CHAPTER 2

1K 16 5
                                    

"Sa bahay na daw kayo kumain sabi ni mommy" yaya nya sa mga girls, Friday na ng hapon kaya late na sila umuwi dahil wala namang pasok kinabukasan. Gawi na namin yun minsan dahil sa kanila ang may pinaka malapit na bahay at kapag ginagabi sila sa school wala na silang masakyan kaya ang iba ay sa bahay na din natutulog.

Okay lang naman kina mommy lalo na wala namang gumagamit nung isang kwarto sa bahay dahil wala si ate Jona at palagay na ang girls sa bahay.

"sure" sagot ni ate Maloi

"hindi ka ata sinabay ni Cole ngayon Colet?" narinig nyang tanong ni Ate Aya kay ate Colet

Kasalukuyan silang nasa open court ng mga oras na yon dahil maagang sinara ni manong guard ang entrance ng bawat club

"hindi daw muna, may gagawin ata sila nina kuya Jhoseph. Pero iniwan nya sakin yung susi ng van kaya hindi na tayo mag aabang ng matagal sa daan" sagot naman ni ate Colet

Yun pa ang mas lalong hinangaan nya kay kuya Cole, napaka protective nito kay ate Colet. Kapag hindi ito makakasabay umuwi sa kanila iniiwanan nya ito ng pamasahe or pagkain bago ito aalis ng University, okaya naman iiwan nito ang sasakyan kay ate Colet kapag may dalang sasakyan si Kuya Sheean.

"So ano game? Sa bahay na kayo matutulog? Ikaw ba mikhs hindi ka sinundo ni kuya Mikhael?" tanong nya

"nag-ext sya kanina sabi may tinatapos daw syang plates nya, mag papaalam na din ako kina daddy para hindi na nila ako sunduin pa dito" sagot ni mikhs sa tanong nya

Tumangu tango na lamang sya at nagpatuloy sa pagliligpit ng gamit. Sila lang kase ang may kasabay na umuuwi sa amin bukod kay ate Gwenny na laging nakabuntot si kuya Jaycey. Pero hinahatid lang naman kami ni kuya Jaycey kung saan kame pupunta, masecure lang daw na safe ang girl bestfriend nya. sana all may boybestfriend na caring .

"ate Gwenny si Kuya Jaycey andyan na" dinig nyang sabi ni Sheena na agad namang dinaluhan ni Ate Gwenny. She love the friendship that they have. Alam nya since Elementary magbestfriend na sila, minsan nga tinatanong namin sila kung hindi pa sila nagsasawa sa isa't isa ehh. kung minsan naman inaasar na namin sila na mag jowa silang dalawa, dahil hindi mapaghiwalay

"tara na girls" yaya ni ate Colet

"sa bahay ka na din kumain kuya Jaycey" yaya nya rin sa binata

"oo nga" sang ayon ni ate Gwenny "bago ka umuwi tapos pakisabi na rin kina mama na kina Jho na kami matutulog ngayong gabe though na chat ko naman na si mama pero pakisabi na rin, malakas ka sa mga yun ehh" dugtong pa nito

Nakita nyang napakamot ng ulo si kuya Jaycey na ikinatawa nya, dahil alam na nya kung anong iniisip nito. sya nanamang mag-isang lalaki at minsan napaghihinalaan na sya nina mommy na baka daw beki ito.

"Alam ko nasa isip mo kuya" sabat nya "wag mo na masyadong isipin sina mommy nagbibiro lang yung mga yon, pero alam naman nila na good bestfriend ka ni ate gwenny" sabi nya nang kahit papaano ay lumubag ang loob nito.


Pagkatapos maghapunan nag bihis na ang lahat. Gaya nang nakasanayan naming gawin sa iisang kwarto lang kami lahat natutulog though walang gamit ang isang kwarto doon kami lahat natutulog. Nag request kase ako kay mommy na bumili kahit dalawang sofabed para kahit papaano doon kami natutulog kapag nandito ang girls.

Alam din kase ni mommy na kapag nandito kame dumarami ang kwentuhan. Ewan ko ba, maghapon naman kameng magkakasama sa University pero iba parin kapag wala na sa school ehh. ibang topic naman ang pinag uusapan, hindi puro practice at school works.

"Ano gaya ng dating gawe??" tanong ko sa kanila

"Sige game" sabay na hiyaw nina Sheena at Mikha

"Go para katapos tulungan mo ko dito sa ginagawa ko Jho" dinig nyang sabi ni Ate Colet

"Para saan ba yan ate Colet?" tanong naman ni Stacey

"Tinatapos ko kase yung line up ng Activities na gaganapin sa foundation week" sagot nito

"Eh diba matagal tagal pa yun? Next two months pa ahh" singit nya sa usapan habang hinahanap nya ang Uno cards na lalaruin nila

"Hay naku! Kung next month ko pa ito aasikasuhin ma bblangko nanaman utak ko sa dami ng ginagawa sa Office, tapos wala pang naitutulong yung nakakabwisit kong vise President" sagot naman nito na ikinatawa nya

Ewan ba nya, kapag lagi nyang naririnig na nabbwisit si Ate Colet kay Kuya Marcus ay natatawa na lamang siya. May pagka hyper kase si Kuya Marcus ehh, para sa kanya matino naman ito, dahil nakaka-usap naman nya ito ng maayos.

"Ayus naman si Kuya Marcus Ahh" pang-aasar pa nya

"Anong ayus don?!" gulat na sabi nito "Sayo ayos, nakaka-usap mo ng matino. Pagdating sakin jusko kulang nalang dumugo tenga ko sa lakas ng trip nya?" dagdag pa nito

"baka may crush sya sayo at nagpapapansin lang" sabat ni Ate Aya

"Oo nga naman Colet, malay mo naman kaya sya ganytan sayo kase trip ka nya, trip ka nyang mahalin." Sang ayon naman ni Ate Maloi

"tigil tigilan nyo nga ko, wala akong panahon sa unggoy na yon no! At kung sya nalang ang magkakagusto sakin 'wag nalang" sabi pa nito na lalong ikinatawa pa naming pito.

Nakita niyang nilapitan ni Stacey si ate Colet at inakbayan ito sabay sabing "alam mo kase ate Colet, sabi nga ng marami the more you hate, the more you love. Malay mo, kayo pala talaga sa isa't isa and look, kapag si kuya Marcus nagsawa kakapapansin sayo? At hindi na yun nangungulit? Baka hanapin mo."

Alam na nya kung saan hahantong ang usapan na ito. Hindi naman pikon ang bawat isa sa kanila at iyon din ang dahilan nang pagiging solid nila. Kapag asaran game ang lahat. May mga times na ang kukulit nilang lahat at wala silang natatapos, pero kapag nag set na sya ng time para mag practice, hayup sa galing nilang lahat.

Kayakahit hirap sa pagbabalanse ng lahat, hindi sya napapagod, dahil alam nyangnandito lagi ang girls para tulungan sya.

nagpatuloy sila sa asaran habang naglalaro ng Uno Cards. Napuno ng halakhak ang buong magdamag nila kaya anong oras nalang din sila nakatulog.

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon