CHAPTER 22

135 7 0
                                    

Lumipas ang dalawang araw ay ganoon parin silang lahat. Drive, jamming, kwentuhan, asaran, kulitan at kung anu ano pa.

Ngayon na huling araw nila ay sinulit talaga nila ang buong araw na iyon dahil alam nila sa darating na bukas ay haharapin nanaman nila ang mundo ng buhay estudyante.

Sa tatlong araw na magkakasama sila ay naging close pa silang lahat sa isa't isa. Kahit na ganoon parin ang turingan nina kuya Marcus, ate Colet, Stacku at kuya Jhoseph sa isa't isa ay naging maayos naman din kahit papaano.

Nakita nya ang mga ugali na hindi pa nya nakikita sa mga taong kasama nya kaya namn lalo syang napamahal sa mga ito.

Even Cole na hindi sya pinabayaan kung anong gawin nya nanddon ang binata. Kahit anong utos nya sa ibang members minsan ito ang gumagawa para sa kanya. Kaya naman sa bawat oras, bawat minuto na magkasama sila ay lalong kumalalim ang paghanga nya dito.

Mahal ko na ata talaga sya. Hindi ito simpleng paghanga lang

Ngayon kasalukuyan na silang nasa byahe pauwi. Sa dami ng nalibot nila ay nakabili naman din sila ng pampasalubong sa mga naiwan nila sa kanya kanyang bahay.

"Sa bahay na tayo magdinner ah. Nasabi ko na kay mommy" ang sinabi na yon ni Mikha ang napabalik sa kanya sa ulirat.

"No choice din kayo kase nasa bahay ang mga kotse nyo" dagdag naman ni kuya Khael

"Sure, kainan nanaman. Mukhang kailangan din nating bawiin sa training yung mga nakain natin ahh" -Stacey

"Hindi naman halata kaya kahit wag na kaysa naman sa magmukha kang tikling na espasol" -Kuya Jhoseph

Inirapan naman ito ng dalaga na naging sanhi ng pagtawa nilang lahat. Heto nanaman sila.

"Ako kuya Jhos tigiltigilan mo ko ahh namumuro ka na" inis pang sambit nito

"Totoo naman ahh kahit na di ka magtraining ayos lang naman katawan mo, wag mong abusuhin masyado"

"Hep hep, baka san pa mapunta yan ehh basta sa bahay tayo kakain bago tayo maghiwa hiwalay" -kuya Khael

"Kami na maghahatid sayo ahh" bulong naman ni ate Colet na nasa tabi nya

"Papasundo nalang sana ako kay daddy ehh"

"Huwag mo nang istorbuhin si tito may dala naman kameng sasakyan at same way lang din naman kaya don't worry" muling sabi nito

"Okay sige ate thankyou" sabi nalang nya

"Pagod ate Jho?" Binalingan naman nya ang nagsalita na si Sheena

"Hindi naman, parang ang pagod na ata ang kusang sumuko sakin ehh. Parang hindi ko na ma feel" pagbibiro nya.

"Parang nga kase tignan mo mga boys sa likod halos lahat bagsak alam na alam mo na mga hindi sanay"

Pareho pa silang natawang tatlo nina ate Colet dahil naririnig din nito ang usapan nila ni Sheena

"Mga ungas ang hihina rin pala" sabi naman ni ate Colet

"Yaan mo na ate, aminin man din natin o sa hindi sobra sobra din ang mga pagod nyang mga yan lalo na ayaw pang magpatulong sa pagaayos ng tent kanina" saway nya sa dalawa

"Sabagay tapos sila pa taga buhat at taga luto kaya oks na sige hahaha" muling sabi ni Sheena.

Pagsapit sa bahay ng mga Legazpi ay sinalubong agad sila ng Mommy ni Mikhs habang nakangiti.

"Hi tita goodevening po" halos bati nilang lahat habang bumababa ng Van.

"Oh kamusta mini bakasyon nyo" tanong nito habang nagmamano at bumibeso sila kay tita.

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon