JHOANNA'S POV
Ilang oras nalang ang natitira at sasalang na silang walo sa kompetisyon ngunit hanggang ngayon ay hindi parin mahagilap ng mga mata nya ang taong nagsabi na sa araw ng kompetisyon nila ay kumpleto ang boys.
Kaya naman simula kanina ay wala sya sa focus. Naiinis sya sa sarili dahil hindi naman nya dapat maramdaman ito, lalo na at hindi nya nakakausap ang binata mahigit isang linggo na.
Kasalanan nya din naman dahil hindi nya ito magawang harapin at kausapin man lang tapos ngayon heto sya sa isang tabi at aligaga dahil sinira nito ang pangako nito sa kanya noong isang araw.
Ayaw man nyang ipahalata sa mga kaibigan na naaapektuhan din sya ngunit hindi nya mapigilan. Pasimple na din syang nagtatanong sa mga ito kung bakit parang kulang sila pero wala naman din syang nakukuhang sagot.
Gusto man nyang lapitan din si ate Colet pero parang galit ito sa kanya dahil mag iisang linggo na din mula ng huli silang mag usap.
Sino ba naman kaseng hindi magagalit sa ginawa mo diba? At kapatid pa nya yon kaya tama lang na iwasan ka rin nya.
Hindi sya sanay sa ganitong set up. For almost 3 years na kilala nya si ate Colet ay ngayon lang sila hindi nag usap ng ganito katagal. May hindi man sila pagkakaintindihan noon pero hindi natatapos ang araw ay lalapitan na siya ng dalaga at yayakapin.
Sa gnitong ugali ni ate Colet sya lalong napalapit. Napaka down to earth din kase nito pero ngayon hindi na umubra ang word na yun sa dalaga.
"One more round girls, bigay nyo na ang todo nyo dahil gusto ko pag apak nyo ng stage ay mag eenjoy nalang kayo. Remember ilang buwan nyo rin tong pinaghandaan at alam kong kakayanin nyo. Lahat ng isipin nyo isantabi nyo na muna. For the 4th time makakamit ba natin ang tagumpay?" Bilin ni Coach Red sa kanila
"YES COACHH!" sabay sabay naman na sagot nila.
Doon ay parang nabalik sya sa kanyang ulirat dahil sa bilin ng kanilang dance coach. Ilang taon na nilang hawak ang tagumpay ngayon pa ba siya papalya?
Pero bago nya magawa yun nang tama ay may kailangan muna syang ayusin.
Nang matapos ang isang round ng training ay nag retouch na sila ng make up at nagpatuyo ng pawis. Pinagmamasdan nya si ate Colet na tahimik lang din habang inaayus ito ni Gwenny.
Sila sila lang din naman ang nag mamake up sa sarili nila o di kaya naman ay tulong tulong sila sa pag aayos.
Huminga muna sya ng malalim bago kuhanin ang atensyon ng kaibigan. Lumapit pa sya dito ng kaunti para hindi na sya makakuha ng atensyon sa ibang kaibigan.
"Ate Colet" mahinahong tawag nya sa ate. Sumulyap lang ito sa kanya sa may salamin at nagpatuloy na ulit sa pag aayos.
"Ate, nakaya mo talaga 'kong hindi kausapin like one week?" maluha luhang tanong na nya. Hindi na nya mapigilan ang kanyang emosyon dahil namimiss na nya ang kanyang kaibigan.
Natigilan naman ito sa ginagawa at tumingin ulit sa kanya pero sa salamin lang ulit kaya sya naman ay nagbaba ng tingin dahil hindi na nya mapigilan na bumuhos ang mga luha sa pisngi nya.
Buti nalang at water proof ang make up na ginamit nila para kahit pawisan sila ng malala ay hindi ito basta basta matatanggal.
"Sorry if may nagawa man ako this past few days. Sobrang gulo na kase ng utak ko ehh hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Gusto ko mag focus muna sa inyo pero hindi ko rin magawa dahil alam kong may isang tao na galit saken" humihikbing sabi nya.
"Wala na kong mapagsabihan ng problema ko kase yung taong laging nakikinig saken hindi ako kinakausap. Naiintindihn ko naman kase kambal nya si Kuya Cole pero hindi ko naman intensyon na iwasan sya. Sobrang gulo lang at napakabilis ng mga nangyayari."
BINABASA MO ANG
Nation's Girls Group Series #1 WE AND US
Teen FictionBilang isang leader walang ibang nasa isip ni jhoanna kung paano pa sila mag-iimproove as a group and also in academic. Wala sa isip nya ang pagkakaroon or pakikipag relasyon ngunit hindi alam ng mga ka grupo nya na sya ay may lihim na pag tingin sa...