Nabusog ang lahat dahil sa dami ng inorder nina ate Colet na seafood. May mga natira pa dahil hindi naman nila nilagay iyon lahat dahil napakarami talaga.
Masaya silang nagsalo salo, kasama din ang parents nya na go din sa trip nila. Tawanan, kwentuhan, biruan at kung anu-ano pa.
Game na game din ang mga boys na napasubo rin sa masasarap at naglalakihang alimango, kahit na napakahirap nitong kainin. Halos ang mga boys nga ang nag himay ng mga alimango at silang girls ay kain lang ng kain.
Gusto na ngang magmaktol ni kuya Jhoseph pero hindi nito magawa
"Nabusog ba ang lahat?" Tanong ni daddy
"Opo tito" sabay sabay naman na sagot ng mga ito
"Sige good, doon na muna ko ahh kayo na bahala dyan Jho"
"Opo dy"
Tulong tulong naman din sila sa pagliligpit ng mga pinagkainan nila.
"Guys nag chat sakin si Aiahki nagtatanong kung pwede ba daw syang magsama? Ang kulit daw kase ehh"
"Pwede naman pero sino?" Tanong ni Mikhs
"Oo nga kilala ba natin yan? Baka naman ma OP yan satin ahh" segunda ni Stacey
"Pinsan nya daw ehh, ang sabi pa nya ehh kaedaran lang daw natin sya kaya siguro naman makakasundo nya itong mga boys" -ate Maloi
"Sige kayo bahala, ano nga ulit name nya?" Mikhs
"Wait ask ko"
Nagpapahinga na sila ng mga oras na iyon kaya nagkkwentuhan nalang sila ng mga bagay bagay at nagdidiskusyon kung saan saan sila pupunta bukas
"Bukas nalang daw nya sasabihin para surprise"
"May pa surprise surprise pang nalalaman si Aiahki ahh kotongan ko sya sabihin mo"- ate gwenny
"Ang harsh mo naman kay kuya Aiahki ate Gwen" sabat nya sa usapan.
"Hindi naman sanay na sakin yun"
"Nga pala Mikhs sure ba si Khael na yung inyo nalang ang gagamitin?? Hindi na magdadala ng isa pa?? Para lalagyan ng mga gamit naten"
Bigla naman ay tanong ni kuya Cole
"Sabi kase ni kuya if mag dadala pa ng isang sasakyan dalawang tao agad ang pagod sa pag ddrive lalo na 3 days tayo sa daan, kung isa lang ang gagamitin naten sa maghapon pwede na yung 2 tao na tig half day diba?"
"Sabagay may point si kuya Khael dun" -sheena
Tama nga naman kase kung mag dadalawang sasakyan pa sila paano sila makakapag bonding at makakapag jamming kung yung iba naka hiwalay sa kanila.
"Ayos ka lang Jho?, tulala ka nanaman"
Ang tanong na yun ni ate Colet ang nagpabalik sa ulirat nya.
"Ah oo ate iniisip ko lang yung sinabi ni Mikhs"
"Alin doon?"
"Yung about sa sasakyan, tama naman kase and paano tayo makakapag bonding sa loob ng sasakyan kung nakahiwalay ang iba sa atin"
"Yeah right, uwi na rin pala kami pa maya maya ahh"
"Sure ate, para makapag pahinga na din kayo kahit hindi naman siguro tayo maaga bukas"
"Waits, guys anong oras nga pala tayo alis bukas?? Kahit wag na maagang maaga 3days naman ang meron tayo kaya kahit hindi na maaga" tanong nito sa mga nagkakagulo sa damuhan
May mga nakasalampak na, ang iba naman nakahiga na sa damuhan.
"Mga 6:30 siguro okay na para maabutan din naten ang sunrise, sabihin ko kay kuya daan tayong Manila Bay" si mikha ang sumagot
BINABASA MO ANG
Nation's Girls Group Series #1 WE AND US
Teen FictionBilang isang leader walang ibang nasa isip ni jhoanna kung paano pa sila mag-iimproove as a group and also in academic. Wala sa isip nya ang pagkakaroon or pakikipag relasyon ngunit hindi alam ng mga ka grupo nya na sya ay may lihim na pag tingin sa...