"Sining naka toka sa Dance booth?" Tanong nya nang madatnan nya sa studio si ate Maloi. Ang alam kase nya ay ito ang huling tao na nasa booth ng umalis sya.
Celebration na ng foundation week sa university nila kaya abala nanaman sila sa kanya kanyang booth. Dance booth ang naisipan nilang pakulo silang nasa pop organization. Idea iyon ni Sheena at tinawag pa nito iyong "Sheenayaw sumunod ka sakin"
Ang mga kakagat sa hamon ay pipili sila ng members kina kuya Gelo man o sa kanilang girls at sasabayan nila ang galaw nito. At dahil nakakapagod ang naisip nila ay nag record nalang sila ng kanya kanyang step at iyon ang papatugtugin ng naka toka sa booth.
"Si Nate ang pumalit saken kanina, ewan ko lang ngayon" sagot ni ate Maloi
"Yung ibang girls ate?" Muling tanong nya
"Alam ko si Colet nag iikot, nagcheck ng bawat booth" may price din kase kung sino ang may pinapa magandang booth, pinaka patok sa mga estudyante, at pinapa maraming nalikom na funds. "Si Mikhs nasa sports booth nag eenjoy ata doon, then si ate Aya naman kasama si kuya Khael sa Art booth the rest hindi ko na alam kung nasaan haha"
Napatango naman sya sa tinuran nito "eh bat ikaw ate nandito?" Nadatnan nya kase ito na nakahiga sa sofa na nandoon at payapang nag ce-cellphone
"Hinihintay ko si Yaki, naiinip na nga ko ehh. Sabi kase nya dito na kame magkita"
"Ano meron sa inyo ni kuya? Kayo na no?" Panunukso nya sa kaibigan
"Gagi hindi, friends lang kame. Nagbake kase kame nina gwenny kagabe pag uwi then naisipan namin ibenta ngayong araw para dagdag panggala naten"
"Bakit parang iba yang sinasabi ng mga mata mo?"patuloy na panunukso nya dito
"Ay Jhoanna tigil tigilan mo ko, wala ako sa mood pag usapan yan"
"Joke lang 'to naman"
"Oh nandyan na pala jowa mo, lumayas na kayo sa paningin ko" pagtataboy nito sa kanya. Sya naman ay napatingin sa pinto dahil narinig nyang may kumatok doon. Dahil tinted ang pinto kita nya ang mga taong dumaraan sa labas dahil maliwanag
"Jowa ka dyan ate ni hindi pa nga official na nanligaw ehh" may disappoinment na sabi nya "nandyan na rin naman future jowa mo oh" dugtong nya ng matanaw si kuya Yaki
"Ano ba Jho, manahimik"
Naiiling nalang sya dahil sa asta ng kaibigan. Ideny man nito ang mga bagay bagay ay alam nyang may gusto na ito sa kaklase/friend nitong si kuya Yaki
"Love let's eat, nagugutom ako" bungad naman ni Cole pagpasok nito
"Oh love daw, label muna bago callsign" singit ni ate Maloi
"Love ka dyan" saway naman nya sa binata
"Bakit hindi ba kita pwedeng tawaging love?"
Tumagos naman Hanggang sa kanyang puso ang sinabi nito pero nandoon parin ang pangamba dahil wala naman itong ginagawang way para official na manligaw sa kanya
Lumapit ito sa Kanya at niyakap sya mula sa likod at ipinatong ang baba nito sa may tuktok ng ulo nya. Para syang nadadarang sa posisyon nilang iyon.
Madalas naman nitong ginagawa ang mga bagay na iyon pero ganon parin ang dulot nito sa katawan nya.
"Sige na kain na tayo love, habang walang masyadong tao sa Canteen" bulong pa nito
"Mauna na kame sa inyo ahhh, mukhang need nyong magsolo, pero label at kasal muna ahh bago baby. Hindi pa ko ready maging ninang" ani ate Maloi at sumibat na kasama si kuya Yaki
BINABASA MO ANG
Nation's Girls Group Series #1 WE AND US
Teen FictionBilang isang leader walang ibang nasa isip ni jhoanna kung paano pa sila mag-iimproove as a group and also in academic. Wala sa isip nya ang pagkakaroon or pakikipag relasyon ngunit hindi alam ng mga ka grupo nya na sya ay may lihim na pag tingin sa...