Chapter 16

253 8 4
                                    

Xandra's POV

"Xandra, sabi mo ngayon mo sasabihin. Dali na kasi." Pamimilit ni Fritz.

"Oo nga Xandra. Ikuwento mo naman samin." Segunda naman nitong si Levi.

"Sa bahay ko ikukwento. Wag dito baka may makarinig." Bulong ko. Nandito kasi kami ngayon sa canteen dahil lunch break.

Etong si Fritz kasi gising pa pala nung umuwi ako kaninang madaling araw. Hindi daw kasi sya makatulog hanggang hindi ko inaamin na gusto ko din si Drake. At pagkapasok ko sa bahay ay agad syang sumalubong sakin at tinanong-tanong ako ng kung anu-ano dahil nakasilip lang pala sya sa bintana at nakita nyang may kasama daw akong lalaki. Kung si Drake daw ba yun o baka may iba akong dinedate. Akalain mo yun, sa dilim ng labas nakita pa nya kami. Pilit nyang tinatanong kung sino yung lalaki. Hindi nya daw ako titigilan kapag hindi ko sinabi sa kanya. At dahil antok na antok ako ay sinabi kong patulugin nya muna ako at sasabihin ko nalang sa kanya. Nakalimutan naman nyang tanungin kanina dahil halos late na kaming gumising at wala nang time para sa chismisan kaya ngayon nya ko kinukulit. Idagdag mo pa tong isang chismoso ding boyfriend nya.

"Besty naman, sabi mo sasabihin mo." Ang kulit talaga ni Fritz.

"Oo nga Xandra, ngayon na kasi." Isa pa tong si Levi sa halip na sawayin si Fritz e ginagatungan pa.

"Sige na bes----." Natigilan si Fritz at parang nakakita ng multo sa pagkakatulala. Biglang ganon din ang itsura ni Levi.

Anong problema ng dalawang to?

Namaligno?

"Aaaahhhhh"

"Oh my gosh!"

"Kyaaaaa!"

"What are they doing here?"

Anong problema ng mga tao ngayon sa cafeteria at umingay?

Sila Fritz at Levi ganon parin ang mga itsura. Tumingin ako sa likod ko para makita ang tinitingnan nila at halos malaglag ang panga ko nang makita ang limang tao na hindi ko ineexpect na makita dito. Oo alam ko mga estudyante din sila dito pero first time ko silang makita dito sa loob ng cafeteria at naglalakad papunta sa... table namin? Nauunang maglakad si Drake sa kanila.

"Close your mouth, you look stupid." Sabi nya nang makalapit sya.

Aba! Bwisit na to. Magsasalita sana akong nang biglang magsalita yung kasama nila.

"That's not how to talk to a girl, Gee." Teka eto yung nakilala ko sa party. Kung hindi ako nagkakamali sya si Aiden.

"Sorry about that Xandra, he's absent when our teacher taught us GMRC. Walang manners yan." Dugtong pa nya. Alam din pala nya.

"Will---" magsasalita sana si Drake nang sumingit yung isa pa nilang kasama.

"Hi Xandra. Long time no see." Eto yung Ivan na nakilala ko din sa party.

Ngumiti nalang ako sa kanya dahil ano naman ang sasabihin ko?

"Xandra, would you mind if we share with your table?" Si Eason to kung hindi ako nagkakamali. Nakilala ko sa private garden.

"No. Not at all." Sagot ko. Malawak naman kasi itong mesa pang walong tao.

"Thanks." Biglang singit ni Dylan at ska umupo sa left side ko.

Si Aiden naman ay naupo sa right side ko. Habang si Ivan ay pumunta sa left side na bakanteng upuan sa tabi ni Fritz.

"Okay lang ba na dito ako maupo?" Tanong ni Ivan kay Fritz.

Tumango lang si Fritz bilang sagot.

"Okay lang ba?" Tanong naman nya kay Levi bilang paghingi ng permiso kung pwede sya maupo sa tabi ni Fritz.

Playing Casanova (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon