Habang nasa byahe ay patuloy lang sila sa pagkkwentuhan hanggang sa marating namin ang subdivision na tinutuluyan nina ate Maloi at sheena.
Nagpumilit pa si kuya Cole na ipasok na sa loob ang sasakyan ngunit tumanggi ang dalawa, malapit nalang daw kaya lalakarin na nila. Ilang bahay lang din kase ang layo ng bahay nina Sheena kina ate Maloi.
" Sure kayo na dito nalang kayo?" Tanong ni ate Colet sa dalawa
"Oo, ate lakarin nalang namin ni ate Maloi to, may energy pa naman ako maglakadlakad" sagot ni Shee
"Kahit na gabi na, sabihin man naten na maraming guard na nakapalibot dito hindi mo parin maiiwasan ang mga taong may masamang balak" tugon pa nito
"Mababait naman mga tao dito, lahat dumadaan sa personality test and isa pa kapag may nakitaan sila nang bad behavior sa mga taong nakatira dito pino-force leave nila. Pero sige sa ikapapanatag ng loob mo, papahatid nalang kame kay ate guard" sagot naman ni ate Maloi
Agad namang nilapitan ni Sheena ang guard house at kinausap ang mga tao na nandoon. Maya maya pa ay bumalik na ito sa gawi nila at may lumabas naman na lady guard at may dalang susi.
"Oh goods na ate Colet kaya wag ka ng makulet, umuwi na kayo at magpahinga dahil need nyo yan."
"Goods, sige una na rin kame goodnight bebe, goodnight uyab ko" paalam nito sa dalawa
Bebe ang tawag ng lahat ng members kay Sheena dahil ito ang pinaka bunso sa kanila at uyab naman ang tawagan nina ate Colet at ate Maloi sa isa't isa.
Ewan din nya kung anong trip ng dalawang to kase ang alam nyang uyab ay isang salita ng mga bisaya na ang ibig sabihin ay 'kasintahan'. Pero yun ang trip nila ehh kaya go lang
Bumeso muna ang mga ito sa kanilang dalawa ni ate Colet at nakipag high five naman kay kuya Cole bago tuluyang sumakay ng tricycle na ginagamit ng mga guard pang ronda.
" Idlip muna ko ahh?" Sabi ni ate Colet nang makasakay na kami ng van
"Go lang ate, d ako inaantok ehh" sagot naman nya
"Maghapon kang nasa galaan tapos d ka inaantok?" Tanong ulit nito
Ngumiti lang sya sabay tapik sa balikat nya.
"Itulog mo na lang yan ate, goods ako kaya don't worry. Lean on my shoulder na, ikaw ang kailangan magpahinga"
Hindi na ito kumibo. Naramdaman nalang nya ang ulo nito sa may balikat nya tanda na matutulog na ito.
Kahit anong gawin nya ay hindi talaga sya maantok sa byahe kaya nilibang nalng nya ang sarili sa pag scroll sa social media.
"Tired?" Binalingan nya sa may rearview mirror si kuya Cole
"Hindi naman po gaano, sanay na ata ako sa training. Mukhang yung pagod ang napagod na sakin ehh" pagbibiro naman nya
"Sorry ah"
Nagtaka sya kung bakit ito nag sosorry. May ginawa ba ito na hindi nya alam?
"Para saan kuya? May ginawa ka ba?"
" Wala naman, kase diba isang linggo na kayong pagod tapos niyaya pa kita sa Mall. Hindi lang para bumili ng books, nagpunta pa tayo ng Arcade para maglaro" paliwanag nito
"Asus! Akala ko pa naman kung ano. Sabi ko nga kapag hindi busy goods lang sakin and also it's for ate colet naman, hindi naman na po iba sakin tong natutulog sa tabi ko"
"Thankyou, oh nandito na tayo sa inyo"
Tinapik nya sa balikat and dalaga para gisingin ito.
"Ate? Nandito na po tayo samen. Lipat ka nalang po sa tabi ni kuya Cole para makahiga ka ng maayos" mahinang paggising nya dito
BINABASA MO ANG
Nation's Girls Group Series #1 WE AND US
Teen FictionBilang isang leader walang ibang nasa isip ni jhoanna kung paano pa sila mag-iimproove as a group and also in academic. Wala sa isip nya ang pagkakaroon or pakikipag relasyon ngunit hindi alam ng mga ka grupo nya na sya ay may lihim na pag tingin sa...