JHOANNA'S POV
Karating nila sa apartment ni ate Aya ay naabutan nila ang mga ito na nanonood ng movie sa may Sala, kanya kanya sila ng pwesto habang kumakain ng chips.
Agad na hinanap ng mata nya si ate Colet na syang nakikigulo kay ate Aya sa may kusina kaya dali dali syang nag paalam kay kuya Cole para puntahan ang mga ito.
tumango naman ang binata at naupo sa pinakamalapit na sofa at nakipagkwentuhan sa mga girls. nilapitan nya ang dalawa na busy sa paggawa ng ramen.
ito rin ang nagsisilbing comfort food nilang lahat lalo na kapag cheat day nila.
kinatok nya ang pader ng kusina para maagaw ang atensyon nilang dalawa na agad namang ngumiti ng makita sya
" oh nandito ka na pala" bungad ni ate Aya
"si kuya?" tanong naman ni ate Colet
binalingan muna nya si ate Aya "opo halos kararating lang namin ate and nasa sala si kuya Cole kasama ng ibang girls, bakit ate?"
"hindi naman sumunod sina kuya Sheann ano?"
" Hmmm wala naman akong narinig na tinawagan nya nung nasa byahe kame ehh"
"buti nalang, kung hindi ma didisaster tong aparrtment ni Aya kapag dumating pa sila"
Natawa sya sa sinabi nito, sa kanilang girls palang ay mabubulabog na ang buong apartment, maski mga ligaw na kaluluwa mabubulabog, tapos darating pa mga kaibigan ni kuya Cole na alam na alam na namin na magbabangayan nanaman sina kuya Jhoseph at Staku
"kamusta ka ate Colet?" nag-aalalang tanong nya
" Nagsumbong si kuya sayo ano?" balik tanong nito sa kanya
"Hindi naman nabanggit nya lang na tulala ka nga nang iwan ka nya sa inyo, kaya nag pahatid ako dito nung sabihin ng ibang girls na tumambay kayo dito" paliwanag nya
"si kuya talaga naman" pagmamaktol nito "hanggat maaari nga sana na ayoko kayong istorbuhin lalo na kapag free time naten. Imagine in a whole week tayo tayo na magkakasama tapos pati ba naman weekend kukunin ko pa sa inyo? lalo ka na Jho na halos katulong ko pa mag-isip ng mga project and program sa school"
napaka soft hearted talaga nito, lalo na pag-dating sa girls
" ay nako col, we treat you not a friends or groupmates. We are family here, we treat you as a sister. Yes, ako pinaka eldest sa inyo pero marami parin akong mga bagay na natututunan sa inyo. kay what ever happens we're always here with you, just call me or anyone here tutulungan ka namin." sabi ni ate Aya
" Oo nga ate Colet, 'wag mo kami masyadong isipin, unahin mo sarili mo. if may hiindi ka na kayang gawin leave it to us, specially to me as your leader na rin ate I'm always ready to help"
"kaso kase nakakahiya na sa inyo, marami din kayong ginagawa sa school, sa group and sa mga organization na sinasalihan nyo. Kaya ayaw ko nang dagdagan pa stress nyo sa buhay"
"'Nu ka ba naman, hanap ka nalang kaya jowa mo Col para naman may mautusan ka bukod samen. tutal ayaw mo din na na-aabala kame" biglang sabi ni ate Aya
bahagya siyang natawa sa tinuran ng dalaga.
"naku! naku! naku1 Aya tigilan mo ko sa huwestyon mo na yan. ayokong dagdagan pa lalo sakit ko sa ulo, baka lalo na akong mabaliw kapag ginawa ko pa yan. hahanap ako lalaki para na rin akong naghanap ng malaking bato na ipupukpok sa ulo ko"
" Bakit ba ayaw na ayaw mo sa mga lalaki ate Colet?"
" Hindi naman sa ayaw ko sa mga boys, sadyang wala pa lang sa isip ko yung mga bagay bagay na yan. mas gusto ko kayong unahin at ang pag- aaral ko."
BINABASA MO ANG
Nation's Girls Group Series #1 WE AND US
Teen FictionBilang isang leader walang ibang nasa isip ni jhoanna kung paano pa sila mag-iimproove as a group and also in academic. Wala sa isip nya ang pagkakaroon or pakikipag relasyon ngunit hindi alam ng mga ka grupo nya na sya ay may lihim na pag tingin sa...