Bipolar talaga to. Kanina parang nagpapanic, ngayon galit. Ano kaya? Kausapin ko pa kaya tong baliw na to? Nang mapagtanto na kakausapin ko nalang din sya ay ibinalik ko sa tenga ang cellphone ko at narinig ang malalakas na buntong hininga nya.
"Chill, bro. Baka busy lang." Sagot ko at binuksan ang takip ng ice cream at akmang mag i-scoop na nang biglang may malakas na tumapik sa kamay ko kaya nabitawan ko ang scooper at bumagsak sa ibabaw ng ice cream. Agad na nag angat ako ng tingin para tingnan kung sino iyon. Nagulat ako nang tumambad ang galit na mukha ni Gee. Nakatingin sya sa akin habang hawak parin ang cellphone na nasa kaliwang tenga.
"Who.gave.you.permission.to.eat.my.strawberry.ice.cream?" Mabagal at madiin ang pagkakasabi nya noon. Rinig ko ang boses nya sa harap ko at nag e-echo naman sa cellphone kaya masakit sa tenga. Sabay kaming nagbaba ng cellphone sabay lagay sa bulsa.
"Gee para yan lang." Reklamo ko.
"Hindi yan, yan lang. It's my favorite. It's mine. Every strawberry flavor here is mine. Go get another flavor." Aniya at pinulot ang scooper at naglagay ng ice cream sa maliit na bowl. Napasimangot ako sa kanya. As if namang may ibang flavor e puro strawberry. Patuloy lang sya sa pag i-scoop at umalis nalang ako doon nang walang imik.
"Hey. Where you going?" Rinig kong sabi nya sa likod. This time hindi na sya galit. Baliw talaga. I wonder how Xandra handle this psycho?
"Tara nalang dito." Sagot ko nang hindi lumingon at dumiretso sa living room sabay upo sa tabi ni Eason na naglalaro ng Hay Day sa iPad.
Si Aiden naman ay abala sa pag c-cellphone ngunit hindi ko alam kung anong ginagawa nya doon, ganoon din si Dylan. Ano naman kaya ang ginagawa nya ngayon? Tinitingnan pa rin kaya nya ang mga pictures ni Xandra? Is he interested on her too? No. He shouldn't be. Hindi naman sa bawal, pero bawal talaga dahil nauna si Gee, dapat isipin nya si Gee. It's our friend's girl. Walang talo-talo. Walang sulutan. Bros before hoes. Well, is Xandra exempted? Because she's not a hoe. If ever Dylan dare to cross the line, I'm not going on his side. I'm the one who will punch him first.
![](https://img.wattpad.com/cover/37225962-288-k657759.jpg)
BINABASA MO ANG
Playing Casanova (Completed)
Fiksi UmumMeet Alexandra Ysabel Ramirez Cruz, the breadwinner of the family. A girl who has nothing but her big dream. And that dream is to give her family a better life. Meet Drake, the only son and the heir of one of the most influential and powerful famili...