Chapter 36

39 1 0
                                    


"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko at kinunot ko ang noo ko para takpan ang gulat na reaction. Hindi kaya nakasunod sakin to kanina pa? Wag kang assuming Xandra, kapal mo!

Seryoso ang mga matang nakatingin sya sa akin at ska ako inirapan. Huwaaaaat? Tumingin sya sa harap, sa dagat. Bwisit!

Ibinalik ko nalang din ang tingin ko doon. Tahimik na pinagmamasadan namin ang dagat. Tanging ang lagapak ng alon at ang bahagyang malakas na ihip ng hangin lamang ang nagbibigay ingay sa paligid.

"Do you like him?" Halos bulong ang pagkakasabi nya noon. I can sense the bitterness in his tone. What must I do to prove myself to him? Na siya ang gusto ko. Siya lang!

Rinig ko ang buntong hininga nya nang hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung kelangan ko pa bang sagutin ang walang kwentang tanong na yan.

"You're not even answering my text and calls." Aniya na ikinagulat ko. Oo nga pala, hindi ko pa nahahawakan muli ang cellphone ko.

Gusto ko sanang isumbat sa kanya na sya naman ang hindi nag t-text o tawag simula pa kagabi. Damn it! Bigla ko tuloy naalala ang kabaliwang ginawa ko kagabi.

"Nasa bag lang kasi ang cellphone ko at naka-silent." Paliwanag ko. Ayoko nang manumbat dahil lalo lamang lalaki.

"I'm sorry." Mahinang wika nya. This time sincerity is evident in his voice. I don't know what's his sorry for.

"Ayoko na!" Inis na wika ko at kita ko sa gilid ng aking mata ang mabilis nyang paglingon. "Tama na!" Dugtong ko pa. Hindi ko nakikita kung ano man ang reaction nya pero ramdam ko na hindi nya inaalis ang mga mata nya sa akin.

Oo ayoko na at tama na. Ayoko nang matakot. I will take the risk for him. Alam kong sugal ang pagmamahal at hindi mo alam kung ano bang magiging resulta sa huli, maaaring talo. Pero pano mo naman malalaman ang kalalabasan kung hindi mo susubukang tumaya. Malay natin diba, baka sakaling swertehin at pag bigyan ng tadhana na namalo. Baka kung hindi mo susubukang sumugal, at pinalampas mo ang pagkakataon, pagsisihan mo din sa huli. Yung tyansa mong maging masaya, itinapon mo pa.

Tama na. Tama na ang pagiging duwag. Kung sya kaya nyang sabihin, ipakita at iparamdam ang pagmamahal nya, I will do the same. There's no reason to hold back. Kahit pa yang Tita nya, si Cess o mga taong may mga matang mapang husga, sasagasaan ko sila para sa kanya. Basta sa kanya lang, wala akong ibang makikitang hadlang kung sa kanya ko lang itutuon ang mga mata ko.

Tumayo ako at kita ko sa gilid ko na gumalaw sya na tila ba nagulat dahil sa pagtayong ginawa ko. Seryosong lumingon ako sa kanya at kita ko ang gulat na expression sa mukha nya. Bahagya pang lumalaki ang singkit nyang mga mata. Lumapit ako at pumihit paharap sa kanya. Mas lalo pa syang nagulat habang nakatingala sa akin ngayon. Lalong pang lumaki ang mata at tila naguguluhan o nagtatakha sa ginagawa ko. Nag bend ako pababa na hindi tinatanggal ang tingin sa kanyang mga mata. Ganon din sya sa akin, hindi pinuputol ang pakikipagtitigan kahit bakas parin ang pagkalito sa mga ginagawa ko. Naka-squat ako ngayon sa harap nya, bahagya na syang nakayuko dahil hanggang dibdib nya lang ang ulo ko. Ako na ngayon ang nakatingla sa kanya dahil matangkad sya at ako naman ay hindi gaanong pinagpala sa height pero sakto lang sa height ng mga babae.

Napaawang din ang bibig nya at lalo pang bumakas ang pagkagulat sa kanya nang hawakan ko ang mga kamay nyang nakapatong sa mga hita nya. Daig nya pa ang nadikitan ng apoy sa paghawak ko sa kanya na muntik nyang bawiin ang kamay nya mula sa pagkakahawak ko. Mabuti nalang ay mahigpit at mabilis kong napigilan ito. Wala nang atrasan to.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon