CHAPTER 36

181 6 2
                                    

Nagpatuloy ang araw nila at masasabi nyang naging maayos at masaya ang ginawa nila kanina. Kasalukuyan silang nasa dance studio at nag aayos ng sarili

Ang mga boys ay nilibot muna ang bagong kaibigan na si Glen sa mga booth dahil bawal naman ang mga ito sa loob ng dance studio dahil nagbibihis silang walo. Diba?

Napag desisyonan nila isang outfit nalang ang susuotin nila para hindi sila maging aligaga sa pagpalit ng damit. Dadagdagan nalang ng mga duo performer ang mga suot ng mga ito kapag sila na ang sasalang.

"Settle na ba girls?" Tanong nya sa mga ito

"Opo" "yup" "yeah" sabay sabay sagot ng mga ito

"Sige before we got out pray muna tayo for the success ng program and to ate Colet"

Sumangayon naman ang lahat at pinangunahan na nya ang panalangin bago sila tuluyang lumabas

Si ate Colet ang mag papanimulang speech bago sila nito ipakilala nang maka akyat na sila sa Stage ay inabutan sya ng mic ng kaibigan pananda nang pagpapakilala nila

"2, 3?"

"MABUHAY!" Sabay sabay na saad nila

"Goodmorningg teachers and to all Students out there. Happy anniversary to St. Paul University. This is the last day of our foundation week so let's enjoy this whole day because on Monday we all back to the reality. Now here we are starting this program a wonderful performance hope you enjoy guys" saad nya bago ibigay ang mic sa MC ng program na si kuya Marcus kasama ang PIO ng SCO.

Pinerforn nila ang kantang "Imposible" ni miss Kz Tandingan na sinayaw nila noong nag guest sila sa St. Vincent University last year.

Habang nagsasayaw at kumakanta sila ay nakikisabay din ang mga estudyanteng nanonood. Kita din nya ang mga kaibigang lalaki na nag h-hype din sa kanila.

Ang saya lang isipin na makita ang mga grupo ng kalalakihang ito na suportado sa kanila. Maski si kuya Marcus na nasa gilid ng stage at makikita mo sa kanya ang pagiging proud kuya. Kahit na medyo madaldal at lagi nitong inaasar si ate Colet.

Lalong naghiyawan at nagpalakpakan ang mga estudyante nang magsimula ng magrap si Mikhs. Ang lakas talaga nang hatak sa mga tao kapag si Mikhs na ang bumanat ng rap. Kahit na minsan hindi ito palakibo pero ang bangis pa rin nito sa rap part.  Iniba nila ng onti ang rap part para mahati nila iyon sa tatlo. Dapat ay si Ate Aya ang susunod na magrarap pagkatapos ni Mikhs ngunit nagkasakit ito noon kaya pumalit sa kanya si Ate Colet.

"Kinukulit mo lang ako kase alam mo na bibigay ako sa malambing na suyo mo. Kaso lang na parang hindi ka na nadala, panahon na to para maalala na di ka na bata para"

Nakangiti lang din sya habang nagsasayaw dahil sa part ni ate Colet paping papi din talaga ito. Gumawi ang tingin nya kay Cole na sinasabayan ang part na yon ng kambal. Nang magtama ang paningin nila ay nag wink pa ito sa kanya kaya lalo naman syang ginanahan mag perform

Nang matapos sila ay hiyawan at palakpakan ang natamo nila mula sa mga taong nandoon.

Sinalubong naman sila ng mga kaibigan at isa isa silang inabutan ng tubig. Lumapit naman sya kay Cole at inabot nito sa kanya ang kanyang Tumbler at gamit ang sariling panyo ay ipinunas nito iyon sa kanyang mukha.

Banayad lang ito nang pagpunas sa kanyang mukha marahil para hindi mabura ang make up nya.

"Better?" Tanong nito

Tumango naman sya "kaya ko naman din yan eh"

"Syempre gusto ko ako naman gumawa nito sayo, for almost 2 or 3 years ko ding pinapangarap na gawin to sayo."

Nation's Girls Group Series #1 WE AND USTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon