Chapter 35

42 1 0
                                    

Nasa pintuan pa lang ng resto ay naagaw na agad ang atensyon ko ng dalawang tao na nakapwesto sa table na nasa mismong gitna.

Sinalubong kami ng isang waiter at iginaya kami sa pina-reserve ni Fritz na pwesto.

Nagsisigawan sina Aiden at Ivan ngunit hindi malinaw sa akin kung ano mang walang kwentang bagay na naman ang pinagtatalunan nila. Kasama rin nila roon sila Dylan ngunit ang mukha itong walang pakielam sa eksena ng dalawa at patuloy lang sa pagkaen habang si Eason ay nakangiwi habang nakatitig sa kanila. Sinusulyapan din nya ang mga tao na nakatingin na rin kina Aiden dahil sa ingay nila sabay pabulong niya sinasaway ang dalawa. Kumirot ng puso ko nang makita na wala doon si Drake. Hindi kaya ay magkasama sila ni Cess? Ang isipin na ganoon nga ay nagpapasikip sa aking dibdib.

Nasa may bandang gitna rin ang pwesto namin kaya habang papalapit kami ay naririnig ko na kung ano mang walang kabagay-bagay ang pinagdidiskasyonan ng dalawa.

"Ivan naman kasi, exchange na tayo ng shake." Parang batang nagmamaktol na si Aiden.

"I said NO! Yan ang inorder mo tapos makikipagpalit ka. Umorder ka nalang ulit." Sagot naman nito.

"Ivan....." Maarteng sabi ni Aiden at medyo sumisipa-sipa pa.

Parang megaphone ang boses ng dalawang to. Sabagay lumalakas lang naman ang boses ni Ivan kapag nagtatalo sila ni Aiden.

"Stop it, Aiden!" Eason said in a gritted teeth. Rinig ang diin sa medyo malakas na pagkakasabi ni Eason.

Mabuti nalang at kahit papaano ay may isang table na nakaharamg saamin bago ang table nila kaya hindi kami kita. Alam kong naririnig rin ng mga kasama ko ang nangyayari sa kabilang table ngunit wala na siguro silang pakielam doon.

Matapos kunin ng waiter ang order namin ay nag nagk-kwentuhan sila tungkol sa itinerary namin para bukas. Balak kasi nilang mag island hopping dahil nakita namin ang mga tarpaulin na pinapakita ang mga nag gagandahang mga dagat at island. Pinag mamasdan ko ang malawak na resto. Mataas ang kisame at may kakaibang chandelier na nakasabit, alam mong mamahalin talaga. Katulad ng reception area at mga room and cottages ay gawa rin ito sa matibay na kahoy na may varnish. Inisa nalang nila ang disenyo ngunit kita rin ang bawat pagkakaiba dahil sa mga kagamitan. Siguro ay sinadya nila na ganito para ramdam mong nasa bakasyon ka talaga, very relaxing ng ambiance. Idagdag mo pa masarap sa tenga ng instrumental music, mga malalaking bintanang nakabukas kaya hindi na kailangan ng aircon dahil diretso pasok ng malamig na hangin na nag mumula sa dagat. Hay... Nakagagaan sa pakiramdam.

Sa mga painting ay hindi nawawala ang gumamela o di kaya'y alon. Siguro ay mahilig sa gumamela ang may ari nito at given naman na ang alon dahil beach resort naman ito.

"Gee, here." Malakas na wika ni Ivan.

Natigil ako sa pag iisip at sa ginagawa kong pagmamasid sa paligid at halos maistatwa ako dahil sa pangalan na narinig ko. Bakit kinakabahan ako? Damn it!

Biglang tumahimik din sila Fritz at nakatingin silang lahat sa may likuran ko kung saan nandoon ang pinto ng resto. Yung tingin nila ay parang hinihintay nilang makalapit dito sa pwesto namin, akala mo naman ay kasama namin. Hindi ko iyon nilingon at kinuha ang pinaiwan nilang isang menu kanina just in case raw na mabitin sila sa pagkaen. Kunwari ay abala ako sa mga pangalan ng pagkaen na nakalagay doon nang biglang may humablot ng menu sa kamay ko.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon