Chapter 11

241 8 2
                                    


Xandra's POV

Nagising ako nang biglang nag alarm ang orasan sa gilid ng kama ko.

Himala! Naunahan ng orasan si Fritz ngayon ah. Sya kasi ang alarm clock ko.

Tumayo ako sa pagkakahiga at sandaling umupo sa kama bago ako tuluyang pumasok sa bathroom at naligo

Matapos kong makapag ayos ay lumabas na akong kwarto.

Kumatok ako sa pinto ni Fritz pero walang sumasagot.

Naisipan ko nalang na pumasok sa kwarto nya at laking gulat ko ng makitang nakahiga pa sya sa kama.

Lumapit ako sa kanya at niyugyog sya.

"Besty naman. Inaantok pa ko e."

"Ano kaba! Bumangon kana baka malaye tayo."

"Besty, sabado ngayon." Sabi nya na nakapikit pa.

Ha? Sabado ngayon? Dinukot ko ang phone sa bag ko at at laking gulat ko ng makita ngang sabado ngayon. -_-

Minulat nya ang mga mata nya at laking gulat ng makita ang ayos ko.

"HAHAHAHAHAHA!" Halos mamatay matay sya sa kakatawa dahil nakauniform ako.

-_____-

"HAHAHAHA! Alam ko masipag ka mag-aral pero besty naman pati ba sabado papatusin mo?" At ska sya bumangon na sa kama at hindi parin sya tumigil sa kakatawa.

Ang sarap hambalusin nitong si Fritzel.

Kakaiba ang university namin. Para kaming mga elementary na tuwing sabado at linggo walang pasok. -__-

Tumalikod na ko sa kanya at akmang lalabas na ng kwarto nya ng bigla nya kong tawagin.

"Besty! Hahahahaha!"

Lumingon ako sa kanya na nakataas ang isang kilay.

"Nga pala. Hahaha! Sa labas na tayo mag breakfast. Hahahaha! Tinatamad hahahaha ako mag luto e. Hahaha. Maliligo na ko. Hahaha!"

Tinalikuran ko na sya bago ko pa hubarin tong doll shoes ko at ibato sa kanya.

Pumasok ako sa kwarto at nagpalit ng damit na pang lakad.

Nagsuot ako ng skinny jeans, polo shirt na kulay blue at sneakers.

Kinuha ko ang body bag ko at ska bumaba na ng hagdan. Hihintayin ko nalang si Fritz sa sala.

***After 30 mins.

"Besty, nainip kaba?" Tanong ni Fritz habang pababa ng hagdan. She's wearing a sleeveless floral dress na above the knee. Naka-doll shoes sya ng pink at may dala ding body bag na kulay pink. Parang tinerno lang sa sapatos nya.

"Alam mo Fritz, wag kang nagtatanong kung obvious naman ang sagot."

"Sungit mo na naman. Dapat magkaboyfriend kana." Sabi nya ng makababa sya ng hagdan at lumakad papalapit sakin.

"Anong konek nun?" Sabi ko at ska tumayo na sa sofa.

"Para hindi kana ganyan na laging masungit at mainitin ang ulo. Kulang ka lang sa lambing e." Sabi nya at nilagpasan ako. Dire-diretso syang naglakad papunta sa pinto.

Hindi na ko nakapagsalita sa sinabi nya. Ayoko na syang patulan. Bigla ko na naman kasi naisip yung nakita ko kagabi sa restaurant e.

Sumunod na ko sa kanya sa labas.

Habang nagdadrive si Fritz ay hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya dahil parang gusto ko nang sabihin ang nakita ko tungkol kay Levi.

Pero ayoko. Masasaktan sya. Ibinalik ko nakang ang tingin ko sa harap.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon