Sa haba ng paglalakbay nila napuno ng tawanan ang buong sasakyan. Hindi mawawala ang asaran lalo na sa pagitan nina Ate Colet at kuya Marcus. Ganoon din sa pagitan nina Kuya Jhos at Stacku.
Alam naman din ng dalawang binata ang limitasyon sa pangaasar sa dalawang kasamahan nila kaya naging masaya lang din sila.
Mga bandang hapon ng marating nila ang first station kung saan si kuya Khael lang ang nakaka alam. Itinuro lang nito kay kuya Cole kung saan sila dadaan.
Sa isang liblib na lugar na hindi naman masyadong tago sila dinala ng binata. Nang may marinig silang galusgos tubig ay mas na excite naman silang bumaba ng sasakyan.
At hindi nga sila nagkamali. Dinala sila ng binata sa isang falls. Maganda at malinis ang tubig na tila ba hindi ito dinadayo ng mga tao.
"Ang ganda dito kuya" dinig nyang bulalas ni Mikhs nang makababa silang lahat.
Namangha sila sa tanawin lalo na ang girls at talagang nagtatalon pa.
"Oo nga pre, paano mo nalaman tong lugar na to?? At ang linis ahh" -kuya Cole
"Sabi ko nga diba kapag gusto kong mapag isa at kapag naghahanap ako ng pwede kong i subject sa mga painting ko nagiikot ako mag isa" simpleng paliwanag ng binata
"Ang linis ng paligid parang iilan lang talaga ang nakaka alam dito" sabat naman nya sa usapan ng mga ito
"Ah oo mas gusto kase ng namamahala dito na hanggat maaari ay malinis kaya tuwing umaga ay dumadayo pa sila dito para linisin ang buong paligid"
"So may nakaka alam nito" tanong ulit nya
"Hmm hmm, at naka usap ko na din sila kaya siguro nagready na sila ng mga kahoy" muling sabi nito tyaka itinuro ang mga kahoy malapit sa falls.
"Wow, mukhang kilalang kilala ka na ng mga tao dito ahh kuya" -Mikhs
"Parang ganon na nga kase 3 or 4 days ata akong naglagi dito and every morning nagpupunta si Mang Bert dito. Noong una nagulat pa nga siya dahil may sasakyan dito which is hindi nga ito lantad sa madla"
"Girls mamayang gabi magbabad tayo dito para naman masulit naten ang falls ohh ang ganda" suwestyon ni Stacey.
"Pwede naman pero mabilis lang ahh delikado din kase kapag gabi" -kuya Khael
Tila lalo namang na excite si Stacku sa turan ng binata.
Atleast may tubig man hindi sila matatakot sa balat nila kase gabi naman at hindi sila iitim.
Nagsimula na ang boys na tulungan si kuya Khael sa pag aayos ng tent nila. Extension iyon sa magkabilaang side. Ang kabilang side ay doon nila inayos ang mga gagamitin nila para sa pagkain, habang sa kabila naman ay ang tutulugan ng boys. Sila namang girls na sa loob daw ng Van matutulog para maging komportable sila kahit na may mga boys na kasama.
Inayos din nina Kuya Khael at kuya Cole ang loob ng Van. Kaya pala parang iba ang upuan ng Van na iyon kase pwede itong gawing higaan. Kaya naman ng muli nyang silipin ang sasakyan ay napakalawak na higaan ang bumungad sa kanya, at kasyang kasya silang walo don maluwag pa nga kung tutuusin.
"Hanep talaga" bulong nya
"Right ako din nagulat na ganyan pala yan kapag naayos" napatingin sya sa nagsalita na si kuya Cole
Hindi nya namalayang sumunod pala ang binata sa kanya. Hindi nya ito napansin dahil abala sya sa pagmamasid sa loob ng Van.
"You want to eat??" Tanong nito
"Ako na mamaya kuya, hindi naman nila mauubos yon"
"Yan ka nanaman sa kuya mo" dismayadong sabi nito. Sya naman ay naguilty dahil hindi sya masanay sanay na hindi ito tawaging kuya
BINABASA MO ANG
Nation's Girls Group Series #1 WE AND US
Teen FictionBilang isang leader walang ibang nasa isip ni jhoanna kung paano pa sila mag-iimproove as a group and also in academic. Wala sa isip nya ang pagkakaroon or pakikipag relasyon ngunit hindi alam ng mga ka grupo nya na sya ay may lihim na pag tingin sa...