COLE'S POV
Nang makapag pahinga na ang mga kababaihang kasama nila sa studio na nagkayayaan na silang kumain na sakto namang pagdating ng inorder nina Sheean kanina.
Nagkanya kanya nang labas ang mga ito at dumiretcho sa waiting shed na malapit sa studio.
Dahil kung sa loob pa sila ng studio kakain ehh siguradong mababale wala lang din ang ginawa nilang paglilinis kanina.
Nagpahuli na sa paglabas si Jho kaya sinabayan na nya ito bitbit ang bagpack at ang gym bag nito na naglalaman ng mga damit pang training.
"Ako na dyan" alok nya sabay kuha ng gymbag na nakasabit sa balikat nito
" Hindi na kaya ko naman yan"
"Ako na wag na makulit and wala naman akong bitbit nasa kotse na kaya kayang kaya ko na to"
Hindi naman na ito nag protesta pa na labis na ikinatuwa nya dahil unti onti na nyang nagagawa ang mga gusto nyang gawin para sa dalaga.
Kanina ay muntik na syang mahuli dahil sa labis na galak kapag kasama nya ito. May mga bagay na kusa nalang lumalabas sa bibig nya na hindi na nya mapigilan.
Mabuti nalang at nalusutan nya agad at naka isip ng dahilan
Natutuwa din sya dahil sa kanya ito nagpapatulong kahit na pwede naman nyang gawin sa iba. Diba? Tapos lumalabas din pagiging makulit nya kapag kasama nya ito.
Nang makarating sila ng shed ay kanya kanya nang kuha ang mga ito ng pagkain. Napadako ang tingin nya sa kanyang kambal at sapat hindi na nya ito tinignan pa, dahil nakatingin ito sa kanila at ngingisi ngisi pa itong kumintad sa kanya.
"Ako na kukuha ng pagkain naten maupo ka nalng dyan." Boluntaryo nya.
Hindi narin nya ito hinintay na makasagot at nakigulo na rin sya sa mga kumukuha ng pagkain.
Mukhang alam na alam na rin ng boys ang gustong pagkain ng mga babae nilang kasama dahil halos lahat ng natira ay para nalang talaga kay Jho at sa kanya.
Sabagay sa halos araw araw na magkakasama sila ay alam na nila kung ano ang gusto at ayaw ng mga ito.
"Oh bro kunin mo na lahat yan, sa inyong dalawa nalang yan ni Jho at halos nakakuha naman na lahat" bungad ni Khael sa kanya
"Sure kayo? Madami pa yan ahh"
"Oo, medyo nahuli lang kayo ng dating kaya akala nyo madami pa yan. Pero hundi nyo alam na nadekwat na lahat yan kanina lalo na nitong si Stacey" -Jhoseph
"Ako nanaman nakita mo KUYA"- inis na siwalat ni Stacey at duniinan pa nito ang pagkakasabi ng kuya
"Sige salamat"
Pagkalapit nya sa pwesto ng dalaga ay inilapag na nya ang mga pagkaing natira para sa kanila.
"Ubusin mo yan ahh"
"Hala, ang dami nyan d ko mauubos yan ng isang upuan lang, tulungan mo ko dyan" kontra nito sabay nagpout pa ito.
Bakit kahit anong ekspresyon ng mukha mo eh ang ganda mo parin? Na parang ang sarap panggigilan ng mukha mo
Nasabi nalang nya sa kanyang utak.
"Opo, pero kumain ka nang marami para naman makabawi bawi ka naman ng lakas." Aniya
"Ganon na ba ko kapayat?" Bulong nito na nakarating sa pandinig nya
"Hindi naman, tama lang naman yang katawan mo. Ang sa akin lang ehh hindi ka mapabayaan though alam ko naman na healthy food ang kinakain nyo"
BINABASA MO ANG
Nation's Girls Group Series #1 WE AND US
Teen FictionBilang isang leader walang ibang nasa isip ni jhoanna kung paano pa sila mag-iimproove as a group and also in academic. Wala sa isip nya ang pagkakaroon or pakikipag relasyon ngunit hindi alam ng mga ka grupo nya na sya ay may lihim na pag tingin sa...