Nagkayayaan ang buong barkada na mag bbq party sa bahay nina Mikhs dahil sa pagkapanalo ng team nito sa ginanap na friendly match noong isang araw.
Nauna nang nag celebrate ang team nito at ngayon ay sila naman ang niyaya nito para makapag bonding na din.
Simula kase ng matapos ang exam week ay hindi na nila nagawa pa ito. Nagkakasama naman sila sa training at tuwing lunch pero yung makapag bonding sila ng sila sila lang ay hindi na nila nagawa.
Sinundo sya ni Cole sa bahay para personal na din syang pag paalam ng binata. Ayaw na din sana nya pero mapilit ito.
Habang tinatahak ang daan papunta sa bahay ng mga Legazpi ay nakamasid lang sya sa labas ng bintana. Hindi naman sa ayaw nya itong kausapin pero kase wala naman talaga syang sasabihin.
Lalo na noong nangyari yung sa may karinderya, dahil hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa utak nya ang mga sinabi ng binata sa tindera.
"Ano palang balak nyo, diba malapit na competition nyo? Nabanggit kase ni kambal na na puspusang training nyo na nyan"
Binalingan naman nya ito
"Yeah, we trained a lot even though we stopped for week gawa ng exam pero alam naman na nang girls kung panong gagawin nila"
" Sa St. Paul kayo diba?"
" Oo sila ang incharge ngayong year ehh and doble kaba kase nasabi samin na mga alumni ata ang ilalaban nila"
"Ppwede ba yun?" Takang tanong ulit nito
"Pwede as much as sa school na yun sila galing. Pero kung alumni ka sa ibang school tapos irerepresent mo is ibang school ibang usapan na yun"
"Kaya nyo yan kayo pa ba! You're not a title holder for 3 years for nothing right? Don't worry manonood kaming boys to support you. Sisiguraduhin kong kumpleto kameng pito"
"Thankyou, and also sina kuya Gelo kasama naming mag Cocompete but hindi kame magkalaban. Representative sila for male category then kami naman sa girls"
Hindi naman nya maiwasang ma excite dahil halos kasabay din nilang umangat ang naturang grupo. Isa ang mga ito lalo na si kuya Gelo na leader ng Ace of pop group ang pinagkukunan nya ng inspirasyon dahil sa sikat na ang mga ito.
" We're here" malamig na turan nito. Hindi na nya namalayan na nakarating na pala sila kina Mikha ngunit ang hindi nya maintindihan ay bakit parang nagbago bigla ang timpla ng binata.
Bigla nalang naging tipid ang mga sagot nito. May nasabi ba syang mali?
Pero kahit ganoon ito ay pinagbuksan parin siya nito ng pinto at sabay na pumasok sa loob ng bahay nina Mikhs
Naabutan nila sa pool area ang mga nagkakagulong kaibigan at kanya kanya ang mga ginagawa.
"Ate Jho nandyan ka na pala." Bati nito at binigyan sy ng mapanuksong ngiti.
Alam na nya ang mangyayari sa mga oras na iyon dahil pagkatapos syang tapunan ng tingin ng kaibigan ay tumingin ito kay Stacey.
"Bakit sabay kayo ni kuya Cole Jho?" Tanong naman nito
"Kaya pala hindi mo ko sinabay torps ahh may balak ka pala" natatawa ring turan ni ate Colet
"Kaya pala ayaw mo rin kameng isabay ni Sheean ahh may iba ka palang gustong isabay" -Kuya Jhos
"Kaya pala ahh" -kuya Sheean
"Mga ungas, tumigil kayo" malamig paring turan nito at naupo na sa tabi ng mga kaibigan ni hindi man lang ito ngumiti sa mga nagkakasayahang mga kaibigan
BINABASA MO ANG
Nation's Girls Group Series #1 WE AND US
Teen FictionBilang isang leader walang ibang nasa isip ni jhoanna kung paano pa sila mag-iimproove as a group and also in academic. Wala sa isip nya ang pagkakaroon or pakikipag relasyon ngunit hindi alam ng mga ka grupo nya na sya ay may lihim na pag tingin sa...