CHAPTER 31

163 6 0
                                    

AMORE MIO

Hey beautiful I'm glad that I see your smile again ilang araw ko ring hindi nasilayan yan ehh lagi kang malungkot nitong nakaraan but now your back. My real master is back. I hope you meet me soon.
See you around my love

-graywolf

Ilang araw na rin ang nakalipas mula noong nagkapaliwanagan sila ni Cole about sa nararamdaman nilang dalawa. Mas naging sweet ito sa kanya at lagi na itong nasa tabi nya na para bang ayaw nito na mapalayo sa kanya

Ganun pa man alam din naman ng binata ang tungkol sa patuloy na pagpapadala sa kanya ng letters si Graywolf na hanggang ngayon ay hindi pa nya kilala at wala na syang balak na kilalanin pa.

Sapat na sa kanya si Cole. Ayaw kase nya na pagmulan pa nila to nang hindi pagkakaintindihan ng binata. Hindi pa man official na sila pero sapat na sa kanya kung anong meron sila ngayon.

Bonus nalang kung isang araw ehh magkrus ang landas nila ni Graywolf.

Sa kabilang banda naman hawak parin naman nila ang tagumpay. Sila parin ang hinirang na kampiyon sa lahat ng unibersidad dito sa Manila. At ang male group of the year naman ay nakamit din nina kuya Gelo. Kaya back to back Championship nanaman sila.

Masaya sila sa mga natatanggap na blessings pagkatapos ng kompitisyon, dahil matapos non ay sama sama silang kumain labing tatlo kasama ang mga boys at mga faculty staff na kasama nila.

Ganoon din si kuya Glen na tinanghal din na kampiyon sa sinalihan nitong dance partners. Lalaki ang ka pares nito at hip hop dance naman ang napili nitong tema. Kaya napahanga sila sa galing at smooth ng galaw ng mga ito.

Ano pa nga bang aasahan nya eh international dancer ito kaya ganoon.

NANDITO sya ngayon sa Room at hinihintay si Cole dahil may usapan sila na ihahatid sya nito pauwi. Hindi na bago sa kanya yon dahil simula nung araw na nagkaayos sila ay hindi na rin sya nito hinayaang umuwi mag isa.

Kasama nito minsan si ate Colet para ihatid sya sa bahay. Mabuti nalang at walang kontra ang isa at go lang ito ng go.

Kaya sa tuwing yayayain din sya ng binata na magmiryenda or magdinner bago umuwi ay kasama nila si ate Colet. Weird man pero hindi naman sya naiilang dahil kilala naman nya ang dalaga.

Tinignan nya ang kanyng cellphone ng tumunog iyon. Nakatanggap sy ng text message mula sa binata

"Hey master I'm outside na kasama ko si Colet" 

Agad na napangiti naman sya at nireplyan ang binata

"Goods labas na po ako, nauna na sina Shee and Mikhs ehh"

"Nagpaiwan ka mag-isa dyan?"

"Nope nandito pa naman ibang classmate namin. May dadaanan pa daw si Shee eh nagpasama na kay Mikhs" reply nya.

Paglabas nya ng room ay agad naman nyang nakita ang dalawa dahil wala naman nang masyadong estudyante sa mga oras na yoon.

Nakangiti lang ang binata sa kanya habang si ate Colet naman ay busy sa phone nito. Hindi ito mahilig sa social media kaya alam nya kung ano ginagawa nito kapag hawak hawak nito ang phone. Kung hindi ito nag lalari ng mobile games ay may nirereview itong forms para sa SPUSC (St. Paul University Student Council)

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon