Sa ala ala nyang iyon ay mababatid nyang tama lang ang naging desisyon nya. Umamin nga siguro yung taong yon sa kanya pero hindi parin mababago na nakay Cole na ang puso nya.
Hindi lang talaga sya sure kung ano ba talaga ang kahihinatnan nilang dalawa lalo na ngayon. Simula nung mag start na ulit ang regular class ay wala na itong paramdam sa kanya.
Hindi naman sa walang paramdam na walang pakealam. Dahil wala man ito sa tabi nya nitong mga nagdaang araw ay batid nyang puno parin nang pag aalala nito sa kanya. Hindi man ito ang nagsusundo sa kanya tulad noon ay si ate Colet naman ang naghahatid sundo sa kanya ngayon. Sinasabihan pa nga nya ang kaibigan na magpapahatid nalang sya kay daddy at magpapasundo pag uwian at hindi ito pumayag dahil iyon daw ang bilin ng binata mabuti nalang at tuwing uwian ay naka antabay sa kanila ang buong tropa kaya nababawasan ang pag aalala nya sa nakakatanda dahil mag ddrive pa ito pauwi.
Halos hindi rin nagagalaw ang allowance nya dahil mula umaga hanggang sa uwian ay may pagkaing inaabot si ate Colet sa kanya. Minsan sabay pa silang kumakain nito kung saan.
Hindi lang naman si Cole ang wala kaya mas naiintindihan nya na sadyang busy ito sa Course nito dahil ang mga kaibigan at kaklase nitong sina kuya Sheean at kuya Jhoseph ay hindi na rin nila nakakasama since monday kaya kahit papaano ay alam nya na hindi sya iniiwasan ng binata.
"Nakakamiss din pala ang presence nya" bulong nya
Sya lang naman magisa sa classroom dahil maaga syang sinundo ni ate Colet kanina dahil may gagawin pa daw ito SCO at dahil wala naman itong pinagawa sa kanya ay nagpasya sya na pumunta na sa kanyang silid aralan para makapag review sa kanyang gagawing project demo. Pero heto sya at nag mumukmok sa kanyang pwesto at walang pumapasok sa kanyang utak.
"Miss ka na rin non" bilang sabi nang boses malapit sa tenga nya kaya naman napaigtad sya dahil sa sobrang kaba dahil alam nya ay sya lang mag isa sa room tapos may bigla nalang magsasalita sa tabi nya
"Ate Coletttt! Bat ba bigla bigla ka nalang nanggugulat dyan? Uso kumatok oh!" Reklamo nya
"Oyy excuse me. Kumatok po ako sadyang hindi ka lang naka focus sa ginagawa mo kaya hindi mo ko narinig. Nakatulala ka lang dyan mula kanina kaya lumapit na ko. Akala ko nga may kausap ka kase bigla ka nalang nagsalita mag isa dyan eh" mahabang sagot nito.
"Sorry, kase naman yang kambal mo"
"Napano si kuya? Busy ehh lam mo na malapit na graduating then panibagong Sem kaya todo effort yon. Hindi lang naman ngayon lang nagkaganyan yon. Last year then diba nung wala rin ako kasabay pumasok at umuwi dahil sa sobrang busy nya. Kaya minsan sa Pad nalang yon natutulog para mas malapit dito at mas tahimik"
Ang pad na tinutukoy nito ay ang regalo ng mga magulang ng mga ito sa kambal nung nag 18th birthday ang mga ito. Tig isa sila pero madalang lang tulugan ng dalawa ang pad dahil mas gusto nila na sa bahay matulog at hindi lumayo ang loob sa isa't isa.
"Bakit ka nga pala sumunod dito ate?" Tanong nalang nya
"Nakalimutan ko kase yung breakfast mo. Buti nalang at natapos ko na yung pinapagawa ni Mr. Lorenzo kaya dinala ko na dito kaysa sa tawagin pa kita para lang kuhanin to sa office."
"Salamat ate, sana hindi ka na nag abala pa."
"Nako ka. Malalagot ako kapag hindi ko to ginawa at isa pa gusto ko rin naman tong pinapagawa sakin. Close na tayo pero gusto ko pa na mapalapit sayo para kapag kayo na ni kuya may kasabwat na ko diba?"
"Adik ka talaga kahit kailan ate. Mas lalo ko lang syang namimiss ehhh. Nakakapagtampo lang na hindi man lang sya sumilip kahit na isang munuto lang bago tayo umuwi ganon."
BINABASA MO ANG
Nation's Girls Group Series #1 WE AND US
Teen FictionBilang isang leader walang ibang nasa isip ni jhoanna kung paano pa sila mag-iimproove as a group and also in academic. Wala sa isip nya ang pagkakaroon or pakikipag relasyon ngunit hindi alam ng mga ka grupo nya na sya ay may lihim na pag tingin sa...