COLE'S POV
Nang makarating sila sa bahay ng dalaga ay ginising na nya ito. Hindi nya ito kinakausap dahil and akward lalo na at kasama nila sa van ang dalawang mokong na kaibigan.
Bumaba naman agad ang mga kaibigan nila kaya naiwan silang dalawa sa loob
"Jho? Nandito na tayo" sabi nya tyaka nya ito niyugyog ng bahagya sa balikat para hindi ito mabigla
20 minutes lang din kase ang byahe mula school hanggang sa bahay ng mga Robles kaya siguradong sasakit ang ulo nito kapag binigla nya ito ng gising.
Umungol naman ito tanda na narinig nito ang sinabi nya
Nang tuluyan na itong magising ay nag ayos na ito ng mukha.
Sya naman ay naka titig lang dito. Grabe kahit na bagong gising ito ay ang ganda ganda parin nito tignan.
"May nagawa ba ko sayo?"
Nagtaka naman sya sa tanong nito
"W-wala naman bakit?"
"Kase hindi mo ko pinapansin kanina ehh" tila nagtatampo ito sa kanya at talagang na pout pa ito.
Sya naman na tila na konsensya dahil dinamdam pala nito ang hindi nya pagkausap dito kanina.
Hayyst kung alam lang nito kung gaano nya ito kagustong kausapin pero na uunahan sya ng kaba.
"No, sorry ang akward kase lalo na nasa likod lang ang mga mokong kong kaibigan baka mailang ka kapag nagsimula ng mang asar ang mga iyon" palusot nya
"Bakit naman?" Inosenteng tanong ulit nito
"Ewan, wag mo nang isipin yon. Kanina pa nasa loob yung mga yon baka ma disaster naman yang bahay nyo"
Tuluyan na itong ngumiti at niyaya na syang bumama ng sasakyan.
Kung alam lang nito na labis ang kaba nya tuwing nasa malapit ito. Lalo na ngayon na sobrang close na nya dito d gaya noon. To the point na ayaw na nyang malayo pa dito.
Kanina habang nag ddrive sya papasok kasama ito at nagulat sya sa inakto ng dalaga para sa kanya..
Imagine Jhoanna Robles na ilang taon na nyang pinagmamasdan sa malayo, ilang beses na hiniling na sana makasama man lang nya ito kahit isang araw lang, ilang libong sana ang nahiling na nya para lang mapansin sya nito ay susubuan sya ng kwek kwek na para ba silang mag couple.
Sa loob ng bahay ay hindi nga sya nagkamali dahil nagkakagulo na ang mga girls sa may kusina kasama ang mommy ni Jho habang ang mga boys naman ay kasama ng daddy nito sa may pool area at nakikipag kwentuhan.
Agad naman syang nagmano sa mommy nito at agad na pinuntahan sina tito at nagmano din sya dito.
"Balita ko tito eh nakapagpaalam na daw po itong si Cole sa inyo?" Dinig nyang tanong ni Jhoseph kay tito Boyet
"Ahh oo ang aga nga nyan kanina dito ehh"
Sya naman ay napakamot sa kanyang batok dahil sa sinabi ni tito Boyet.
Binigyan naman sya ng mapanuksong tingin ni Jhoseph ngunit hindi nalang nya ito pinansin.
JHOANNA'S POV
Sa may kusina habang naghahanda si mommy ng hapunan ay naabutan nyang nakikipagkwentuhan ang girls dito.
Feel home na feel home na ang girls dito sa bahay at ka close ng mga ito ang parents nya.. though sila naman lahat pwera lang kina Stacku at Ate Aya dahil medyo malalayo ang mga bahay nito sa School.
Pero nakakausap naman din nila sina tito't tita sa video call or minsan ay sumasama silang umuwi sa mga ito tuwing bakasyon
Kaya sila na dito lang sa malapit nakatira ay nagiging tambayan na ng girls kaya close na close na ang mga ito sa parents nya.
BINABASA MO ANG
Nation's Girls Group Series #1 WE AND US
Teen FictionBilang isang leader walang ibang nasa isip ni jhoanna kung paano pa sila mag-iimproove as a group and also in academic. Wala sa isip nya ang pagkakaroon or pakikipag relasyon ngunit hindi alam ng mga ka grupo nya na sya ay may lihim na pag tingin sa...