CHAPTER 30

170 5 0
                                    

"Alam mo? Wala ka namang dapat ikaselos ehh. Kuya Marcus is a friend and like a brother to me. Alam nyo naman na wala akong kuya kaya sa inyo ko nahanap yung mga bagay na yon and alam mo ba kung kanino may gusto si kuya Marcus?" Tanong nya

Umiling naman ang binata at kunot noong tinignan sya nito

"Kay ate Colet"

"Huh? Lagi nga nong inaasar si kambal ehh. But hinahayaan ko lang kase kaya naman ni Colet protektahan sarili nya"

"Exactly! Yun yung way ni kuya Marcus para magpapansin kay ate Colet. Huwag kang maingay ahh mayayari ako kay kuya Marcus neto ehh." Tumango naman ito at nagpatuloy naman sya. " Alam mo ba na may nakita akong guy nung 1st year college palang ako? Sa Canteen yon. Nakapila sya then ako nag start na kumain. Pero hindi maalis yung mata ko sa kanya that time kahit na maraming tao sa Canteen. Yung smile nya na nawawala ang mga mata kapag tumawa at yung chubby cheeks nya? Tapos yun hindi na sya maalis sa utak ko. Tinubuan na ko ng crush sa kanya. But then hindi ako nagbabaka sakali na makikita ko ulit sya lalo na ang laki ng University at ang daming estudyante na magaaral. Pero ang hindi ko lubos akalain isang araw sa sinalihan kong organization magiging ka grupo ko yung kapatid nya at hindi lang naging kagrupo lang naging malapit na kaibigan pa. Hindi ko alam kung paano ako kikilos noon. Imagine yung crush ko eh lagi ko nang makikita dahil lagi itong pumupunta ng studio to support his sister? Lahat ng way ginawa ko para lang Hindi mahalata ng girls na crush ko yung guy na yun kase sigurado akong hindi ako tatantanan ni Sheena at Stacey tapos malalaman pa nung kapatid nya so doble ingat talaga ako at umabot ng almost 3 years hanggang sa isang araw yung guy na yun hindi na ko tinantanan. Out of nowhere bigla nalang syang susulpot kung nasaan din ako. I don't know if it is a destiny or just sunusundan lng talaga nya ko" natawa sya sa isiping yon dahil napaka assumera naman nya kung iniisip talaga nya na sinusundan sya ng binata.

"Yung simpleng crush lang na yun nauwi sa 'di ko inaasahang mahuhulog pala ako ng sobra sa kanya. To think na nawawalan na ko ng pag-asa lalo na ang tingin nya lang sakin noon is nakababatang kapatid na kailangang protektahan sa ibang tao? Kaya hanggat maaari inaalis ko na sa sistema ko na tigilan na ang kahibangan ko dahil wala naman nang mangyayari. But then that guy is confessing his feelings to me, hindi ko inaasahan yun sa totoo lang I thought it was just a dream. Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na, hindi ko alam kung anong sasabihin ko kase gulong gulo na ko. I also like him pero natatakot ako. Natatakot akong mawala yung focus ko sa grupo kapag inuna ko love life pero mas lalo lang mawala focus ko dahil naguiguilty ako na hindi ko man lang sya nakausap kase after that confession naging totally busy na kame sa training kaya ayun lagi akong napapagalitan ni coach, sinabayan pa nang hindi pagpansin sakin nung kapatid nya na ngayon lang humaba at umabot ng isang linggo. Grabeng frustration na nararamdaman ko that time, kase sabay sabay sila."

"Sorry if nakagulo pa ko sayo, hindi naman iyon ang intensyon ko sadyang hindi ko lang matiis na hindi na sabihin. Ikaw kase ehh"

"So kasalanan ko pa pala ngayon" pagbibiro nya para kahit papaano ay maibsan ang tensyon sa kanilang dalawa

"Hindi naman, sadyang ginulo mo lang sistema ko."

" So what's now?" Lakas loob na tanong nya.

"Let me be with you " simpleng sagot nito " I don't want to rush you I just want you to know that I'm sincere on what I felt right now".

"Okay I allow you to do that but please don't hurt yourself too much. Kung pagod ka na sabihin mo sakin para alam ko"

" And kung nakukulitan ka na din saken at gusto mo nang itigil ko ito, let me know. Ako na kusang lalayo sayo at ako na kusang titigil" tumango naman sya. " Can I hug you?"

Tumayo naman sya at iniumang ang mga kamay sa binata para pagbigyan nya ang gusto nito. Agad naman din tumayo ang isa at mahigpit na niyakap sya na tila ba malalagutan na sya ng hininga sa sobrang higpit niyon.

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon