CHAPTER 39

196 4 0
                                    

After mikha's friendly competition they decided to walk around the Village just to buy some snacks for their overnight.

Mabilis lang nang naganap na laro dahil for fun lang din naman. Panalo rin ang grupo nila Mikhs, dapat lang dahil halos pausin silang pito kaka cheer sa kaibigan. Kailangan nya lang talagang malibang kahit papaano para makalimutan kahit sandali ang pagngungulila sa taong kanyang minamahal.

But while walking nakakita sya ng nagtitinda ng streetfood specially kwek kwek. Muli ay naalala nya ang mga panahong magkasama sila ng binata habang kumakain nito at ang dahilan kung bakit sila napunta doon.

"Can we buy kwek kwek?" Tanong nya sa mga nagtatwanan nyang kaibigan.

"Bibili lang nang kwek kwek nakasimangot? Diba dapat happy ka kase gusto mo kumain ng kwek kwek?" Sita ni Stacku sa kanya

"Hayaan mo na yan.. feeling broken hearted kahit hindi naman" pang aasar pa ni Sheena

"Huy no ba kayo hahaha, malungkot na nga yung tao inaasar nyo pa" hindi nya alam kung inaasar din ba sya ni ate Colet or pinagtatanggol sya nito sa mga kaibigan

"Okay Jho, we buy that  but please be with us naman. Dont let your sadness win" tumango naman sya kay ate Aya "promise? Miss na kase nmin yung Jhoanna na makulit din ehh pangalawa ka sa pinakabata saten kaya nag aalala kami sayo"

"Oo nga ate Jho, pinapagaan na nga namin minsan ang nangyayari kaso wala epek sayo isang linggo ka nang ganyan" -Sheena

"Sorry if you guys felt that. I didn't meant to do that but I also don't know what happen to myself. Maybe because I love him?"

Kita naman ang pagkagulat sa mukha ng mga ito pwera kina ate Aya at Shee na nauna nyang napagsabihan ng kanyang nararamdaman

"Ngayon mo lang inamin yan samen, though you both close to each other at nakikita namin yung pagiging clingy nyo sa isa't isa pero ngayon lang lumabas sa bibig mo ang salitang mahal mo sya" hindi makapaniwalang turan ni Ate Gwenny

Napayuko nalang sya dahil tama naman ito. Hindi nya ma express yung nararamdaman nya noon. Oo since then may gusto sya sa binata pero hindi nya inaasahan na lalalim pala ang simpleng pag hangang iyon lalo pa't umamin din naman ito sa kanya pero walang aksyon na nagaganap?

What if isang simpleng paghanga lang pala ang meron ito para sa kanya? What if isang nakababatang kapatid lang talaga ang kaya nitong ibigay para sa kanya at ngayon ay iniiwasan na sya? Ang daming what if na gumugulo sa isipan nya.

Kaya noong una palang nagdadalawang isip na sya kung balak nya pa bang ituloy ang kung ano ang nararamdaman nya. Pero heto na ehh nangyari na at hindi nya inaasahan ang mga ito. Tama si Sheena para syang na heart broken pero walang label.

"Tulala ka nanaman tara na nga sa bahay para makapagpahinga ka na sabog ka nanaman" sabi ni Mikhs sabay angkla sa braso nya

"Wait paano yung kwek kwek?"

"Si kuya nalang pabibilhin ko. Ikaw magpahinga ka muna sa bahay then after mo magpahinga doon tayo mag uusap na walo. Marami ka pang hindi nasasabi samen"

"Agree, I only know kuya's side pero pagdating sayo wala pa halos magkasama na tayo maghapon. At mas marami pa ngang time na magkasama tayo kaysa kay kambal pero wala kang nababanggit saken" himig pagtatampo naman ni ate Colet

Tuluyan nalang syang nagpahila sa dalawa pabalik ng bahay nina Mikhs. Pagod na rin sya. Physically and mentally.

NAGISING  si Jhoanna dahil sa katok ng pinto. Pagdating kase sa bahay nina Mikha ay agad syang pinagpahinga nito sa Kwarto. At dahil nga pagod ang katawan at ang utak nya ay mabilis syang agawin ng antok.

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon