CHAPTER 26

133 5 0
                                    

JHOANNA'S POV

"I Like you" nagulantang sya sa sinabi ng binata sa kanya dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sya makapaniwala sa confession nito.

Kanina pa nya gusto kainin nalang ng lupa para maglaho dahil hindi nya alam ang gagawin nya. Litong lito, gulong gulo na sya sa nangyayari sa paligid.

Lalo na't all this time alam ni ate Colet lahat . Sabagay paanong hindi eh kambal nya nga pala ito. Pero bakit hindi man lang sya naka halata? Ang galing nila magtago

Dapat nagtatampo sya sa dalaga pero hindi nya magawa. Kase ano namang ikakatampo nya diba?

"How?" Simpleng tanong nya dahil hindi parin nag poprocess sa kanya

"I don't know pero ang alam ko lang masaya ako sa tuwing kasama kita at the same time na iinis ako sa tuwing may babanggitin kang pangalan ng lalaki. Hindi naman ako nag aassume ng sagot mo agad. Just let me know you my true feelings to you"

"Sorry, hindi ko pa masasagot yan ngayon. You know naman na nasa girls ang priority ko diba?"

"I know, I know. Actually ayaw ko pa sanang umamin sayo ehh lalo na't alam ko umpisa palang na focus ka sa kung anong meron ka ngayon pero ikaw kase ehh pinilit mo ko"

"Anong ako nanaman, ikaw dyan ang nag iiba ng mood tapos kasalanan ko?"

"Oo kase buti pa ibang lalaki na nonotice mo samantalang ako na nasa tabi mo hindi mo mapansin" nakangusong saad nito.

Guilty naman sya dahil totoo naman. Pero kase iniiwasan kase nya na lalong mahulog dito kaya hindi nya pinapansin kahit na simple gesture nito. pero heto sya kaharap ang lalaking minamahal nya at nagtatapat ng pag ibig sa kanya

Does he said that he loves me? He just said that he likes you kaya wag masyadong mag assume.

"Sorry hindi ko alam" simpleng sagot nya

Iniwan na muna nya ito at nakigulo nang muli sa mga kaibigan. Dahil sa totoo lang ay hindi nya talaga alam ang gagawin nya.

Mali na iniwan nya ito ngayon pero gulo pa ang isip nya sa maraming bagay. Hindi nya ito binigyan ng maayos na sagot or ng kasiguraduhan kung ano nga din ba ang dapat nyang gawin.

SA Training ay hindi sya makapag focus dahil hindi maalis sa isip nya ang mga sinabi ng binata sa kanya noong isang araw.

Dalawang araw nalang ang meron sila para ma perfect nila ang ipeperform nila sa gaganaping kompetisyon ngunit hanggang ngayon ay lutang parin siya.

Sa loob ng ilang araw ay hanggat maari ay iniiwasan nya ang binata dahil kailangan nyang mag isip. Pero patuloy pa rin ito sa pagbibigay sa kanya ng kung ano ano. Hindi man nito ibigay sa kanya ng deretcho ay alam nyang sa binata galing ang mga ito.

"Jhoanna focus!" Puna ng dance coach nila na si Mr. Red na PE teacher din nila noong 2nd year sila

"Yes coach sorry po" hinging paumanhin nya

"Coach water break po muna" suwestyon ni Sheena

"Sige sige 10 minutes water break and fix yourself I'll be back later"

"Thanks coach"

Hindi nya umalis sa pwesto nya bagkus ay pasalampak pa syang naupo sa sahig. Grabe ang pagod na nadarama nya ngayon. Sinabayan pa nang hindi na sya nakapag almusal kaninang umaga at tanging sandwich lang ang kinain nya for lunch.

Hindi nya alam kung ano ba ang nangyayari sa kanya. Ito ang lubos na iniiwas iwasan nya. Ang mawala sya sa focus. Pero hindi nya mapagkakaila na namimiss nya ang presence ng binata na laging nasa tabi nya.

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon