LAST CHAPTER

915 8 0
                                    

JHOANNA'S POV

Nang magising kinabukasan ay agad nyang napansin na nasa ibang kwarto sya. Oo nga pala nakina Mikha sya. Agad nyng nilingon ang pigurang nasa kanyang tabi. It was ate Colet at nasa kabilang side naman ay sina Sheena at Mikha. Dalawang queen side bed ang meron sa guest room at dahil mga payat lang sila ay kasya ang apat sa isang bed. Hindi naman din sila malilikot matulog kaya ayos lang.

Ang sarap lang sa feeling na kahit na may problema sya ay hindi sya iniwan ng mga kaibigan nya magdamag. Lalo na si ate Colet na knowingly na kapatid pa nito ang dahilan kung bakit sya nagkakaganito.

Makalipas lang ang ilang minuto ay nagising na rin si Sheena. Nanatili lang kase syang nakahiga dahil ayaw naman nyang gisingin ang mga ito lalo na at nasa gitna pa sya. kaya hinintay nalang nya na magising ang mga ito.

"Feel better ate Jho?" Bulong nito pero batid pa rin sa boses nito ang antok

"Hmm hmm, thankyou for staying with me all night"

"Ano ka ba, wala yon. We're friends and more than that kaya dito lang kame"

____________________________

NANG Magising ang lahat ay sama sama na silang nag almusal. Humingi pa sya ng dispensa kina Tita dahil sa hindi agad sya nagising kagabi. Mabuti nalang at mababait ang parents ni Mikhs kaya madali lang para sa kanya ang humingi ng dispensa.

Pagkatapos nilang maligo. Wala sana silang balak na umalis sa bahay ng mga Legazpi dahil kahapon palang ay napag usapan na nila ang mga gagawin sa loob ng dalawang araw na nandito sila. Pero bigla ay nagyaya si ate Colet na lumibot sa pad nito. Which is bago sa kanila dahil for the first time ay nagyaya ito roon.

Hindi ito nagyayaya noon doon dahil. Wala naman daw laman ang pad na yun. Walang stocks ng food dahil nga sa bahay ng mga Vargas ito umuuwi. Agad naman syang napapayag dahil makikita na nya sa wakas ang pad nito. And hoping na sana makita nya rin doon ang taong matagal na nyang gustong makita.

___________________________________

PAGDATING sa labas ng building ay bigla syang kinabahan. Napakalakas ng kabog sa dibdib nya.  Hanggang sa makapasok sila sa elevator ay lalong lumalaks ng lumalakas ng tibok ng puso nya para bang anumang oras ay lalabas ito mula sa ribcage nya.

Napansin nyang pagbaba palang nila ng kotse ay naging abala na si ate Colet sa Cellphone nito baka may pinapagawa nanaman ang head admin ng SPU

Pilit na pinagpabale wala ang kabang nararamdaman. At nang makarating sila sa tapat ng pinto gusto sana nyang tanungin kay ate Colet kung anong pad Number ng binata para makamusta pero wag na lang baka lalo pa syang maka istorbo dito.

Sinimulan ng pindutin ni ate Colet ang passcode sa may pinto at ng tuluyan ng bumukas ito ay iba ito sa inaasahan nya. Alam nyang may pagka swag si ate Colet pero parang lalaki talaga ang may ari ng pad na to. Simula sa kulay ng pader at sa mga ilaw. Kitang kita na hindi isang babae ang may ari. Pero sino nga ba sya para husgahan ito lalo na at ngayon nya pa lang makikita ang kabuuan ng pad ng kaibigan.

Patuloy lang sya sa pagmamasid sa paligid hanggang sa makarating sila sa sala. Bahagya pa syang nagulat dahil nandoon ang ibang boys at nakatayo sa gilid ng coffee table. Sa table ay may nakapatong na loptop at projector at nakatapat sa dingding

"Ohhh nandito din kayo?? Paano kayo nakapasok sa pad ni ate Colet?" Tila parang sya lang ang nagtataka dahil sa sobrang dami nyang tanong sa kanyang utak. Sya lang ba ang walang alam sa nagaganap? Ganito na ba sya ka lutang para pati usapan ng girls hindi nag sisink in sa kanya?

May pagtatanong sa kanyang mukhang tinignan nya ang girls lalo na si ate Colet. Ngumiti lang ito sa kanya at itinuto ang pader kung saan nakafocus ang projector. Binalingan naman nya ito at nakita nyang may pinlay si kuya Yaki sa loptop.

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon