Fritzel's POV
Nakaupo ako sa sofa habang nakatutok sa laptop na nakapatong sa center table dito sa sala dahil nagreresearch ako ng assignment.
"Fritz, pasok na ko." Napatingin ako kay Xandra na pababa ng hagdan.
"Xandra, wala ba talaga?" Nakangiting tanong ko. Sumimangot sya bigla.
"Ano ba Fritz? Hindi ka ba titigil?" asar nyang sabi at ska dirediretsong lumabas ng pinto.
"Sige ingat ka." Pahabol ko bago nya pa nya maisara ang pintuan.
Napailing nalang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Kita mo tong si Xandra napaka-in denial talaga. Kahit hindi naman nya talaga sabihin e halata na may gusto narin sya kay Drake. Kanina feeling ko aamin na sya kung hindi lang may bwisit na classmate ko na tumawag para i-remind ako about sa research e. Hindi ko naman nakakalimutan. Kaya ayan tuloy, bigla nalang akong tinakasan ni Xandra at umakyat ng kwarto nya para magbihis dahil may trabaho sya. Hindi kaya nahihirapan si Xandra? Aral sa umaga, trabaho sa gabi? Sabi ko naman kasi sa kanya na ako nang bahala sa allowance ng family nya e. Tigas ng ulo, sya pa tong galit.
Biglang tumunog ang cellphone ko na nakapatong center table sa tabi ng laptop ko. Dinampot ko ito at ska tiningnan ko muna kung sino ang caller bago ko sagutin. Baka mamaya kasi yung bwisit na classmate ko na naman e.
"Oh by? Napatawag ka."
(Ano na? Umamin na ba sya?)
"Hayy by, in denial parin." Sagot ko kay Levi. Napachismoso talaga ng boyfriend ko.
(Pero may gusto naman sa kanya si Drake diba? Hindi kana ba tututol?)
"By, kung talagang mahal nya si Xandra at kung mahal na din sya ni Xandra ayoko naman maging kontrabida sa kanilang dalawa noh?"
(Good. At ska time na rin siguro para magka-lovelife si Xandra.)
"Ay true yan by. Kelangan lang talaga mapaamin ko muna si Xandra at ska kakausapin ko yang si Drake."
(Sama ko by pagkakausapin mo si Drake para naman updated ako ha.) natawa ako dahil sa sinabi nya.
(Bakit bigla-bigla kang tumatawa jan by?)
"Wala napakachismoso mo kasi." Sagot ko habang tumatawa parin.
(Pareho lang tayo by. Ano nga palang ginagawa mo?)
"Nagreresearch ako ng assignment by."
(Sige na at baka maistorbo na kita. I love you, by.)
"I love you too." Sagot ko at ska inend na ang call.
Xandra's POV
"Oh nakasimangot ka dyan?" Tanong ni Marco habang pinupunasan ang piano.
"Wala. Nasan na ba si Mark at Zen?" Tanong ko naman sa kanya.
"Ewan ko nga ba. Sabi nila malapit na daw sila e. Nagtext sakin kani-kanina lang. Ska may 30 mins. pa naman tayo bago pumunta sa stage e." Nandito kasi kami sa dressing room. Nakaupo ako sa sofa habang sya ay nandoon sa mga music instruments.
BINABASA MO ANG
Playing Casanova (Completed)
Ficción GeneralMeet Alexandra Ysabel Ramirez Cruz, the breadwinner of the family. A girl who has nothing but her big dream. And that dream is to give her family a better life. Meet Drake, the only son and the heir of one of the most influential and powerful famili...