COLE'S POV
HE was busy on his plates this whole week. Kasisimula palang ng Sem pero tinambakan na sila ng gawain at sunod sunod na project. Nawalan na sya ng time sa lahat ng bagay. Ni hindi na nga rin nya magawang silipin man lang si Jhoanna kahit minutes lang kase sunod sunod din ang deadline na ibinibigay sa kanila.
Buti na lang sabado at linggo ay hindi na sila binigyan pa ng gawain at salamat sa Diyos ay natapos na on time ang mga projects nya. May time na syang makabawi sa dalaga. Namimiss na rin naman nya to. Imagine isang linggo nyang hindi nasilayan ang taong kanyang mahal samantalang noong mga nakaraan ay parang hindi sila mapaghiwalay nito.
Nang maitabi na nya ang kanyang project na ipapasa sa monday ay dali dali syang nagcheck ng phone nya. Sa pag aakalang may text or may chat ang dalaga sa kanya pero nabigo sya bagkus ay sa ibang kaibigan sya nakakatanggap ng mensahe. Sina Seph at Sheean na nangangamusta sa project nya. Meron din galing kay Glen dahil isa ito sa taong napalapit sa kanya kahit na baguhan palang ito sa grupo. Sumasama na rin kase ang binata sa kanila, sa mga galaan nila at pag nagkakatipon tipon sila sa iisang bahay.
Ang huling mensaheng kanyang nabasa ay ang lalong nagpawindang sa kanya. It was Colet. Naka silent ang phone nya buong week kaya bihira lang syang makareceive ng tawag. Kung hindi nalang mag fflash sa screen nya kapag gamit nya ito ay hindi talaga nya sasagutin kung sino man ang tumatawag.
Pero ngayon na nakatanggap sya ng sandamakmak na Call mula sa kambal ay parang kinabahan sya ng todo. Makulit ito pero once na hindi nya ito sinagot within 3 calls hindi na ito uulit dahil alan nitong busy sya. Pero ngayon halos umabot ito ng 20 missed call. Ano kaya ang problema nito? Bakit sobrang urgent naman at umabot pa ng ganito karaming call?
Nakita nya rin na my 15 unread message sya mula dito kaya dali dali nya itong binuksan
Brat 😒
Kuya?
Hey kuya.
Answer my callll!!!.
Bakit ba ayaw mo sagutin? Really?? Ganyan ka na ba talaga??
Binalaan na kita noon diba?
Na wag na wag mo tong sasaktan? Kundi ako makakalaban mo?
Alam kong hindi mo sinasadya. Alam kong busy ka pero sa loob ng isang linggo hindi mo talaga magawang kamustahin sya? Kahit chat man lang?
Alam mo ba na halos isang linggo din namin syang hindi kasama? Oo nandito nga sya sa tabi namen pero parang wala din kase laging tulala. Yung Jhoanna na kilala namen na makulit din biglang nawala, hindi nya pinapahalata na naaapektuhan na sya? Lahat ng sakit sinasarili nya.
Sabi ko naman sayo diba? Poprotektahan ko tong babaeng to kase parang kapatid na din ang turing ko dito? Na kahit sino hindi ko hahayaang saktan sya.
Nasa side mo ko noon pero this time make a move man.
Kung mahal mo talaga tong kaibigan ko seryosohin mo naman. Wag kang magpaka gago. Ikaw ang lalaki. Gumawa ka ng way para maging kayo kung talagang mahal mo sya.
Ano wala ka pa ren!? Hindi mo parin ako rereplyan!?
Nagbreakdown na tong iniingatan ko dahil sayo. Ngayon ko lang nakita tong ganito
Oo nagtampo ako noon dito pero nang nalaman ko kanina yung side nya bigla akong na guilty kase hindi ko sya hinayaang magpaliwanag at bigla nalang syang hindi ko kinausap.
BINABASA MO ANG
Nation's Girls Group Series #1 WE AND US
Teen FictionBilang isang leader walang ibang nasa isip ni jhoanna kung paano pa sila mag-iimproove as a group and also in academic. Wala sa isip nya ang pagkakaroon or pakikipag relasyon ngunit hindi alam ng mga ka grupo nya na sya ay may lihim na pag tingin sa...