CHAPTER 1

2.1K 22 0
                                    

JHOANNA'S POV:

Pinagmamasdan ni Jhoanna ang mga nagkakagulo nyang miyembro sa may gitna ng Dance Studio habang siya ay nagmumukmok at nakatulala sa isang tabi. Madami syang iniisip na mga bagay na nakakaapekto sa kanya bilang isang leader sa grupo at estudyante sa Unibersidad na pinapasukan nila.

Siya ay isang Business Administration Student at kaklase niya sina Mikha at Sheena. Silang tatlo ang pinakabata sa grupo at kahit ganoon hindi sila naiilang sa mga kasamahan dahil sa samahan na meron na sila.

Nag-iisip siya ng mga bagay na maaari nilang idagdag sa binubuo nilang sayaw dahil, kasama sila sa mag rerepresent ng kanilang University sa darating na malakihang kompitisyon laban sa iba't ibang unibersidad. Hindi sa pagmamayabang ngunit sa ilang taon na nyang nasa grupo, ay nasa kanila parin ang titulo ng kampiyon sa naturang larangan.

"anong iniisip mo beh?" tanong ni ate Colet na nagputol ng kanyang iniisip.

Si Ate Colet ang itinuturing nyang pinakaclose nya sa lahat, malapit ang loob nya dito sa hindi nya mawaring kadahilanan. Maybe because marunong makisama si Ate Colet dahil ito ang President ng Student Council. Ito nga ang itinuturing na Ace o Alas ng grupo dahil sa dami nitong kayang gawin. Sya nga din dapat ang leader ng grupo nila ngunit tumanggi lang ito dahil sa dami na nitong ginagawa.

"wala naman ate, nag-iisip lang nang pwede pang idagdag na steps sa binubuo nating sayaw" sagot niya.

"Wag mo muna masyadong paka-isipin yan, matagal- tagal pa naman yan. Ang kailangan mo ngayon ay maki saya sa samin doon oh, look ang saya saya nila tapos ikaw dyan nagmumukmok? tatanda ka agad nyan ehh hindi ka pa magkakajowa" pabirong sabi nito

Natawa sya sa huling sinabi nito, may pagka makulet din kase ito gaya ng pangalan nya kaya lalong sumisigla ang grupo kapag sya na ang bumanat.

"haha, ikaw talaga ate Colet alam mo namang wala pa sa isip ko ang magka jowa ehh" ang sabi nalang nya

"asussss!! Kahit crush?? Hindi ako naniniwalang wala kang nagiging inspirasyon" pangungulit pa nito

Yung kambal mo sagot nya sa isip. Hindi kase nila alam na matagal na syang may paghanga sa kambal nito na si kuya Cole. Since 1st year College na nakita nya ito sa may Canteen humanga na sya sa binata. Tapos nalaman pa nya na kambal pala ito ni ate Colet kaya hindi nya binabanggit na may hinahangaan syang tao dahil mangungulit at mangungulit ang mga ito, lalo na si Stacey na ubod ng daldal.

"wala nga ate, si God at Family ko ang itinuturing kong inspirasyon. And also kayo na mga kagrupo ko, kahit na ako ang pinili nyong maging leader, sa inyo parin po ako kumukuha ng lakas para lumaban, walo hanggang dulo tayo ate kahit na mag- gagraduate na kayo soon" sagot nalang nya.

"syempre naman kahit wala na kami dito, kasama nyo parin kameng mag rerepresent ng school. Kaya tara na libre mo na ko"

Napatitig sya dito at nang Makita nyang tumataas baba pa ang kilay nito, alam na nya ang ibig sabihin nito. dahil kabaligtaran ang gagawin nito para tulungan nya sa mga gagawin nito sa office nila. Nangingiting umiiling iling na lamang sya dahil sa pambobogus na ginagawa nito sa kanya.

"Alam ko na yang ganyang galawan mo ate Colet, oo na tara na magliligpit na po ako ng gamit ko hahaha alam ko namang ayaw mo lang makasama si Kuya Marcus ng kayong dalawa lang sa Office ehh" panunukso nya dito

"Ang ingay ingay kase ng gagi, hindi ko matapos tapos yung mga ginagawa ko sa kanya sa sobrang daldal nya" sagot naman nito

Nagpaalamna muna sila sa mga kasama at nagpunta sa opisina ng Student Council.

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon