Nagkakagulo sa buong Studio gawa ng nandito sina kuya Cole at ang mga kaibigan nito.
As usual nag aasaran nanaman sina Stacku at si Kuya Jhoseph. Trip talaga ni kuya Jhos si Stacey na asarin. Ito namang isa pikon na pikon.
Ganito sila lagi kapag magkakasama ang buong grupo. Itinurung narin naming Kaibigan sina kuya Jhos dahil kay kuya Cole at kay ate Colet.
Para kaming naging ultimate assistant ni ate Colet dahil sa President sya which is gusto naman din namin lalo na kapag mag ssleep over kame sa kanila para matapos lahat ng gawain sa School.
"Mogu mogu?" Gulat na napatingin sya sa pinagmulan ng boses ni kuya Cole. Hindi nya napansin na nakalapit na ito sa kanya.
Agad nyang kinuha ang bote at ininom ito pagkatapos magpasalamat. Naninibago sya sa ikinikilos nito ngayon, dahil noon hindi naman ito masyadong lumalapit sa kanya. Babati lang ito then makikigulo na kina kuya Jhos.
Pasimple pa syang napatalon nung tumabi ito sa kanya. Nakasalampak kase sya sa sahig at nag iisipng mga bagay bagay
"Are you okay?" Muling tanong nito.
"Yes kuya, why?" Balik tanong ko
"Wala naman, nag iisa ka kase dito ehh. Though gawain mo naman talaga yan minsan pero matanong ko nga kung bakit?" Sabi nito na nakapag bagabag sa isip nya
Dahil paanong alam nito, eh sa daming taong nakapaligid dito na mga kagrupo nya.
'd kaya iniisip ka din nya?' natanong nya sa isip nya
'assuming ka naman masyado girl, bakit naman nya yun gagawin?' kontra naman ng kabila
Ipiniling nya ang kanyang ulo para mawala ang mga bumabagabag sa isip nya.
"Medyo busy lang kuya lalo na malapit na Foundation Week, kailangan matapos na yung cover namen bago kame lumaban sa ibang School, that's why kapag ganitong free time hinahayaan ko muna ang girls magsaya at magpahinga at the same time habang nag-iisip ako ng mga pwede pa naming gawin" mahabang paliwanag nya
"Hindi ka ba tinutulungan ni kambal? Aba magulang yun ahhh. Kapag sya nagpapatulong ang galing galing"
Napangiti sya sa sinabi ng binata. Dahil kahit itong kambal na ito ay nagbabardagulan din kapag nagkasama. But in sa good way naman.
"Actually tumutulong naman silang lahat, even Sheena 'cause she's the main dancer ng grupo. Pagdating sa vocal si ate Colet at si Ate Maloi naman ang katulong ko, sadyang minsan pinagpapahinga ko din naman sila lalo na busy din sa Acads. And also ate Colet is a Campus President kaya mas busy sya"
Hindi nya alam kung bakit ba sya nagkkwento kay kuya Cole. Pero grabi ang kaba nya sa tuwing titingin sya sa binata at magtatama ang mga mata nila.
Makikita mo kase sa mga mata nya yung willingness nito sa pakikinig sa mga sinasabi nya.
"Colet is lucky to have you all in her life, napunan nyong pito yung gusto nya noon pa" sabi nito
Tinignan nya ito nang may pagtatanong sa mukha
"Paanong napunan kuya?"
Uminom muna ito ng tubig mula sa hawak nitong bote bago sumagot
"Hmm alam nyo naman na kaming dalawa lang ni Colet, noon pa gusto na nyang magkaroon ng kapatid na babae, kaso hindi na nakayanan ni Mommy lalo na may edad na din sila nung ipinanganak nila kami. So gustuhin man namin d na talaga pwede. Then lalaki pa ko kapag naka trip din ako binabarda ko din sya kaya naghahanap ng kakampi" sabi nito nang may ngiti sa mga labi.
Kitang kita nya ang pagmamahal nito kay ate Colet bilang bunsong kapatid. Hindi nya maiwasang mainggit dahil kabaliktaran naman sa sitwasyon nya, dahil sya naman ay walang nakakatandang kapatid na lalaki.
BINABASA MO ANG
Nation's Girls Group Series #1 WE AND US
Teen FictionBilang isang leader walang ibang nasa isip ni jhoanna kung paano pa sila mag-iimproove as a group and also in academic. Wala sa isip nya ang pagkakaroon or pakikipag relasyon ngunit hindi alam ng mga ka grupo nya na sya ay may lihim na pag tingin sa...