JHOANNA'S POV
"Arcade next?"
Napatingin sya sa gawi ni kuya Cole. Katatapos lang nila mamili sa National Book Store ng mga books at kung anong mga anek anek.
"Paano yang mga yan?" Turo nya sa mga paper bags na pinaglagyan ng mga books na pinamili nila.
Sa dami ng books na binili nila, ni hindi man lang ito nagpatulong na buhatin lahat ng iyon. Nagpumilit pa sya nung una pero wa epek ang kakulitan nya dito.
"Dadalhin naten, ay no mali, dadalhin ko pala"
"Dapat pala nauna na tayo sa Arcade bago po tayo dumaan sa book store. Mabigat yang mga yan ehh tapos ayaw mo pa magpatulong" nakalabing sabi nya
"Okay sige dalhin ko muna tong mga to sa car then balikan kita. Mauna ka na sa Arcade center no hatid muna kita don bago ko dalhin to sa labas"
"No need kaya ko na po sarili ko"
"No, I insist "
"Talaga kayong dalawa ni ate Colet napaka kukulit nyo. "
"Uyy, sya lang hindi ako"
"Anong sya lang, pati po kaya ikaw. Wag ka na po kumontra kase totoo naman so syatap ka na"
Napa iling iling nalang ito habang nakangiti.
Pagbalik nito sa Arcade Center ay agad na itong nagpapalit ng token coins na gagamitin nila sa pagiikot sa loob ng Arcade.
"Saan mo gustong mauna?" Tanong nito
Pumorma sya na tila ba nagiisip kung saan mas magandang unahin na laruin.
"Hmmm? Ha sa basketball" masayang sabi nya sabay hila sa kamay nito papuntang basketball game.
Tila ba bigla syang natauhan sa ikinilos nya kaya dali dali nya itong binitawan at humarap dito.
Ramdam nya na namumula na sya dahil nag-iinit ang buong sistema nya.
Malamig naman sa Arcade pero para syang pinagpapawisan ng sobra sobra.
Pilit nyang pinakalma ang sistema nya bago nya ito kinausap.
"Dito mo talaga gustong mauna?"
"Why not diba para ganahan pa lalo sa ibang games"
"Sabi mo ehh"
Nagsimula na sila sa paglalaro at hindi nya maitatanggi na nag enjoy sya sa company ng binata. Kahit pagod sila buong linggo gawa ng training ay hindi nya ininda ang sakit ng katawan.
Ganito siguro talaga kapag kasama mo yung taong nagiging inspirasyon mo sa araw araw. Napapawi lahat ng pagod makita mo lang sya bonus na yung makasama mo sya sa mga ganitong bagay.
Nagpatuloy sila sa paglalaro hanggang sa mapdpad sila sa claw machine. Muli syang humarap dito para hamunin ito ng isang laro.
"Paramihan po tayo ng makukuhang toys"
"Marunong ka ba dyan?" Tanong nito
"Huh? Ako po talaga tinanong mo nyan kuya ah. D po ba nasabi ni ate Colet sayo na expert ako sa ganito? Bata palang ako hilig ko na maglaro sa mga claw machines tulad nito." Paliwanag nya
"So what's the deal?"
"Kung sino po makarami within five minutes manlilibre ng kwek kwek"
"Kwek kwek? Yun lang ba?? Kahit pala matalo ako okay lang ehhh kung kwek kwek lang pala ang deal"
"But in a whole month"
Natawa ito sa sinabi nya
"Hindi kaya lalo kang ma high blood nyan kung araw araw ka puro itlog"
BINABASA MO ANG
Nation's Girls Group Series #1 WE AND US
Teen FictionBilang isang leader walang ibang nasa isip ni jhoanna kung paano pa sila mag-iimproove as a group and also in academic. Wala sa isip nya ang pagkakaroon or pakikipag relasyon ngunit hindi alam ng mga ka grupo nya na sya ay may lihim na pag tingin sa...