JHOANNA'S POV
Maaga syang pumasok dahil nakiusap si ate Colet sa kanya na tulungan nya ito sa mga gagawin nila sa SSC office kaya naman dumeretcho na sya sa office at baka nandoon na si ate Colet ng ala sais ng umaga.
Yeah ala sais dahil wala naman din syang gagawin sa bahay kaya maaga din syang nagbihis para sana makapag ayos sa dance studio pero nagtext si ate Colet kaya baka mamaya nalang nya aayusin ang studio.
Papatulong nalang sya sa girls para malinis yon. Sa so rang busy kase nilang lahat ay naiiwan na nila yon ng madumi kahit na nililinis naman yon ng mga taga linis sa school. Iba pa rin kase kapag sila mismo ang naglilinis ng pinagkalatan nila.
Pagsapit nya sa Office ay wala pa si ate Colet doon bagkus si Kuya Marcus na syang Vise President ng SSC ang naabutan nya doon na nag pprint ng kung ano ano.
Kumatok muna sya para maagaw ang atensyon nito. At agad naman itong lumingon sa kanya
" Kuya, si ate Colet nasa main office na?" Tanong nya
"Hmm, wala pa ehh pero pasok ka dito mo nalang sya hintayin" sagot nito
"Salamat, akala ko ako na pinaka maaga hindi pala" natatawang saad nya "bakit ang aga mo ata ngayon kuya"
"Ahh nag print lang ako ng mga gagamitin ni Press. Nangungulit kase yon sa gc namen kahapon pa eh siniseen lang sya ng mga ibang members kaya eto ako na gumawa"
"Whoahhh kaya naman pala sakin lagi nagpapatulong si ate Colet about sa SSC yun naman pala wala talaga syang aasahan"
"Haha ganon na nga, pasensya na ahh"
"Bakit naman kuya? eh ang aga mo nga para dyan oh"
"Let's just say na walang tiwala sakin si press about sa mga ganitong bagay haha asar sakin yun ehhh"
Naalala naman nya kung paano nga maasar si Ate Colet kay kuya Marcus every time na magkakasama sila dito sa office
"Ikaw kase kuya ano ginagawa mo kay press ehh kaya pagdating sayo laging bugnot"
Natawa naman ito sa mga sinabi nya habang patuloy lang ito sa pag-pprint ng mga papel
"Hindi ko din alam, ang Cute nya kase maasar ehh lalo na kapag nagtataray na" patuloy pa nito
" Ikaw nga kuya umamin saken, may gusto ka ba kay ate Colet" deretchahang tanong nya
"Maybe?" Sagot nito sabay dumila pa
"Seryoso nga?" Pangungulit pa nya para mapaamin to "kaya pala inis na inis sayo si press ehh ang lakas ng trip mo"
" Hindi ko pa sure basta masaya ako kapag nandyan sya at kapag inis na sya" pag amin naman nito "kaya hindi ko pa talaga alam. Ang alam mo lang ayoko nalalayo tingin ko sa kanya. Minsan kapag inisi na yon maririnig mo naoang na 'Ricafordddd!!! Tumahimik!' hahaha" panggagaya pa nito sa tinis ng boses ni ate Colet na ikinatawa nya.
Maya maya ay may narinig silang kaluskos mula sa labas na tila ba kinakapa ang doorknob para mabuksan yun.
Nang tuluyan ng mabuksan ang pinto bumungad sa kanila si ate Colet na napakadaming binibitbit kaya naman agad nya itong tinulungan.
Habang si kuya Marcus naman ay tatawa tawang tumalikod na sa kanila
"Apaka gentleman naman talaga" dinig pa nyang bulong ni ate Colet na waring pinariringgan si kuya Marcus
"Papasok din ba to sa main office ate?" Tanong nalang nya
"Ah oo, pakipasok nalang, doon na tayo gumawa. Bakit ang aga mo ata naunahan mo pa ko"
BINABASA MO ANG
Nation's Girls Group Series #1 WE AND US
Teen FictionBilang isang leader walang ibang nasa isip ni jhoanna kung paano pa sila mag-iimproove as a group and also in academic. Wala sa isip nya ang pagkakaroon or pakikipag relasyon ngunit hindi alam ng mga ka grupo nya na sya ay may lihim na pag tingin sa...