CHAPTER 12

208 5 0
                                    

Matapos ang training sya naman nga ang nagpatulong kay ate Colet na linisin ang buong dance studio.

Halos kumpleto silang lahat dito maski sina kuya Cole ay nakikigulo at nakikilinis sa kanila.

Nandito din si kuya Jaycey at kuya Mikhael na kuya ni Mikhs kaya naman mas lalong napabilis ang trabaho nila dahil may mga boys na taga buhat ng mga mabibigat na bagay sa loob ng studio.

Ganon din sa mga matataas na bagay na hindi nila maabot.

Kumuha sya ng spray at basahan upang asikasuhin ang salamin na nakapalibot sa studio.

Sa sobrang lawak niyon ay hindi nya yon matatapos nang sya lang mag isa kaya naman kinausap nya si Staku at Sheena na punasan na din ang salamin.

Wala naman din masyadong ginagawa ang dalawa kaya dito na sya nagpatulong

"Stacks? Shee? Can you guys help me clean this mirrors??"

"Sure" agad na sagot ng dalawa

"Thanks, tig iisang side na kayo medyo maliit lang yan, ako na dito sa front"

"Okee okee" sagot ni stacey tyaka na ito kumuha ng basahan.

Ngunit masyadong mataas ang buong salamin at hindi nya iyon maaabot kung hindi sya tutuntong sa upuan.

Nagmasid sya sa buong paligid. Wala sa studio sina kuya Jhoseph at kuya Sheean dahil inutusan ito ni ate Colet na bumili ng mimirtendagin nila katapos.

Si kuya Khael naman ay katulong na si Stacey at ganoon din si kuya Jaycey at Sheena. Ayaw naman nya na ang girls ang magbuhat ng monoblocks para sa kanya

Kaya kahit nahihiya sya ay lakas loob na  tinawag nya si kuya Cole.

"Kuya Cole may ginagawa ka po?" Kakapasok lang nito sa studio ng tanungin nya

"W-wala naman, nagtapon lang naman ako ng basura. Why? Do you need help ba?" Tanong nito habang nakangiti

Naku naman kuya huwag mo kong nginingitian mahina ako jusko, matutunaw ako nyan ehh

Pilit na kinukubli nya ang kilig sa bawat ngiti ng binata.

"Pwede po ako pakuha ng tatlong monoblocks sa labas? Masyadong po kaseng mataas ehh" sagot nya sabay turo sa mataas na salamin sa likod nya.

Tumango naman ito at lumabas. Pag balik nito ay may dala na itong tatling pinagpatong patong na upuan.

Buhat buhat nito ang mga iyon at kitang kita sa braso nito na batak na batak ito sa pag g-gym. Parang ang sarap sumandig nga matitipunong braso nito. Parang ang sarap pisil pisilin ang mga muscles nito sa braso.

Nag-iwas nalang sya ng tingin para hindi nito mapansin na nakatingin sya dito dahil nakakahiya putek harap harapan nyang pinag-nanasaan ng kambal ni ate Colet.

"Ako nalang kaya magpunas sa bandang taas, baka mahulog ka pa ehh" bungad nito pagkababa ng mga upuan

At dahil may pagkamakulit sya hindi nya hinayaang si Kuya Cole ang gagawa niyon

"Nope, ako na po pahawak nalang po ng upuan and ako po ang magpupunas at ikaw nalang po magsspray deal?" Huwestiyon nya

"Haysst, ang kulit mo din no?" Sabi nalang nito

"Medyo?" Pang aasar nya pa dito "pero kasi ako na nga po nagpapatulong tapos ikaw pa gagawa, that's not giving" panggagaya pa nya kay Sheena tuwing nang-aasar din ito.

Inabot na nya dito ang sprayer na agad naman nitong kinuha at hinawakan ang upuan na tutuntungan nya.

Binitawan muna nya ang basahan sa upuan at agad naman syang tumuntong ngunit nang wala syang ibang mahawakan ay lakas loob nyang hinawakan ang balikat nito gamit ang kaliwang kamay nya at ang kanan naman ay sa may ulo ito humawak para kumuha ng pwersa patayo.

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon