CHAPTER 15

165 4 0
                                    

Friday morning maaga syang ginising ni mommy. Nagtataka man dahil 8am pa naman ang first subject nila pero 6:40am palang ay kumakatok na ito sa kwarto nya.

"Jho, nasa baba yung kambal ni Colet. Pinagpaalam ka nya para sa outing nyong magbabarkada bukas?" Patanong na sabi nito.

Antok pa sya kaya hindi pa masyadong nag sink in sa kanya ang mga sinasabi nito kaya binigyan nya ang kanyang ina nang nagtataning na mukha

"Naku ahhh kung hindi pa pumunta dito ang batang yon hindi ko pa malalaman na aalis kayo this weekend"

Literal na napa nganga sya dahil, hindi nya expect na pupunta sa kanila ang binata para pag paalam sya.

"Wala ba syang kasama my?" Tanong nya

"Wala, sya lang mag isa. Mamaya pa daw pupunta sina Colet dito para pag paalam ka din"

Lalo naman syang naguluhan dahil bakit hindi nalang ito sumama kina ate Colet mamaya

" Nung Wednesday kase my nagkayayaan sila Sheena na mag unwind muna daw po kame. Eh nakakalimutan ko pong magpaalam ehh sorry my"

"Osya babaan mo na yung bata. Kausap ni dy sa sala at ikaw ah asikasuhin mo na din mga dadalhin mo bukas"

"Payag ka my?" Gulat na tanong nya

"Bakit naman hindi, ikaw na din nagsabi na gusto ng mga bata na mag unwind kaya go, nag paalam naman na din si Cole, sya daw bahala sayo"

Ano kaya ang ginawa ng binata para mabilis nitong mapapayag ang parents nya

"Kanina pa po ba si kuya Cole dito my"

"Hmmm medyo, before 6am nandito na sya. May dala dala nya itong almusal ehh"

Napamulagat naman sya sa sinabi ng ina. Talagang dumayo pa ito ng ganoong oras para lang ipag paalam sya

"Kaya ikaw magbihis ka na kase isasabay ka na din daw nya papuntang university"

"Sige my thankyou po"

Yun lang at lumabas na ito ng kwarto. Sya naman ay dumiretcho na sa banyo para maligo.

Mabilisang galaw ang ginawa nya dahil ayaw naman nyang pag hintayin ang binata ng matagal

Naglagay lang din sya ng light make up para matanggal lang ang pagiging dry ng mukha nya.

Hindi naman din bawal sa university nila ang nag make up sadyang ayaw nya lang din na todo effort para sa ganitong bagay di gaya ni Stacku na naglalaan talaga ng oras para maganda sa pag pasok.

Pag baba nya sa sala ay naabutan nya ang binata na kausap ng kanyang daddy. Masaya syang makita na nagkakasundo ito sa mga bagay bagay.

Atleast diba d na ko mahirapan makumbinsi si daddy kapag kami na ni Tyty..

Wow ahh assuming ka masyado girl, ni wala ngang gusto sayo yung tao ehh

"Morning dy" bati nya sa kanyang tatay sabay halik sa pisngi nito

"Oh buti naman at tapos ka na, kanina ka pa hinihintay nitong si Cole"

"Sorry po, goodmorningg kuya Cole"

"Goodmorning din, pinag paalam na kita para bukas. Pero pupunta din naman daw dito sila Colet mamayang hapon"

"Nasabi nga po ni mommy, bakit?" Muling tanong nya

"Wala lang, para makasuguro sina tito na ligtas ka"

Lord bakit ganito tong lalaking mahal ko, apaka gentleman naman tama si kupido ng tinamaan sana ako din tamaan ng kupido nito

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon