Ikatlong araw ng foundation week at patuloy parin sila sa pagsasaya. Ngayon sya ang nakatokang magbantay ng booth kasama nya si ate Gwenny dahil wala naman daw itong gagawin kaya dito na rin ito tumambay.
Kasama nya rin si Cole na abala ngayon sa pag mamando sa mga estudyanteng nakapila sa labas. Nag presinta kase ito na ito muna ang bahala sa mga nagkakagulong estudyante sa labas which she found cute gestures from her man. Wow inangkin pero doon din naman ang punta non hindi ba?
Dinampot nya ang kanyang Tumbler na nakapatong sa mesa at tumayo para puntahan ang hinata sa entrance ng booth.
Naabutan nya itong abala sa pakikipagkwentuhan sa mga kalalakihang nakapila habang hinihintay matapos ang mga nakasalang sa loob. Natanaw din nya si Nate sa kabilang gilid wari'y wala din itong Balak maglibot kaya ito nakatambay din sa booth.
"Hey it's yahboy Nate, why are you here? Bungad nya dito. Kahit na sunod sunod ang mga estudyanteng nagpapapicture dito ay agad naman itong bumaling sa kanya.
"Many students outside compare here, the other is makukulit and always follow me around that's why I'm here"
"You're hiding ah" panunukso nya
"Nope, nahhh a little bit cause look at my wrist, halos maghapon na kong naka posas kahapon" reklamo nito
"Understand, but can you manage this for a while? Can I borrow Cole? Kanina pa sya dito ehh. Kausapin ko nalang si ate Gwenny na tulungan ka dito"
"Sure Jhoanna, also kuya JL came here later"
"Thanks Natey boy"
Nate is From Chicago but he is half pinoy din kaya nakakaintindi ito ng Tagalog sadyang minsan sumasablay lang sa mga malalalim na salitang tagalog kaya lagi ring napagtitripan ng mga kuya nito. But Nate is really good at dancing. Halimaw sa Stage ang bansag dito dahil kung makita nyo lang kung paano ito sumayaw ng solo para itong walang buto at parang nakalutang sa ere.
Bumalik naman sya sa loob at kinausap si ate Gwenny. "Ate may gagawin ka ba? Pwede ko muna hiramin si Cole sa labas?" Tanong nya. Dumaan naman sa mukha nito ang pagtataka.
"Huh?, Bakit ka sakin nagpapa alam? Diba dapat sa kanya?"
"Ay lutang", bulong nya "I mean can you help Nate sa labas para mag assist sa mga nagkakagulong estudyante?"
"Ahhh, akala ko kung ano. Sure wait lang may chcheck lang ako then labas na ko." Kiming sagot nito
"May problema ba ate ko?" Natanong nya dahil parang may kakaiba kase sa awra nito ngayon. Parang ang lalim ng iniisip nito.
Hindi nya alam kung sya lang ang nakakapansin pero iba talaga ang kutob nya ehhh. Parang may iba, parang may mali pero ayaw naman nyang tanungin ang kaibigan dahil baka isipin nito ay nangingialam sya.
"Wala naman, pagod lang siguro. Or maybe sa monthly period na rin"
"Sure ka?"
"Yup, kaya puntahan mo na si kuya Cole doon" pagtataboy nito sa kanya
"Sige ate salamat" yun lang at iniwan na nya ito kahit na hindi sya kumbinsido sa mga sinabi nito sa kanya.
Nang muling makalabas ay patuloy parin si Cole sa pag A-assist ng mga taong nandoon. Kahit na nasa likod na sya nito ay hindi parin sya nito napansin na nandoon na sya. Kaya naman kinalabit nya ito at agad naman itong lumingon sa gawi nya.
Isang matamis na ngiti ang bumungad sa kanya. Isang ngiti na abot hanggang sa mga mata.
Iniawang nya dito ang dalang tumbler sa binata "uminom ka muna, kanina ka pa nakikipag usap dyan baka maubusan ka ng tubig sa katawan" kita din sa suot nitong black polo shirt na basang basa na ito ng pawis kaya lalo syang na guilty dahil sa kalagayan nito ngayon.
BINABASA MO ANG
Nation's Girls Group Series #1 WE AND US
Teen FictionBilang isang leader walang ibang nasa isip ni jhoanna kung paano pa sila mag-iimproove as a group and also in academic. Wala sa isip nya ang pagkakaroon or pakikipag relasyon ngunit hindi alam ng mga ka grupo nya na sya ay may lihim na pag tingin sa...