Chapter 13

209 7 3
                                    


Ivan's POV

Matapos umalis nila Xandra at ng mga kasama nya at pumunta kami sa loob ng bar. Kinausap lang ni Aiden ang mga tauhan nya at ska kami umalis. Lumipat kami sa isang bar na pag mamay-ari naman nila Dylan. Kadrating lang namin at nandito kami sa VIP room at umiinom.

"Gee, good luck sa bagong prospect mo." Nakangising sabi ni Aiden.

Hindi lang sya pinansin ni Gee. Nakatingin lang ito sa baso nya na may laman na alak.

"Gee, mag seryoso kana dapat this time. Nakita mo na yung kanina diba?" Sabi ni Dylan at ska sumimsim ng alak sa baso.

"Let's see." sagot naman ni Gee.

"Let's see, let's see ka jan. Gusto mo wasakin non ang mukha mo? Nakita mo naman yung ginawa nya kanina diba?"-Aiden

Nagsisimula na naman si Aiden.

"Aiden, stop it." -Eason

"Wait. Sino pala yung lalaki kanina at ska bakit ganon nalang kung magalit si Xandra?" Nagtatakang tanong ni Aiden.

"Boyfriend daw nya." Sagot ko.

Lahat sila gulat na nakatingin sakin.

"How did you know?" Nakakunot noong tanong ni Eason.

"Hindi nyo ba narinig kanina dun sa dawalang nag uusap sa tabi ko?" Tanong ko.

"Hindi naman kasi kami chismoso katulad mo." Sabi ni Aiden

"Hindi ko naman sinasadyang marinig." Naiinis kong sabi sa kanya.

"So what now? She already has a boyfriend. You must look for another prospect Gee." -Eason

"I don't care even if she has a boyfriend. She's still my prospect, no matter what." Seryosong sabi ni Gee.

"What the heck are you thinking Gee? Don't tell me susulutin mo?" Galit na tanong ni Aiden.

"None of your business Aiden, so better shut your mouth." Inis na sagot ni Gee at ska nilagok ang alak sa baso.

***Kinabukasan

Xandra's POV

Nagising ako ng may maramdaman kong may yumuyugyog sakin.

Tsk. Si Fritz kahit kelan nakakabwisit. Idagdag mo pa tong sakit ng ulo ko.

"Fritz mamaya na please, masakit ang ulo ko." Sabi ko habang nakahilata sa kama ko at ska ako tumalikod sa kanya.

"Iligo mo lang yan at matatanggal yan. Sige na bumangon kana." Sabi nya habang patuloy parin sya sa pagyugyog sakin.

Utang na loob! Ang sakit talaga ng ulo ko.

"Fritz mamaya na please. Masakit talaga ang ulo ko."

"Ligo at kape lang ang katapat nya. Hang over yan."

At dahil hindi tumigil si Fritz sa pambubwisit sakin, ayan naligo na ako at ska sumunod sa kanya sa baba sa kusina. Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko nung nailigo ko.

Naabutan kong nagluluto si Fritz ng umagahan.

Nakaupo lang ako sa dining chair. Tutulungan ko dapat sya mag prepare ng breakfast kaso sabi nya maupo nalang daw ako.

Sa tingin ko dapat sya ang kumuha samin ng HRM.

"Oh besty kape mo." Sabay abot sakin ng mug.

"Salamat besty." Sabi ko at ska humigop ako ng kape. Ang sarap.

"Besty, alam mo ba yung ginawa mo kagabi?"

Napakunot noo ako sa tanong ni Fritz.

Teka iisipin kong mabuti. After namin mag inom lumabas na kami ng bar at nakita ko ang walang hiyang si Levi na nakikipag halikan sa iba. Tapos ayun.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon